MALAKI ang mga hakbang na naglakad palayo si Echo doon sa babaeng nakatusok sa mata niya gamit iyong pole ng tent. Siya na ang lumayo dahil baka lumala pa ang pagpapalitan nila ng salita pa. Isa pa ay nahiya na rin siya sa sinabi niya dito. Napahugot kasi siya bigla. Ganoon yata talaga kapag broken hearted, napapahugot nang hindi sinasadya, kung anu-ano na lang ang nasasabi.
Medyo nakonsensiya rin siya sa nagawa niyang pakikipag-away dito. Nawala tuloy ang pagiging gentleman niya dahil doon. Hindi na rin niya kasi napigilan ang inis na nararamdaman niya.
Nakita na niya kasi ito agad noong bumaba ito sa bangka ni Manong Yani. Napansin niya kasi na mag-isa ito kaya naisip niya na kaibiganin ito para may kausap man lang siya dito sa isla. Mukha kasing hindi sila nagkakalayo ng edad. Isa pa, ang totoo niyan ay nagandahan agad siya dito. Mula sa simple nitong ganda hanggang sa buhok nito na hinati sa gitna at tinirintas. Parang buhok ni San Cai sa Meteor Garden. Pumasok lang siya sa tent niya para ayusin ang sarili para naman presentable siya kapag nakipagkilala siya dito. Pero paglabas niya ng tent at bigla naman siyang natusok ng pole ng tent nito dahil ang clumsy nito. Nag-init agad ang ulo niya, aminado siya. Napagsalitaan niya ito nang hindi maganda hanggang sa umabot na nga sa napahugot siya.
Nakakahiya talaga iyon.
Alam naman niya kasi na nagmamarunong ito sa pag-set up ng tent. Kilala niya kasi lahat ng bangkero dito lalo na si Manong Yani. Nagpi-prisinta ang mga ito sa mga pasahero nito na tutulong sa pagtayo ng mga tent ng mga ito. At mukhang tinanggihan iyon ng babae kahit hindi ito marunong.
Naalala niya tuloy bigla si Pearl dahil dito.
Sa edad kasi nila na sixteen ay nagfi-feeling independent na ito. Ang gusto nito ay hindi ito humihingi ng tulong sa kanya kahit sa mga simpleng bagay lamang. Siyempre, bilang lalaki gusto niya na nakasandal ito sa kanya.
Itinigil niya ang pag-iisip kay Pearl. Makailang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo para maalis ang imahe ng kanyang ex na unti-unti na namang nabubuo sa kanyang utak.
"Nakita na ng babaeng iyon! Dahil sa kanya naalala ko lalo iyong tao na gusto kong kalimutan! Hay! Nakakainis siya! Naku! Kung hindi lang talaga siya babae, baka nasuntok ko na siya!" Himutok ni Echo habang naglalakad siya sa tindahan ng shake.
Pagdating sa tindahan ay umupo siya sa harapan niyon at tinignan kung ano ang available na shake.
Naroon din pala si Manong Yani kaya naman tinanong nito kung bakit namumula ang kaliwang mata niya. Umiinom ito ng shake. Mukhang wala pa itong pasahero kaya nagpapahinga muna. Sinabi naman niya ang totoo dito na may isang babae na sobrang clumsy na tinusok ng pole ng tent ang mata niya.
"E, mag-shake muna kayo, sir. Para naman lumamig 'yang ulo niyo. Nakabusangot na kayo, o," anito habang umiinom ng shake.
"Mabuti pa nga po." Um-order siya ng isang mango shake.
Nauna pa siya kay Manong Yani na maubos ang shake na in-order. Magpapahinga daw muna ito dahil mamaya pa naman daw ang hatid nito sa pasahero nito sa port. Tama nga siya. Siya naman ay naglakad na pabalik sa tent niya. Parang gusto na niyang kumain dahil nakakaramdam na siya ng kaunting gutom.
Pagbalik niya sa tent ay nakita niya iyong babae na hindi pa rin tapos sa pag-si-set up ng tent nito. Mukhang nahihirapan na ito dahil busangot na ang mukha. Hindi tuloy niya malaman kung maaawa dito o matatawa dahil obvious na hindi nito alam ang ginagawa. Binuksan niya ang kanyang tent at umupo sa harapan nito. Nagsuot siya ng shades upang hindi mapansin ng babae na pinapanood niya ito. Isinangtabi muna niya ang kanyang gutom para panoorin ito.
Palihim niya itong sinusulyapan at pinag-aaralan ang bawat kilos.
Mas maganda ito kapag malapitan. Mas nakikita niya ang ganda nito na simple pero lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan.
BINABASA MO ANG
The Art Of Lecheng Go
RomanceWhere do broken hearts go nga ba talaga? Para kaya Sasha, ang pagbabakasyon sa isang isla ang sagot niya. Iyon ay para makalimutan ang ex niya na nanakit sa kaniya. Sa isla ay nakilala niya si Echo na katulad niyang broken hearted. Kapag ba nagsama...