NAMUMUGTO ang mga mata ni Sasha nang magising siya ng umagang iyon. Mugto man ang mata dahil sa kakaiyak kagabi ay may ngiti naman sa labi niya. Kagabi kasi ay iniiyak na niya ang lahat ng nararamdaman niyang sakit dahil kay Clyde. Bago umalis ang mga ito ng isla ay nagkausap na sila at naayos na nila ang lahat. Alam niyang hindi pa siya talaga nakaka-move on dito pero she has to keep moving. Hindi titigil ang mundo dahil nasasaktan siya. Patuloy itong iikot at kung hindi siya tatayo mula sa kinalugmukan niya ay maiiwanan siya nito.
"Good bye na sa iyak at pagmumukmok! Ibabalik ko na ang dating Sasha!" Masayang sabi niya sa kanyang sarili.
This time, pagbibigyan naman niya ang kanyang sarili na sumaya. Pagbibigyan niya ulit ang puso niya na umibig muli. Pero kanino?
Tila biro naman na sumagi sa isip niya ang mukha ni Echo.
"Bakit siya?" Kinikilig na bulong niya.
Inayos muna niya ang kanyang sarili at lumabas na siya ng tent. Nakangiting nag-inat ngunit natigilan siya nang makita niya si Echo na may kayakapang babae. Parang ang higpit-higpit pa nga ng yakapan ng dalawa na parang miss na miss ng mga ito ang isa't isa. Parang hindi mo mapaghihiwalay ang mga ito.
Napasinghap siya. Pakiramdam niya ay pinagsusuntok ng ilang beses ang kanyang dibdib. Nasasktan ba siya? Bakit naman siya masasaktan? Ano itong nararamdaman niya? Nagseselos ba siya? Kung nagseselos siya? Bakit naman?
Nang makita niyang naghiwalay na ang dalawa mula sa pagkakayakap ay nagmamadali siyang bumalik sa loob ng tent sa takot na baka makita siya ni Echo. Doon ay sinabunutan niya ang kanyang sarili. Hindi pa siya nakuntento at sinampal na rin niya ang sariling pisngi.
Don't tell me you're falling in love again, Sasha! Gumising ka nga! At pinagalitan na nga niya ang kanyang sarili.
Napailing siya. Hindi ito pwede. Hindi pa siya pwedeng magmahal ulit dahil hindi pa siya tuluyang nakakapag-move on kay Clyde. Kailangan niyang pigilan itong nararamdaman niya para kay Echo. Isa pa, mukhang mahal ni Echo ang babaeng kayakap nito kanina...
Sa naisip na iyon ay napangiwi na lang siya sa sakit na nararamdaman.
Isang bagay na lang siguro ang dapat niyang gawin o tamang gawin. Aalis na siya sa islang ito ngayon din.
Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Manong Yani para magpasundo na. Aalis na talaga siya! Napakatanga niya para mahulog agad ng ganoon kabilis kay Echo. Hindi pala dapat talaga ibinibigay ang puso mo sa isang tao ng buo dahil kapag nasaktan ka, buong puso mo rin ang masasaktan.
-----ooo-----
INIHATID na ni Echo si Pearl sa bangkang naghatid dito sa isla. Para sa kanya ay nakatulong sa kanya ang pagpunta ni Pearl sa isla at pakikipag-usap nito sa kanya. Doon niya naisip na hindi na pala niya ito mahal at si Sasha na ang itinitibok ng kanyang puso. Sadyang hindi mo pala talaga alam kung kailan ka magmamahal kahit sabihin mo pang hindi ka magmamahal muna dahil nasa proseso ka pa ng paghilom ng sugat nito. Kapag natagpuan mo na siya, titibok ulit ito at wala ka nang magagawa kundi sundin ito.
Napatawa si Echo sa naisip niyang iyon. Parang kanta yata iyon, e.
Ang gaan-gaan na ng pakiramdam niya ngayon. Punung-puno ng pagmamahal ang puso niya at sa iisang babae niya iyon gustong ibigay-- kay Sasha. May something kasi dito na nakita niya na hindi niya alam kung ano. Nagandahan lang naman siya dito noong una kahit na ang sungit-sungit nito pero nang magkakilala siya ay doon niya nakita ang tunay nitong ugali. Mabait pala ito at halos magkaparehas sila ng personalidad kaya nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay.
"Echo, sana makahanap ka ng babaeng mamahalin ka sa paraang gusto mo..." ani Pearl bago ito sumakay ng bangka.
Ngiti lang ang isinagot niya sa dating kasintahan. Hindi na niya sinabi dito na natagpuan na niya ang babaeng iyon. Iyon nga lang, hindi niya alam kung ganoon din ang nararamdaman niya para dito. Siguro, hindi niya bibiglain si Sasha. Pagtitibayin muna niya ang pakikipagkaibigan nilang dalawa bago niya ito ligawan. Ang sabi nga nila, magandang pundasyon ng pag-ibig ang pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomanceWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...