Chapter XXII

103 32 0
                                    

Lian POV

Nag-aalalang tingin ang ginawad sa 'kin ni Cassandra na ikinangiti ko naman ng bahagya. P.E subject namin ngayon at Ma'am Joy pala ang pangalan ng fifth subject namin.

Unang araw ngayon ng marso at ang narinig ko'y tuwing unang araw ng buwan at basta may pasok ay challenging ang P.E namin.

Nalaman ko kasing isang beses na nawalan ng malay si Kaiden sa pagtakbo kung kaya't nag-aalalang nakatingin ngayon sa 'kin si Cassandra.

May kanya-kanyang silid sa locker room na pangdalawahan lang. Kaya naman kami ni Cassandra ang magkasama. May malaki at malapad na dalawang locker. May mahabang upuan din at may dalawang kama magkabilang gilid at dalawa ang banyo saka safe magbihis.

"Huwag ka ng mag-alala, ano ka ba. Kung gusto mo, magpustahan pa tayo eh." untag ko nang mawala ang pag-aalala niya.

Huminga siya ng malalim bago ngumiti.

"Okay, game!"

May naisip naman akong kalokohan na ikinangiti ko ng nakakaloko sa loob-loob ko.

"Kapag ako ang nag-first place, tawagin mong bakla si Rex. Five times ah?" pagkuwa'y nakangiting sambit ko.

Napasinghap siya at napanganga. "Ano?! Ayaw ko!"

Natawa naman ako. "Wala ng atrasan, nag-game ka na eh. Pero kapag ako naman ang natalo, anong gusto mong gawin ko?"

Nag-aalangan pa siya pero agad din siyang ngumiti muli.

"Bakit pa ba 'ko nag-aalangan, eh hindi ka nga nananalo kahit nagsisimula palang eh."

Imbis na mapasimangot ay mas lalo lamang akong napangiti.

Dalawampu kami sa klase at magkakaroon ng limang miyembro bawat koponan.

So, ang unang team ang tatakbo at sino man ang mauna sa kanila ay siya ang lalaban sa mga susunod na mananalo mula sa bawat koponan.

Apat nalang ang maglalaban sa huli at doon malalaman kung sino ang first place. Bukod sa graded ito ay may premyo rin daw at 'yun ay hindi nila alam since lagi raw si Rex ang nananalo.

"Tingnan natin. So, ano na?" nakangiti pa rin ako sa kanya.

Nilagay niya pa ang hintuturo sa baba niya at napatingala wari'y nag-iisip.

"Hmm...ipagluluto mo 'ko." turan niya at nang-aasar na tiningnan ako.

Sus! Basic!

"Ang dali naman! Pero ako talaga ang mananalo kaya mas mabuti sigurong tawagin mo ng bakla si Rex bago pa magsimula ang laro." natatawang sabi ko.

"Gosh! Sana hindi ka manalo!" anito at lumabas na.

Natatawang napailing na lamang ako.

Nasa field na ang ibang kaklase namin at ang ilan ay naririnig ko pa sa kani-kanilang mga silid.

Tinanggal ko ang roba na suot. Nakasuot na kasi ako ng cycling, P.E short at sports bra.

Pinagpag ko muna ang P.E shirt at akmang isusuot ko na 'to nang mapaigtad ako ng bahagya sa tunog ng pagsara ng pinto.

Agad tuloy akong napaharap sa pumasok at nakitang si sungit ang taong 'yon.

Natigilan ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Napansin ko pa ang paggalaw ng lalamunan niya na tila lumunok ito ng todo.

Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya na pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa 'tapos sa...

Saka ko naalalang hindi ko pa pala naisusuot ang P.E shirt ko.

You're really something (GirlxGirl) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon