PUT away the pictures...
Put away the memories...
"Leche naman! Bakit ba ayaw huminto nitong lecheng luhang ito? Tumigil ka na, please! Ayoko nang umiyak! Ayoko na! Luha, tama na. Enough na, please!" Umiiyak na himutok ni Sasha habang hawak ang shot glass na puno ng brandy. Dire-diretsong ininom niya iyon. Umasim ang mukha niya nang gumuhit ang pait ng alak sa kanyang lalamunan. Isinunod agad niya ang isang baso ng cola sabay kain ng pulutan na potato chips.
Malungkot siyang tumitig sa kawalan habang walang patid ang luha. May pahikbi-hikbi pa siyang nalalaman na para bang ang lalim ng kanyang pinagdadaanan.
Isang sapak sa likod ng kanyang ulo ang kanyang naramdaman.
"Aray ko! Ang sakit, ha!" igik niya habang hinihimas ang ulong nasaktan.
"E, gaga ka! Puro malulungkot na kanta pinapakinggan mo. Tapos nagtataka ka kung bakit ayaw tumigil ng luha mo? Try mo kaya iyong mga happy songs or pang-disco! Hay naku, ewan ko sa iyo, Sasha! Masyado mong ikinukulong sa sadness ang sarili mo tapos magrereklamo ka kung bakit ka umiiyak? Iba ka din, 'no? Gusto mo rin kasing maging malungkot. Ayaw mong gumawa ng masasayang bagay tapos nagrereklamo ka kung bakit ka malungkot!" sagot sa kanya ng kaibigan niya na si Gail habang pailing-iling ito.
"E, ano bang magagawa ko? Ang sakit-sakit kaya! Ikaw kaya ang lumagay sa lugar ko, baka hindi lang ganito ang gawin mo."
"And I am lucky na wala ako sa posisyon mo. Alam mo, may naisip ako. Ipakilala na lang kita doon sa bestfriend ng boyfriend ko. Like? Gwapo iyon saka mayaman. Matalino at--"
"Ano ka ba? Ayoko nga! Ayoko ng bagong love!"
"Okay. Ikaw ang bahala! Nagbibigay lang naman ako ng suggestion."
Nagkakilala sila ni Gail five years ago noong Grade Six sila. Nagtransfer noon si Gail sa school nila at bilang friendly siya ay kinaibigan niya ito. Hindi naman siya nagsisi dahil sa nag-click agad sila sa isa't isa. Lalo pa at nalaman nila na parehas lang pala silang taga-Batangas. Siya ay sa Sto. Tomas habang si Gail ay sa Lipa. Kaya naman madali lang sa kanila ang magkita lalo na kapag may problema ang isa. Lagi silang nasa tabi ng isa't isa kapag mga ganitong oras. Katulad na lamang ngayon...
"Tumagay ka na lang! Ang dami mong sinasabi diyan, e. Hindi mo man lang ako tulungang ubusin itong alak! Para after nito ay tutulog na ako," ani Sasha matapos niyang tagayan si Gail.
Mariin na umiling si Gail sabay wasiwas ng isang kamay sa hangin. "No. Bakit ako tatagay, e, ikaw itong may problema. There is no reason para maglasing ako. Ikaw lang naman itong wasak! And besides, sinamahan lang talaga kita dito dahil alam kong mag-isa ka. Pagdating ng pudang at mudang mo ay gogora na rin ako. Diyos ko! Pinaglalaba pa ako ni mama! Mapapalo ako dahil sa iyo, e! Nakakaloka ka!"
"Alam mo, ang buti mo talagang kaibigan! Salamat sa pagdamay, ha! Grabe ka talaga sa akin, Gail ka! Kapag ikaw naman ang umiyak-iyak because of love, hahayaan talaga kita!" Nang-uuyam na sabi niya at siya na ang uminom ng dapat ay tagay nito.
Hindi pa man niya naiinom ang chaser na cola ay naramdaman na niyang susuka na siya. Napaduwal siya pero walang lumabas. Parang sinisilihan ang puwet na nagtatakbo siya sa banyo sabay tapat ng ulo sa bowl at doon siya sumuka ng sumuka. Sinuka niya lahat ng alak, cola at potato chips. Nang maramdaman niyang tapos na siyang sumuka ay naghilamos siya at nagmumog. Bumalik siya kay Gail na kanina pa hawak ang cellphone.
Parang luka-luka na umiyak na naman siya.
"Sana, naiisuka rin lahat ng sakit, 'no? Para hindi na ako nasasaktan ngayon... Sana nasasama sa luha lahat ng masasakit na alaala para makalimutan ko na siya!" atungal niya.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomanceWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...