WELCOME home to me...
May lungkot ang bawat hakbang ni Sasha habang papasok na siya sa kanilang bahay. Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na siya ng Sto. Tomas, Batangas. Pagbukas niya ng kanilang pinto ay nagulat ang mudang at pudang niya nang makita siya. Nanonood ang dalawa ng palabas sa telebisyon at kumakain ng chichirya.
"Sasha?" bulalas ng mudang niya.
Tinatamad na ibinaba niya ang bitbit na mga gamit at umupo sa pang-isahang upuan. "Mudang, pudang, bakit naman ganiyan ang tingin niyo sa akin? Hindi niyo na ba ako nakikilala? Ako ito, si Sasha! Ang nag-iisa niyong magandang anak! Umitim ba ako kaya akala niyo hindi ako ito?" Kahit medyo may bigat sa kanyang dibdib ay nagawa pa rin niyang magbiro.
"Gaga ka talaga, anak!" ani ng mudang niya. "Nagtataka lang kami kasi bakit umuwi ka na? Apat na araw ka pa lang, a. Akala ba namin one-week vacation 'yon?"
Sumimangot siya at walang ganang sumagot. "Tinamad na rin po ako, e. Saka ang daming tao do'n sa isla kaya hindi ako masyadong makapag-isip." Tumayo na siya at muling binitbit ang mga dala. "Sige po, mudang at pudang. Magpapahinga lang po ako. Nakakapagod 'yong byahe."
"Sige."
Matapos ang maikling pag-uusap niya at ng kanyang mudang at pudang ay bagsak ang balikat na pumasok siya sa kanyang kwarto. Pagkasara niya ng pinto ay ibinagsak niya agad ang kanyang katawan sa kama. Wala siyang ginawa kundi ang tumitig sa kisame na para bang naroon ang gwapong mukha ni Echo.
Pumunta siya sa Borawan Island para makapag-isip at maka-move on kay Clyde. Nakilala niya doon si Echo at dahil dito kahit papaano ay nagawa niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya para sa ex. Malaki ang naitulong nito at ng company nito. Nalibang siya sa pamamasyal nila hanggang sa maramdaman na lang niya gusto pala niya ito nang magselos siya nang makita niyang magkayakap ito ang ang ex nitong si Pearl. Mukhang nagkabalikan na nga yata ang dalawa.
Imbes na mabuo siya, bakit tila nawasak siyang lalo?
Ang sakit-sakit ng puso niya.
Hindi na siya nasasaktan dahil kay Clyde kundi dahil na kay Echo. Dahil nagkabalikan na ito at si Pearl.
Hay! Ang saklap naman talaga... Siguro nga, hindi pa ito ang perfect time para mahulog ulit siya para sa isang tao. Hindi pa nga siguro.
Ipinikit na lang ni Sasha ang kanyang mata at pinilit na makatulog. Sa pagod niya ay nagawa naman niya.
-----ooo-----
PAGKAALIS ni Sasha ng isla ay umalis na rin doon si Echo. Umuwi na siya sa bahay nila sa Lemery, Batangas. Nagulat pa nga ang mommy at daddy niya dahil ang akala ng mga ito ay magtatagal siya sa isla nila. Sinabi na lang niya na na-bored na siya at na-miss niya ang mga ito.
Halos dalawang araw na ang nakalipas simula nang umalis siya sa isla. Wala siyang ibang iniisip kundi ang hanapin si Sasha para naman maipaliwanag niya dito ang lahat. Mukhang inakala talaga nito na nagkabalikan na sila ni Pearl.
Ngunit paano naman niya kaya ito mahahanap kung hindi niya nakuha kahit cellphone number nito. Ang tanging alam niya lang dito ay ang edad at ang pangalan nito.
"Pangalan?" Napabalikwas ng bangon si Echo sa kanyang naisip.
Tama. Alam niya ang pangalan ni Sasha at pwedeng doon siya magsimula para hanapin ito.
Binuksan niya agad ang kanyang laptop at nag-open ng kanyang Facebook account. Si-nearch niya doon ang pangalan ni Sasha...
"Sasha Felicimo..." Mahina pa niyang binanggit ang pangalan nito habang tina-type niya sa search bar ng naturang social media site.
Pag-enter niya ay maraming pangalan ang lumabas kaya naman mataman niyang tinignan ang profile picture ng mga iyon hanggang sa makita na niya ang mukha ni Sasha. Agad niya iyong cli-nick at binasa ang mga info nito doon. Wala siyang nakita kundi pangalan nito. Walang address at number. Well, alam niyang hindi talaga nito ilalagay iyon dahil matalino si Sasha.
Ang ginawa na lang niya ay in-add niya ito at umaasa na i-a-accept nito ang kanyang friend request para makapag-message na siya dito at maipaliwanag ang lahat.
Halos hindi na siya kumukurap sa pagkakatitig sa laptop sa paghihintay sa pag-accept ni Sasha. Nang halos kalahating oras na siyang ganoon ay naiinis na napahiga na lang siya sa kanyang kama.
"Argh! Ano ba, Sasha? Ano bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako sa iyo?!" Nakapikit niyang tanong. Ngunit kahit siya ay hindi rin naman alam ang sagot. Basta naramdaman na lang niya na nag-e-enjoy siya itong kasama at mahal na niya ito.
-----ooo-----
KASAMA ni Sasha si Gail sa bahay nila. Nasa kwarto niya silang dalawa habang nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa kanya sa Borawan Island at kung bakit umuwi agad siya. Ikwenento niya kay Gail ang lahat-lahat. Mula sa pagkakakilala niya kay Echo, sa pagtatagpo nilang muli ni Clyde at ng ex nito. Sinabi rin niya na nagkaayos na sila ni Clyde at natanggap na niya na hindi talaga sila ang para sa isa't isa. Nagawa niya iyong tanggapin dahil kay Echo at sa umuusbong na love niya para dito. Ngunit naudlot nga dahil sa nagkabalikan na ito at ang ex nito.
"Pero, what if nagkamali ka lang?" ani Gail after niyang magkwento dito.
"What do you mean nagkamali?" Kumuha siya ng chips na nasa bowl sabay kain.
"What if na-misinterfret mo lang ang yakapan ni Echo at ng ex niya? What if hindi naman pala sila nagkabalikan? Wait nga, Sasha. Kinumpirma mo ba kay Echo na nagkabalikan na sila ng ex niya?"
Natahimik si Sasha sa sinabing iyon ng kaibigan. Oo nga, may point si Gail. Paano na lang kung nagkamali siya?
Dinutdot ni Gail ang pisngi niya. "Hoy, babae! Ano na?"
"Ah, eh... S-sigurado ako sa nakita ko. Kahit hindi ko na kumpirmahin iyon, 'no. Kilala ko na lahat ng mga lalaking iyan kaya alam ko."
"Asus! Makapagsabi ka naman parang na-try mo na lahat ng boys!"
Kumibit-balikat na lang siya pero sa likod ng kanyang utak ay naiisip niya kung paano nga kung nagkamali lang pala siya ng akala?
Pagtingin niya sa kanyang phone ay chi-neck niya ang kanyang Facebook account. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya na nag-sent ng friend request sa kanya si Echo. Kahit Echo lang ang pangalan nito doon ay sigurado siya iyon ito dahil sa profile picture nito.
"Hoy! Si Echo ba 'yan?" Nagulat siya nang magsalita si Gail malapit sa tenga niya. Halos mabingi siya sa lakas ng pagsasalita nito.
"Oo!" pagkasabi niya niyon ay bli-nock niya ang profile nito.
"Bakit mo bli-nock? Gagang 'to!"
"Hayaan mo na. Wala na rin akong balak na makipag-connect pa sa kanya. May Pearl na siya!"
"Ay, bakit may naaamoy akong bitterness sa mga salita mo. Amoy ampalaya!"
"Tumigil ka nga diyan, Gail! Sabunutan kita diyan, e!"
Tinawanan lang siya nang tinawanan nito habang siya ay nakasimangot. Bakit may pagsend pa ng friend request si Echo? May Pearl na ito, 'di ba? Bakit gagambalain pa siya nito?
"WHAT the--" Muntik nang mapamura si Echo nang pag-check niya sa account ni Sasha ay hindi na niya iyon makita. Nag-deactivate ba ito o bli-nock siya? Pero sa dalawang iyon, mas mukhang bli-nock siya nito. Paano na ito? Paano pa niya masasabi dito na wala namang balikan na nangyari sa kanila ni Pearl?
Mukhang wala na talagang chance para magkita pa sila ni Sasha. Siguro nga ay hanggang doon na lang talaga sila nito-- pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Magkakatagpo pa ba ang landas nina Sasha at Echo?
Susunod na ang PAGWAWAKAS!
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
DragosteWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...