"GOOD BYE, school! Hello, summer vacation!" Nagulat si Sasha sa biglang pagsigaw ni Gail nang makalabas na sila ng gate ng school kung saan sila nag-aaral.
Pabiro niya itong binatukan habang natatawa. "Ang OA? May pagsigaw pa talaga dapat? Para kang luka-luka!" aniya.
"Ano bang pakialam mo? E, masaya ako na sa wakas natapos na natin nag Grade 11. Isang taon na lang at tapos na tayo ng high school."
Tama naman si Gail. Napakabilis ng panahon. Parang noon lang ay umiiyak siya kay Clyde tapos nagbakasyon pa siya sa Borawan at doon niya nakilala si Echo. Si Echo na ang akala niya ay makakalimutan niya kapag nag-focus siya sa pag-aaral pero hindi pala. Kapag mag-isa siya, doon niya nararamdaman ang pagka-miss dito, doon niya nararamdaman ang pagsisisi kung bakit hindi niya in-accept ang friend request nito at baka sakaling nagkakausap pa sila ngayon. Pero mas mabuti na rin siguro iyon. Marahil sa mga panahong ito ay masaya na ito sa piling ni Pearl kung magkasintahan pa rin ang dalawa.
Isang taon na pala ang nakakalipas simula nang mangyari ang mga iyon.
Ang bilis...
"So, saan kaya magandang pumunta this summer. Gusto ko sana mag-beach tayo!" sabi ni Gail habang naglalakad na sila pauwi.
Kahit sa Lipa ito nakatira at sa Sto. Tomas naman siya ay iisa pa rin sila ng school na pinapasukan.
"Hmm. Mag-Boracay na lang tayo! Ang tagal na no'ng last time na pumunta tayo doon. Three years ago pa yata. Tama ba?"
"Ayoko doon. Ano kaya kung sa... Borawan? Tama! Doon na lang, Sasha! Ikaw pa lang naman nakakapunta doon, e. Tapos, isasama ko ang jowa ko!"
Napasimangot siya. "Ayoko doon. Mag-o-OP lang ako sa inyo ng jowa mo." Sabi niya lang iyon pero ang totoong dahilan kung bakit ayaw niya sa Borawan ay dahil maaalala lang niya lalo si Echo sa lugar na iyon.
"Edi, sasabihin ko kay James na isama niya iyong bestfriend niya para may partner ka rin. Iyong sinabi ko sa iyon noon na ipapakilala ko sana sa iyon noong iniiyakan mo pa si Clyde! Sige na, Sasha, please!"
"Pero crowded doon."
"Okay lang. Hindi naman natin kailangan ng tahimik na lugar. Pupunta tayo doon para mag-enjoy hindi para mag-move on katulad ng ginawa mo last summer. Ano? G?"
Nag-isip si Sasha. Kung tatanggi siya kay Gail baka naman magtampo ito sa kanya. Minsan lang ito magrequest sa kanya kaya nakakahiyang tanggihan. "Okay. G... Pero iyong bestfriend ni James na jowa mo, gwapo ba?"
"Ay, ang harot! Hindi ko pa nakikita pero hindi naman nakikipag-friends sa chaka si James ko kaya for sure ay gwapo din iyon. Ano na? Next week tayo, ha? Maghanda ka na ng mga dadalhin natin sa Borawan!"
"Oo na, oo na! Ang lakas mo sa akin!" biro niya kay Gail.
It's better nga siguro na pumunta ulit siya sa Borawan. Who knows? Kung si Clyde nga nakalimutan niya noon dahil sa lugar na iyon, baka this time si Echo naman. Pero... gusto ba talaga niyang makalimutan si Echo?
"Isa pa, malay mo naman magkita ulit kayo doon ng Echo mo!"
"What? Asa!" aniya.
Ewan niya pero parang ang labong magkita na nila ni Echo. Kung magkikita man sila, siguro tadhana na lang ang makakapagsabi...
-----ooo-----
AFTER one week ay muling tumapak ang paa ni Sasha sa napakagandang isla ng Borawan. Wala pa ring nagbago sa lugar bukod sa nadagdagan ang ilang kainan at meron na ring maliliit na room for rent para sa mga turistang hindi feel ang pagka-camp sa buhangin. Tila mas dumami pa nga ang tao this time kesa last year.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomantikWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...