NATAGPUAN ni Sasha ang kanyang sarili na dina-dial ang number ni Clyde. Nag-ring iyon pero walang sumagot. Di-nial niya ulit pero mukhang ki-nancel naman nito. Ti-nry niya ulit pero cancel na naman ang nakuha niya. Sinabi niya sa sarili na hindi siya titigil hangga't ito sumasagot pero siya na rin ang sumuko nang halos naka-fifty miscalls na siya dito.
"Ayaw mong sagutin, ha! Pwes! Iti-text kita! Akala mo ba ay titigilan kita? No! Hindi ako titigila hangga't hindi mo ako kinakasuap!" Kausap niya sa kanyang sarili. Gigil na gigil.
Tinext niya ito na sagutin naman ang tawag niya. Sinabi niya na kahit ten minutes lang mag-usap naman sila. Simula kasi ng magbakasyon ay hindi na niya ito nakakausap and that was two weeks ago na.
Nang subukan niya ulit itong tawagan ay sinagot na nito. Nabasa na siguro nito ang text niya.
"Thanks, Clyde! Sinagot mo na--"
"Two minutes, Sasha. Iyan lang ang time na kaya kong ibigay sa iyo. Your time is running."
"What?! Ang sabi ko ay ten minutes!" reklamo niya.
"Iyon lang ang time na kaya kong ibigay sa iyo. Naiintindihan mo ba? Huwag ka nang demanding. Wala ka nang karapatan na magdemand sa akin. Okay?"
Ang sakit naman no'n!
Nakaramdam siya ng pagkaawa sa kanyang sarili sa oras na iyon. Para kasing namamalimos siya ng oras at atensyon dito. Pero ano bang magagawa niya? Wala na siya sa lugar para mag-demand ng oras dito. Siguro kung noong boyfriend pa niya ito, pwede pa.
"Pero, baka naman pwede mong gawin kahit--"
"One minute and fifty seconds... Your time is running. Sabihin mo na ang lahat ng sasbihin mo."
Nataranta naman si Sasha sa sinabi ni Clyde. So, tinotoo nito ang sinabi nitong two minutes. Hindi siya dapat magsayang ng segundo. Dapat masabi niya dito ang lahat ng gusto niya. Dapat sa loob ng two-minutes ay makumbinse niya ito na magkabalikan sila at iwan nito ang kasalukuyan nitong girlfriend.
"Clyde, kumusta ka na ngayon? A-ang tagal na simula nang makita kita at makausap. Alam mo ba na miss na miss na kita? Lahat ng masasayang memories natin, hanggang ngayon ay tanda ko pa..." Napangiti siya sabay pause sa pagsasalita. "Lahat ng iyon ay inaalala ko. Clyde, please... come back to me. Mahal na mahal pa rin kasi kita."
"Iyon lang ba? Wala nang iba?"
"M-meron pa. Ano... M-masaya ka ba kay Nadine?" Si Nadine ang bago nitong girlfriend. "Sana inaalagaan ka niya gaya ng ginagawa ko sa'yo noon. Sana minamahal ka rin niya katulad ng pagmamahal ko. Sana... Sana..." Lumunok siya ng laway at napaluha na naman. "Sana tayo na lang ulit... Sana balikan mo na ako. Clyde, mahal na mahal--"
Toot... toot... toot...
Beep tone na ang sumagot sa kanya.
"Clyde?" Pagtingin niya sa screen ng phone niya ay in-end na pala nito ang tawag.
Saktong two minutes.
"Mahal na mahal kita..." Pagpapatuloy niya kahit hindi na nito naririnig.
Tuluyan na siyang napahagulhol sabay subsob ng mukha sa unan na nasa kanyang hita. Doon niya ibinuhos ang lahat ng luha na lumabas sa kanyang mga mata.
-----ooo-----
"MANONG YANI!" Masayang kumaway si Echo sa matandang bangkero pagkababa na pagkababa niya ng tricycle. Hila ang isang maleta ay naglakad siya palapit dito upang bigyan ito ng yakap. Masayang nagkumustahan ang dalawa dahil matagal na silang hindi nagkikita. Ngayon lang ulit.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomanceWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...