KINABUKASAN, nang lubos na akong malakas, iniayos ko na ang sarili. Binilhan muna ako ng damit ni mama dahil wala akong dala na wallet o kahit anong gamit. Nag waiver muna ako sa hospital na babalik ako at magbabayad pag nakuha ko na ang mga gamit ko sa Mansyon.
Nagtricycle kami ni mama papunta sa Mansyon. Pagdating namin sa gate ay nandun si Manong Robert at nagdadamo muli.
Bumaba kami at bumati si mama sa kanya, magkakilala pala sila, pero bakit nung makita ko sya noon sabi nya hindi nya kilala si mama?
"Manong Robert magandang umaga po, nandyan po ba si aling lydia?" saad ko.
"INeng, anong pangalan mo, ngayon lang kasi kita nakita?" pagtatakang saad ni Manong.
MULI akong kinabahan, paanong? paanong hindi nya ako kilala?
"Manong ako si Therese, di ba umupa ako dito 1 buwan ako nanatili dito". Naluluha kong sabi.
Maya maya pa ay may dumating na lalaki na bumaba sa sasakyan.
"Mam, sa inyo po ba itong mga bag na ito, naiwan po ninyo sa hotel 2 days ago, sabi po ng receptionist dito ang tungo nyo sa address na ito.". humahangos na sabi ng lalaki.
Lalo akong naguluhan, oo nga nag check in ako sa Hotel bago pumunta dito.
Kinuha ko ang mga gamit ko, chineck ko kung kumpleto at nandun naman lahat ng pera at ID ko, ATM cards, inabutan ko ng 500 si kuya.
"SAlamat kuya." nanginginig ang boses ko.
"Mama, pwede ba munang tumungo tayo sa loob ng Mansyon, gusto ko lang pumunta sa room ko dyan." saad ko.
Nakakunot si mama at nawi weirdohan na sa akin.
Pagpasok namin, nandun lahat ng paintings, yung babae sa sapa at katabi si KEn, yung painting ng babae na kamukhang kamukha ko yung lagi nyang tinitigan.
nakasulat sa ibaba ng paintings ang mga taon kung kelan ito nai pinta. 1940, 1935, 1946, 1932.
"Anak, 1956 nung namatay si Felipe Villa Rosario, sya gumawa ng mga paintings na yan. may mga turista na pumaparito at tintignan yan, parang museum narin kasi itong bahay eh. Magaganda pati ang paintings nya." malungkot na saad ni mama.
"Mama , pwede ba tayo umakyat sa 2nd floor, may room akong titignan,"
Kinuha ni manong ang susi at tinungo namin ni mama ang room kung saan ako nag stay.
Walang nagbago sa ayos, ganun na ganun nung una kong nakita. Impossimbleng nananginip lang ako. Maya maya pa ay lumapit ako sa may bandang bintana, may photobook na luma doon.
Binuksan ko, at laking gulat ko.... mga lumang litrato, ni KEN at kasama nya ang babaeng kamukhang kamukha ko. ASAWA nya ang nasa painting? na kamukha ko?
"Napaluha ako, habang isa isa kong binubuklat ang pahina, yung mga suot ni KEn , yan rin ang suot nya kapag pumapasyal kami sa hacienda.---
Kitang kita ko ang saya sa mukha nya sa lumang mga larawan na halos masira na rin.
"Anak, ayos ka lang ba? iyong nasa picture is MAria Teresa Villa Rosario yan, asawa ni Mr. felipe, may hawig sya sayo". malungkot na saad ni mama.
Napaluhod ako at gulong gulo. Ano ito? imposibleng panaginip yun at isang kaluluwa si Ken,
Sinabi ko kay mama na samahan ako sa likod, sa may sapa at sa may punong mangga.
Laking gulat ko nang makita ko doon--- nakaukit ang pangalan ko.
Bumaling ako kay mama.
"Maaaa.... sinulat po yan ni Felipe, nung araw na umalis ako ng mansyon, bago ako tumakbo at makasalubong kayo. Ayan po nakalagay "Therese". napaluhod na lang ako sa lilim ng punong mangga, habang hawak ang isang picture na nakuha ko sa album.
Lumapit sakin si mama para yakapin ako.
-------------------------
Lumipas ang ilang araw. Nakauwi na ako ng Manila, nangako ako kay mama na dadalaw doon once every 2 months. SI Josh, tumuloy na sya sa America at di katagalan ay nakipag hiwalay na ako sa kanya. Dala dala ko sa aking wallet ang photo ni felipe/ken, nag iisa lang yun.
SI cessa at Vester, magkakroon na rin ng baby, 2 months pregnant na si Cessa.
-----------------------------
After 2 months, nag decide ako na bumalik sa CAGAYAN DE ORO AT SA VILLA ROSARIO para muling katagpuin si mama. Masaya na malungkot dahil hanggang ngayon, miss na miss ko parin si Ken, at hindi ko alam bakit at paano nangyari na nakilala at nakasama ko sya ng ganun katagal sa mansyon.
Nandito na ako sa Villa Rosario at sa harapan muli ng mansyon. Nakapagtaka na nakabukas ang gate kaya dumeretso na ako, wala rin namang sumasagot tuwing tumatawag ako.
Pagpasok ko, maliwanag ang sikat na araw na galing sa bintana.
May lalaking nakatayo sa harapan ng bintana, naka white polo at black pants sya. Pagharap nya, nanlaki ang mga mata ko. SI KEN! si Felipe? dahan dahan syang lumapit sa akin. Imbis na matakot, pananabik at saya ang nadama ko. SA wakas , muli kaming nagkita.
Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang mga balikat ko. Inilapit nya ang kanyang mukha at saka nya ako hinalikan at niyakap ng mahigpit.
"ano itong pakiramdam at bakit napaka payapa at parang matagal ko na syang kilala. Tumulo ang aking mga luha, habang nakatingin sa kanyang mga mata. Isang malaking palaisipan ito, ngunit anong saya ang nadarama ko. Isang tunay na pagmamahal ang natagpuan ko sa Villa Rosario".
Muli nyang hinawakan ang kamay ko. Hinalikan nya ito at saka nag sabing. Therese...
"Welcome to Villa Rosario".
----END---
SHEENA MARIE S. CALLEJO
FICTION
ALL RIGHTS RESERVED

YOU ARE READING
WELCOME TO VILLA ROSARIO
Fantasya strange man named Ken was living in a Mansion in Villa Rosario, He owns a big hacienda and is living alone. A lady named therese was in that Villa in search for her long lost mother, She will be staying in the Mansion for a month. WIll love bloom...