Nagpalit na ako ng damit at iniayos ko isa isa ang mga gamit ko sa cabinet. Hayy, nakakapagod, Pero yung si Ken, mag isa lang syang nakatira sa napaka laking mansyon na to. Grabe, nasaan kaya ang pamilya Nya. Saka bakit sya ganun , para syang statwa na walang pakiramdam.
Humiga ako sa napaka laking kama at Sa sobrang pagod ko, nakatulog na ako.
Kinabukasan bumaba ako para magtungo ng kusina. Nakita ko na may babaeng matanda around 50's na na nagluluto at abala sa pag hahanda ng almusal.
IInom sana ako ng tubig , kaya nagsalita ako.
"Ehem, magandang umaga po, Kamusta po? Ako po ang nangungupahan dito, kakarating ko lang po kahapon", saad ko.
Lumingon sya at ngumiti. "Iha, alam ko na, nakausap ko na kasi si Ken kaninang umaga., iniutos nyang magluto ako para may almusal ka".
"Ganun ho ba, maraming salamat po" sagot ko.
"Heto, may soup, may chicken, at may ibat ibang klaseng tinapay, Ikaw na bahalang mag timpla ng kape mo." saad ni Manang Lydia.
Nagtimpla na nga ako ng kape at nag almusal.
Maya Maya pa ay lumabas muna ako sa bakuran, naglakad lakad at pag dating sa likod ng mansyon, nakita ko na may napakalawak palang lupain sa likod nito.
Nakita ko si Ken na nakasakay sa kabayo.
WOW, grabe ang cool Nya. Ang misteryoso naman ng lalaking ito.
YOU ARE READING
WELCOME TO VILLA ROSARIO
Fantasya strange man named Ken was living in a Mansion in Villa Rosario, He owns a big hacienda and is living alone. A lady named therese was in that Villa in search for her long lost mother, She will be staying in the Mansion for a month. WIll love bloom...