TAMA nga ang hula ni Echo, may dinadalang problema si Sasha. Sa lungkot pa lang ng mata nito kahit tumatawa ito ay nakikita na niya iyon. At parehas pa sila ng pinagdadaanan. Problemang ex. Katulad niya ay mukhang nagmo-move on din ito kaya ito nandito sa isla. Kaya siguro nagkasundo sila though noong una ay medyo hindi sila nagkaintindihan.
Habang kumakain ay panay ang sulyap niya kay Sasha.
"Bakit panay yata ang tingin mo sa akin?" Tumigil ito sa pagkain at kinausap siya.
"Wala naman... Gusto ko lang sabihin sana na parehas tayo ng pinagdadaanan." Tumaas ang dalawang kilay nito sa sinabi niya. "I mean, nandito ako sa isla hoping na makalimutan ko ang ex-girlfriend ko na nang-iwan sa akin because she fell out of love sa akin at pinalitan ako agad-agad." Naging open na rin naman ito sa kanyta tungkol sa pinagdadaanan nito, so, magiging open na rin siya kay Sasha.
Isa pa, alam niyang magkakaintindihan sila. Kailangan niya rin ng mapaglalabasan ng dinadala niya dahil baka sumabog na ang dibdib niya sa dami ng laman niyon.
Namamangha na tumango-tango si Sasha. "So, that'll explain the sadness na nakikita ko sa aura mo. Parehas nga tayo, Echo. That's good kasi magkakaintindihan tayo. Two broken hearts... meet."
"Yes. Two broken hearts. Healing... Pero how do we heal our broken hearts nga ba? Alam mo ba ang sagot?" Nakatingin sa kawalan na tanong niya.
"According sa friend ko, magbakasyon daw ako. Kaya nandito ako. Baka daw sakaling mkalimot ako."
"Makalimot? Nakakalimot ba talaga ang pusong nasaktan, Sasha? Sa tingin ko, hindi. I don't believe in that."
Natawa bigla si Sasha. "Ang lalim mo talagang magsalita, 'no? You can be a good writer someday siguro. Ang dami mong hugot sa buhay, Echo. Gamitin mo iyan para kumita."
"Your'e laughing at me." Tila nagtatampo na lumabi siya.
"I am not. Natutuwa pa siguro."
"Bakit?"
"Kasi ang matured mo na magsalita at mag-isip. Mukhang marami akong matututunan sa'yo."
"Marami talaga. Teka, hanggang kailan ka ba dito sa isla?"
"One week ang plano ko. So, meron pa akong five days."
Maya maya ay napansin ni Echo na parang hindi mapakali si Sasha. Iyon pala ay dumating sa kainan na iyon ang ex nito na si Clyde. Napagkwentuhan na rin kasi nila ito kanina kaya alam na niya ang pangalan nito. Sinadya pa nga yata ng dalawa na umupo sa mesa na nasa likuran niya para makita ni Sasha ang mga ito.
Obvious ang sakit sa mukha ni Sasha. Wala sa sarili na nakatingin ito kina Clyde at Nadine. Pasimple niyang tinignan ang dalawa sa likuran niya at sweet na sweet ang mga ito habang pumipili ng oorderin sa menu. Binalingan niya ulit an nakatulalang si Sasha at tinapik ito sa braso.
"What?!" Gulat na bulalas nito na akala mo ay nagising mula sa isang panaginip. Kumurap-kurap pa ito.
Na-cute-an tuloy siya sa reaksyon nito, hindi lang niya ipinahalata.
Bahagya niyang inusog ang sarili palapit dito at bumulong. Baka kasi marinig ng mga nasa likuran niya ang sasabihin niya. "Ano ka ba? 'Wag mong ipahalata sa kanila na affected ka. Remember na magkasintahan tayo kaya kailangan sweet tayo. Okay?" aniya.
"O-okay. Oo nga pala..." Umayos nang upo si Sasha pero bigla itong sumimangot na para bang maiiyak ito.
"Why?"
"E-echo, h-hindi ko pa yata kayang makita sila, e. Masakit..."
"Gusto mo bang umalis na tayo?" Tumango si Sasha bilang sagot. "Sige. Aalis na tayo."
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
Storie d'amoreWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...