GETTING TO KNOW

40 3 12
                                    


Tahimik kaming nagtungo  ni Manong sa Kusina at inilapag ang mga pinamili ko. Nagpasalamat na ako kay manong at inabutan ko ng 200 pesos bilang pasasalamat. Iniayos ko sa Ref  ang ilang pagkain, ang iba ay nilagay ko sa cabinet. Ang iba naman sa room ko na itatago.

Lumabas ako sa kusina and nakikita ko na nililigpit na ni ken ang mga gamit.

Lumingon sya sa sakin at tinignan ako sa mata.

"Therese, tara punta tayo ulit sa likod, mamasyal tayo doon," saad Nya.

"Sige Ken, dalhin ko lang itong mga napamili ko sa room, yung iba kong napamili nasa Kusina, kumuha ka na lang Ken kapag may gusto ka h." saad ko.

Umakyat ako at inilagay na sa cabinet ang mga chichirya, biscuits at mga inumin tulad ng canned juice and water. 

Bumaba na ako at sabay na kami lumabas ni Ken. Nakangiti muli sya, hindi na tulad ng unang araw ko siyang nakita.

Nakarating na kami sa hacienda nya, inutusan Nya si Manong Robert na kunin ang Kabayo nyang puti. Sumakay sya sa kabayo at inaya ako, natatakot ako kasi first time ko pero sumakay na rin ako pra masubukan ito. Inalalayan nya ako hanggang sa makasakay sa kabayo.

Humawak ako sa kanyang bewang at nagtungo na nga kami sa may di kalayuan. Ang lawak lawak pala talaga dito. Ang laki ng mga taniman at may nga trabahador na naghaharvest ng mga gulay. Nung makarating na kami sa dulo may malaking puno ng mangga doon at sa harap noon ay may sapa na napakalinis. Bumaba na nga si Ken at saka Nya ako inalalayan.

"Therese, tara umupo tayo sa ilalim ng punong mangga." paanyaya ni Ken.

Umupo kami sa lilim ng puno ng mangga. Magkatabi kami ngayon, ang ganda ng ngiti nya habang nakatitig sa may sapa.

"Alam mo therese, kapag malungkot ako, pumupunta lang ako palagi dito".

"Ken, hindi ba mas nakakalungkot nga kasi mag isa ka lang eh . mas nakaka senti". saad ko.

"Di na sinabi ko na sayo? Mas masaya ako kapag mag isa lang ako, ayoko ng maingay, ayoko ng maraming tao".

"Ken, nasaan na ba kasi ang pamilya mo? saka wala ka bang bestfriend man lang, saka sa itsura mong yan wala ka man lang bang girlfriend o  nililigawan? sabi mo di ba 28 ka na?"

"Therese, may mga bagay na hindi mo na kailangan pang malaman" 

Tumayo sya at inalalayan ako. Muli na kaming sumakay sa kabayo. Habang nakahawak ako sa kanya, napapaisip ako ano ba kasi talaga ang mga sikretong itinatago ni Ken? Ang weird nya. Saka yung babae sa painting, hindi kaya yun ang babaeng nagugustuhan nya, or ex girlfriend kaya?

WELCOME TO VILLA ROSARIOWhere stories live. Discover now