"THIS IS IT! This is the perfect place. Borawan Island! Finally, nakakita na rin ako!"
Nagulat na lang si Sasha nang biglang magsalita si Gail habang magkatabi sila sa sofa sa bahay nila at parehas hawak ang kani-kanilang cellphone. Napaka-OA kasi ng pagsigaw nito na akala mo ay nakahukay ito ng isang baul ng treasure sa ilalim ng lipa. Nakiki-wifi sa bahay nila si Gail dahil bigla daw bumagal ang connection sa bahay ng mga ito. Baka daw pati kapitbahay ng mga ito ay nakiki-connect.
Nahampas niya tuloy ang kaibigan sa braso sa gulat niya. "Makasigaw ka naman! Grabe ka! Nakakagulat! Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa akin? Aatakihin ako sa iyo sa puso, e!" Exxagerated na sambit niya na may kasamang paghawak pa sa dibdib.
"OA lang, Sasha? Wala ka namang sakit sa puso kaya 'wag kang ano diyan! I'm just so proud sa sarili ko na nahanap ko na ang perfect place para makapag-move on and soul searching ka. Borawan Island! Look, ang ganda ng review ng place na iyon sa blog ni Yeng Constantino! This is it na talaga!"
"Patingin nga! Grabe ka kung maka-promote sa islang iyan, ha. Parang ikaw ang may-ari. Kapag iyan hindi ko nagustuhan, kakalbuhin kita! Patingin! Bilis!"
"O, 'yan! Excited much?!"
Kinuha niya ang phone ni Gail at binasa niya ang sinasabi nitong review ni Yeng Constantino sa sinasabi nitong Borawan Island. Well, hindi naman nagsisinungaling si Gail. Tama naman ito talaga. Sa mga pictures na nakikita niya ay maganda talaga iyong lugar. Maganda iyong buhangin, may mga rock formations at ang maganda pa, hindi crowded. Iyon ay ayon sa blog. Hindi pa daw kasi masyadong kilala ang naturang isla dahil sa masyado itong tago. Kakaunti pa lang daw ang pumupunta. Nakita naman niya iyon sa mga pictures na naroon. Sila Yeng at ang mga kaibigan lang nito ang nasa isla.
"This is the right time na talaga, Sasha! And the right place too. Go ka na diyan! For sure dahil walang masyadong tao diyan at perfect ang view ay makakapag-refresh ka ng utak at makaka-move on ka na kay Clyde dahil mapupurify ang utak mo! Maiisip mo na he's not all worth your kaartehan and tears--"
"Hep!" Tinakpan niya ang bibig nito sa pamamagitan ng kanyang kamay. Ibinalik niya sa kaibigan ang phone nito. "Ang dami mo talagang nasasabi palagi! Daming dialogue, ha! Pwedeng ako naman ang magsalita? So, kailan naman tayo pupunta diyan?"
Malakas na tumawa si Gail sabay biglang seryoso ng mukha. "Anong tayo? Ikaw lang ang pupunta. Soul searching nga, 'di ba? Kailangan ikaw lang mag-isa. Para ma-feel mo talaga na you don't need someone para maging masaya ka. Kuha mo? May nakalagay naman sa blog pa'no makapunta doon. So, don't worry, kaya mo iyang mag-isa. May Google Map at Waze naman. Hindi ka maliligaw. I assure you!"
Naitirik na lamang ni Sasha ang kanyang mga mata. "Okay, fine! Ano pa ngang magagawa ko? Mukhang tama ka naman. Sige, G na ako diyan! I need a time alone," aniya.
"Good! Sa lahat ng sinabi mo simula nang mag-break kayo ni Clyde, iyan ang pinakamaganda! Pang-status sa Facebook! Bongga!"
Siguro nga ay kailangan niyang gawin ang suggestion ni Gail. Baka kapag nabakasyon siyang mag-isa ay makapag-isip-isip siya ng dapat niyang gawin o baka makalimutan pa niya si Clyde. Who knows? Baka nga makatulong itong suggestion na ito ni Gail sa puso niyang sugatan.
-----ooo-----
NANG araw din na iyon ay nagpaalam na rin si Sasha sa mudang at pudang niya sa balak niyang bakasyon. Pumayag naman ang mga ito kahit ang sabi niya ay one week siyang mawawala. Kahit siguro ang mga ito ay nadadama na kailangan niya talagang gawin iyon. Naging supportive pa nga ang mga ito dahil talagang binigyan siya ng pera kahit may pera naman siya para sa bakasyon niyang iyon. May savings kasi siya. Sinamahan na rin siya ni Gail sa mall para bumili ng mga kailangan niya. Ayon kasi sa blog ay walang rooms at cottages sa isla kaya kailangang mag-hire ng tent or magdala ng sarili. Bumili siya ng isang tent at ilang swim wear. Sunblock at insect repelant na rin.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomanceWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...