Maya maya pa ay umulan ng malakas at may kasabay pa itong Kulog at Kidlat. Natatakot ako dahil mag isa lang naman ako sa room. Sino ba naman kasing di matatakot sa antigong bahay na to.
Biglang Kumidlat at kumulog ng malakas.
AAAAAAHH! Napasigaaw ako.
Tinakpan ko ang mga tenga ko. Maya maya pa ay nawalan na ng kuryente. Madilim na madilim, takot na takot ako, kinuha ko ang Phone ko at binuksan ang flashlight.
PAANO ba to, ang dilim! mag isa lang ako dito sa room.
Maya maya pa'y may nagbukas ng pinto ng room, at may dala itong lampara. Pagbukas ng pinto, Si KEN, Naka puti syang pantulog at see through pa nga ang shirt.
"therese, ayos ka lang ba?, Pasensya ka na, madalas kasi mag brown out dito kapag malakas ang ulan".
Iniabot Nya ang kanyang kamay sa akin at itinayo ako.
"Ken, pasensya ka na ha, nakakatakot naman kasi talaga ang laki laki ng bahay, tapos nag brown out pa." saad ko.
"Iiwan ko na itong lampara, para may ilaw ka". sagot naman ni Ken.
"Salamat dito,"
"Ganito na lang therese, mahiga ka na at matulog. Aalis na lang ako kapag tuluyan ka nang nakatulog, sasamahan muna kita". Saad naman ni Ken, Ang laki pa naman ng boses nya kaya nakaka nerbiyos.
"Malolobat narin ang phone ko Ken, pero sige umupo ka na lang muna jan sa sofa, at matutulog na ako, paki sara na lang ang pinto kapag aalis ka na". Saad ko.
"Ok therese, no problem with that.'
Inilapag na nya ang Lampara.
Humiga na ako sa bed at sobrang naiilang, pero nakakatakot kasi na wala akong kasama kaya hinayaan ko na lang sya.
Nakaupo lang si ken at nakatingin sa labas ng bintana.
Nakakailang man ay pinilit ko na makatulog, dinalaw na ako ng antok at tuluyan na nga akong nakatulog.
-----------------
Kinabukasan, bumaba ako muli at nakita ko si Ken na nakatitig sa painting ng babae doon sa may bandang salas, Yung babaeng malabo ang mukha.
Hindi ako umiimik, nagtataka tuloy ako kung sino ba talaga yun, Mukhang malapit sa puso Nya ang babaeng yun.
YOU ARE READING
WELCOME TO VILLA ROSARIO
Fantasya strange man named Ken was living in a Mansion in Villa Rosario, He owns a big hacienda and is living alone. A lady named therese was in that Villa in search for her long lost mother, She will be staying in the Mansion for a month. WIll love bloom...