Know nothing
Nataranta akong bumangon sa higaan at dumiretso sa kuwarto ni Vanilla. It's already 7:30 a.m dammit!
Dali-dali kong inayos ang uniform na susuotin ni Vanilla bago pa siya matapos maligo. Nang marinig kong bumukas ang pinto ng cr niya ay ka agad akong napatingin sakaniya na bagong labas habang suot ang pink na maliit na towel sa katawan at hindi maayos na paglagay ng puting towel sa buhok niya. She smiled while looking at me. Naglakad siya papalapit sa akin at tiningnan ang damit na hinanda ko para sakaniya.
She tilted her head to look at me, lips downwards. “Mommy... that's not my uniform for today po.” mahinang sabi niya sa akin at pumasok sa maliit na walk in closet niya.
“That's for tomorrow, mommy... and,” itinaas niya ang isang uniform at ipinakita sa akin. “Eto po yung uniform ko ngayon po.” sabi niya.
My mouth parted a bit. Tiningnan ko ang uniform na hinanda ko at ang uniform na kinuha ni Vanilla. Pilit akong ngumiti at nilapitan siya.
“I'm sorry baby, hindi alam ni mommy. I promise I will prepare the right uniform for you tomorrow.” mahinang saad ko at tinulungan siyang mag-bihis.
Ngumiti siya sa akin pagkatapos niya suotin ang school shoes niya. Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha niya naman ang maliit na backpack niya. We went down to eat. Nang makarating kami sa kusina ay parehas kaming natulala dahil walang pagkain.
“Mommy... there's no food po.” mahinang sambit ng anak ko at tiningnan ang lamesa na walang laman.
“I'm sorry baby I forgot to cook.” hinarap ko si Vanilla at pinaupo siya sa upuan. Binuksan ko ang cabinet kung saan may cereals doon, kinuha ko iyon at binigyan si Vanilla.
“Magluluto muna ako ha? Mabilis lang 'to.” kinuha ko ang pancake mix at nagmamadaling gawin ang nasa instructions. Halos mabaliw na ako dahil mabilis na umiikot ang oras at malelate na si Vanilla.
Habang hinihintay na maluto ang pancake at nag-handa naman ako ng prutas para kay Vanilla.
“Mommy, it smells like something is burning.”
Napa-angat ako ng tingin at mabilis na inunplug ang electric stove. Kinuha ko ang spatula at dali-daling kinuha ang pancake sa pan. Bigla kong nasagi ang kamay sa maiinit na maliit na kawali dahilan ng pagkaroon ko ng paso sa daliri.
“Shit.” I whispered as I shake my hands to ease the burning pain.
There's no time left so I just decided to put fruits and pancakes in Vanilla's lunchbox before putting it in her backpack.
Napatigil kami nang biglang nagpakita si Rhysand na nakasuot ng business suit na suot niya rin kahapon. Kakauwi niya lang.
“Darling, what's going on?” he asked, worried.
“Daddy, I'm getting late na po. Mommy burned her hands. She's hurt, so can you take me to school instead?” sabi ni Vanilla, turo sa kamay na hawak-hawak ko.
Lumapit sa akin si Rhysand at kinuha ang kamay ko. Binawi ko iyon at itinuro ang anak namin.
“I'm okay. Please take Vanilla to her school. Late na siya.”
“Babalik ako, hintayin mo ako rito.” bulong niya sa akin. Nagkatitigan kami bago ako tumango.
“Now, let's get you go to school, baka ma late ka na naman.” Kinuha ni Rhysand ang maliit na bag ng anak niya sa sofa at iginaya palabas si Vanilla.
YOU ARE READING
UNLOVING YOU [completed]
RomanceA story about two people who met again after how many years of being away after they experienced a tragic days before. And when they met again, the man named, Rhysand Velarde, asked his ex-fiancée, Fleur Harisson, to be the mother of his child. Thi...