Chapter XXIII

120 32 0
                                    

Lian POV

Kanya-kanya kaming dumiretso sa locker room nang sabihin ni Ma'am Joy na bukas ko na raw malalaman ang premyo ko at dinismiss naman na agad kami nito. May labinlimang minuto pa kami upang makapag-ayos para sa last subject. Nauna naman ng natapos sa pagligo si Cassandra.

"Omg. Nakakahiya kay Rex, best!"

Natawa naman ako.

Hindi siya maka-get over eh ahaha.

"Kumunot lang naman ang noo niya. Mukhang hindi naman pikunin. Maliligo na muna 'ko."

Sumimangot naman siya. "Hmp. Pupunta ako ng cafeteria, may ipapabili ka?"

Ngumiti at umiling nalang ako bilang tugon.

Pumasok na 'ko sa sariling banyo nang umalis na siya. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan alalahanin muli ang mga titig na binibigay sa akin ni sungit kanina.

Naguguluhan ako't nag-aalala lalo na sa malalim nitong pag-iisp nang muntik na itong mabunggo sa poste.

Napahinga ako ng malalim. Binuksan ko na ang shower at nagbanlaw na habang nakapikit at dinarama ang lamig ng tubig.

"It's amazing how you can speak right to my heart..." hindi ko mapigilan mapakanta ng mahina at mapangiti habang patuloy na iniisip si sungit.

Simula kasi ng sabihin niyang isa ito sa mga paborito niyang kanta na ang title ay 'When you say nothing at all' hindi na lilipas ang isang araw na hindi ko ito napakikinggan hangang sa mamerozie ko tuloy ang lyrics.

"Without saying a word, you can light up the dark...try as I may, I can never explain
What I hear when you don't say a thing..."

How I wish this song can represent us, sungit. But it's imposible...

Napahawak ako sa pisngi nang maramdaman kong umalpas ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko.

Hindi pa rin talaga kaya ng puso kong tanggapin na wala na talagang pag-asa sa aming dalawa.

Ngunit gagawin ko ang lahat upang pigilan ang sarili na umamin sa tunay kong nararamdaman dito. Hindi ko na ipipilit pa.

Ngunit kaya ko naman sigurong iparamdam sa kanya na mahal ko siya kahit hindi ko sabihin, hindi ba?

Pinagpatuloy ko na ang pagkanta habang isa-isa ko ng sinuot ang panloob ko maging ang uniform at inayos muna ang mga sinuot ko at tinupi bago lumabas.

"The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall----" natigilan ako sa kinatatayuan nang tumambad sa 'kin si sungit na nakaupo at nakapikit na nakasandal sa mahabang upuan.

"S-sungit---" hindi ko na natapos pa ang itatanong ko nang magmulat siya ng mga mata at mabilis na lumakad palapit sa akin.

Nabitawan ko ang hawak sa seradura ng pinto sa gulat nang yumakap ito sa akin.

"C-can we go out? Do you know somewhere that I can have a peace of mind?"

Hindi ko mapigilan mapabuntong hininga. Ito na naman ang pakiramdam na tila may problema siya. Naninibago talaga ako sa kanya.

"May klase pa tayo." malambing kong sambit.

Gamit ang kanang kamay na walang hawak ay sinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko.

"Kanina ka pa ba? Nakakahiya naman at narinig mo pa 'kong kumanta..." pagbibiro ko upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.

At wala na rin akong pakialam pa kung marinig o maramdaman niya ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko sa pagsandal ko ng ulo niya sa dibdib ko.

You're really something (GirlxGirl) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon