How deep is your love?

35 2 0
                                    


Sobrang dissappointment ang nararamdaman ko kay Josh. Umiiyak ako ng sobra, hindi ko akalain na si Ken ang magcocomfort sakin sa mga time na ganito. Niyakap nya ako at tinap ang aking ulo, habang umiiyak ako sa dibdib nya,

"Therese, sige lang, kung yan ang makaka gaan sa loob mo".

"Ken, 5 taon na akong umuunawa sa fiancée' ko, nauunawaan ko naman na busy sya sa work pero yung iwan nya ako dito sa pinas, hindi ko pa alam kung kailan sya makakauwi".

"Tama na yan. kumain ka na muna, kapag nahimasmasan ka na makakapag isip ka ng maayos, bukas mamasyal uli tayo sa hacienda ko." sambit ni Ken.

Pinunasan ko ang aking mga luha at bumaba na kami sa kusina para kumain. Muli pa, nandun si aling Lydia , muli kaming nagkwentuhang tatlo at unti unti nang napawi ang lungkot at pangamba ko. Tuwing tatama ang mata ko kay Ken at tuwing ngumingiti sya, nararamdaman ko ang kapayapaan na di mapaliwanag.

KInabukasan pa, niyaya nya ako na mamasyal muli sa hacienda, at gaya ng dati, sumakay kami sa kanyang kabayo at lumibot sa malawak na hacienda. Ang dami paring mga trabahador na nag haharvest. Maya maya pa'y nakarating na kami uli sa may sapa, muli kaming umupo sa may tabi ng punong mangga.

"Therese tara umupo ka dito sa may tabi ko, (Inilagay nya ang malaking panyo sa lupa upang doon ako umupo).

"Therese , tignan mo ang payapa ng sapa", sambit ni Ken habang nakatingin sa may di kalayuan.

"Sana nga Ken, lahat ng tao kagaya ng sapa, payapa lang".

"Therese, alam mo kung bakit? kasi mag isa lang sya, malayo sya sa lahat ng ingay", mag isa nyang pinagmasdan ang paligid at bigla syang tumayo, kumuha sya ng bato at saka nagsulat sa puno ng mangga, sinulat nya ang Pangalan ko sa punong mangga at nilgyan nya pa ng maliit na puso".

"Ayan therese, ipinamamana ko na sayo ang puno na yan, kapag malungkot ka sa maynila, bumalik ka dito dahil may property ka na". nakangiting biro ni Ken.

Napagaan nya ang loob ko sa araw na ito. Hindi ko alam bakit ganito, iniisip ko na sana si JOsh ganito rin , maraming time para sa akin. Buti pa sik Ken, wala mang girlfriend pero alam paano mag comfort at maglambing.

Pagdating namin sa mansyon. Nagtungo kami sa salas, muli kong binaling ang aking paningin sa babaeng nasa painting at laking gulat ko, ang dating mukha na malabo, malinaw na.

AT ANG BABAE SA PAINTING, KAMUKHANG KAMUKHA KO. Muli kong binaling ang mukha ko kay KEN at tahimik syang nakatingin sa painting na ito.

WELCOME TO VILLA ROSARIOWhere stories live. Discover now