Hindi na lang ako umimik dahil parang masungit si Ken ngayon. Parang di nya gusto yug sinabi ko na dadalaw ako uli sa kanya kapag may mga anak at asawa na sya.
"Ken, biro lang yun, sige na nga kung may plano kang maging Single habang buhay, nasasayo naman yan. Sana ako ganyan rin yung pananaw sa buhay noh? Sana kaya ko rin yung ganito, yung nasa Mansyon lang tas papasyal pasyal sa hacienda kahit na walang kaibigan o kamag anak na kasama eh nakakatiis."
Binaling nya ang tingin sa akin at inalok Nya ako.
"Therese, gusto mo ba ng wine, kumuha ka doon sa kusina. Mayroon sa cabinet, alam mo naman kung saan yun nakalagay di ba?'
nagtungo nga ako sa kusina at kumuha ng 1 bottle of wine.
Bumalik ako sa salas at tumabi kay Ken.
"Ken, heto o kumuha na ako, hindi naman nakakalasing to noh?"
"Therese, wine lang yan, hindi masyado malakas ang amats dyan. " At napangiti pa ito sa sinabi.
"Nakatingin si Ken sa may painting na nasa wall, yung babae na malabo ang mukha.
"Ken, pasensya ka na ha, kasi masyado akong naiintriga sa painting na yan, nasawi ka ba sa pag ibig kaya pinili mong mamuhay ng mag isa? Kasi sa itsura mong yan, parang di naman bagay sayo. Yung mga kakilala kong pogi ay nagbibilang ng girlfriend, minsan boyfriend pa hehe JOKE lang". Nakangiti kong sabi.
"Therese, darating rin ang araw na malalaman mo kung sino ang babaeng nasa painting na yan, mahalaga siya sa akin, sya ang dahilan kung bakit ako nagdesisyon na mag stay lang sa Mansyon na ito". Seryosong sagot ni Ken.
Ibinuhos ko ang wine sa baso, .. isa .. dalawa.. tatlo... ang dami ko na palang nainom. Hanggang sa unti unti akong inantok at nakatulog sa sofa, habang si Ken ay nakaupo lamang sa tabi ko, hindi parin sya kumikibo.
YOU ARE READING
WELCOME TO VILLA ROSARIO
Fantasya strange man named Ken was living in a Mansion in Villa Rosario, He owns a big hacienda and is living alone. A lady named therese was in that Villa in search for her long lost mother, She will be staying in the Mansion for a month. WIll love bloom...