Chapter Six

147 26 6
                                    



ISANG galon yata ng kape ang nilaklak ni Sasha kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob para lapitan at kausapin ang lalaking tumulong sa kanya na nakilala na niya. Matapos niya kasing maubos ang pangalawang chips ay nainip na siya at pinilit niya ang sarili na lapitan ito upang maging kaibigan. Echo. Iyon ang pangalan nito. Well, hindi naman siya napahiya sa ginawa dahil hindi naman siya in-snob ni Echo. Feeling nga niya ay magkakasundo sila dahil parehas sila ng wavelength. Naging smooth ang pag-uusap nilang iyon. Mukhang magkakasundo naman pala sila nitong si Echo.

After nilang mag-usap ay inaya siya nitong kumain sa isang kainan na nagse-serve ng sea foods sa pinaka dulo ng isla. Hindi niya iyon nakita kanina dahil tagong-tago. Mabuti na lang pala at nakilala niya si Echo dahil kung hindi ay isang linggo na instant foods ang kakainin niya dahil paubos na rin naman iyong adobong bao niya. Baka pag-uwi niya ng Batangas ay may UTI o kaya ay sakit na siya sa bato kung nagkataon. After ng isla ay hospital naman ang diretso niya.

"I-try mo itong sisig bangus nila. Isa iyan sa best seller nila dito. Favorite ko iyan dito kasi sobrang sarap! For sure magugustuhan mo rin."

Kahit hindi pa siya sumasagot ay nilagyan na agad ni Echo ang plato niya ng sisig bangus. Hindi na tuloy alam ni Sasha kung ano ang una niyang kakainin. Puno na kasi ng pagkain ang kanyang plato. May kanin, sipit ng alimango, relyenong bangus at fish kare-kare. She don't know kung maubos ba niyang lahat ng iyon. Aliw na aliw siya sa makukulay na pagkain at kilig na kilig sa pagiging magiliw at gentleman ni Echo.

Natatawa na napailing na lang siya. "You know what... Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko sa mga ito. Parang ang sarap nilang lahat, e. Tapos mas masarap pa kasi libre mo! Baka pagbalik ko nito ng Batangas ay hindi na ako kilala ng family ko kasi mataba na ako!" Pinalobo pa niya ang pisngi kaya natawa si Echol.

"Silly!" Nabigla siya nang pisilin nito ang kanyang ilong. Hindi siya naka-react doon. "Minsan lang ako manlibre kaya lubusin mo na. Isa pa, kahit tumaba ka siguro maganda ka pa rin."

Pinamulahan siya ng mukha sa huling sinabi nito. "At nakakahiya sa'yo. Ang dami mo yatang pera?"

"Hindi naman. Discounted lahat iyan. Kilala rin kasi namin iyong may ari nitong restaurant. Kaya kumain ka lang nang kumain. Walang problema sa pambayad!"

"Wow! At hindi na rin ako magtataka kung pati mga bulateng dagat dito ay kilala ka. Lahat yata ng nandito ay kilala mo, e!" biro niya. "Sige na nga. Susulitin ko ito dahil libre!"

"Ang dami mong alam! Kumain ka na lang! Tikman mo lahat, ha." Natatawang sabi nito.

"Okay. Hindi ko ito tatanggihan!" masayang turan niya.

Inumpisahan na ni Sasha ang pagkain. Sinimulan niya sa ipinagmamalaki ni Echo na sisig bangus. Walang kasinungalingan ang sinabi nito kanina na masarap nga iyon. Parang katulad nito ay favorite na rin niya yata ang sisig bangus dito.

"Wow! Ang sarap nga niya! Hindi ka nga nagbibiro!" bulalas niya. "Alam mo, mas okay ito kung may kasamang kanin. Paabot naman, please..." Itinuro niya ang kanin na nakalagay sa palayok.

"Okay. Here!" Nakangiting inabot sa kanya ni Echo ang palayok na may kanin.


-----ooo-----


"ECHO, thank you sa dinner. Grabe, sobrang nabusog ako! Ako dapat ang nanlilibre sa'yo dahil sa mga tulong mo, e. Hayaan mo, next time, sagot ko!" Masaya si Sasha nang gabing iyon dahil nagkaroon siya ng kaibigan sa isla. Hindi lang basta kaibigan kundi isang mabait na kaibigan. Well, kung hindi naman ito mabait ay hindi niya ito kakaibiganin.

The Art Of Lecheng GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon