Lubos na takot ang naramdaman ko ng makita ko ang painting. Umaga ngayon pero kinikilabutan ako at naestatwa ako habang nakatingin sa painting, na ngayon ay malinaw na, kamukhang kamukha ko ito.
Tinignan ko si Ken, unti unti akong umaatras, at nang magkaroon ng chance, tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya, palayo sa bahay na yun. Abot abot ang kaba ko sa dibdib, habang iniisip kung paanong ako ang nasa painting na yun. Tumakbo ako ng mabilis, maya maya pa'y bumuhos ang malakas na ulan. Wala man lang akong gamit na dala, basang basa na ako at lumuluha. Magulo ang isip ko. Maya maya pa'y tumakbo ako muli para humingi ng tulong, sa pagtakbo ko nakabangga ko ang isang babae na pamilyar sa akin.
"Ito na ba ang mama ko?, kamukha nya ang picture na binigay sakin ni tita". Maya maya pa'y nawalan na ako ng malay.
-------------------------------
Hindi ko na alam ang nangyari, sakin nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Maliwanag, ayun pala nasa ospital na ako.
Sumigaw ang nurse at nag sabi "Gising na sya!".
They went on my bed and check my vitals. Pinaupo ako ng nurse. Tinanong nya ako para inconfirm ano ang nangyari, wala akong ibang nasabi kundi, nawalan ako ng malay sa daan sa lamig ng ulan.
"sino po ang nagdala sa akin dito, Nurse, yung babae na nakasalubong ko?" mahina kong sambit.
"ayun po siya nakaupo sa labas, hinihintay na magising kayo".
Sinerve sakin ang pagkain at mainit na gatas.
Maya maya pa ay pinapasok na ang babae na naghatid sakin. Kamukha nya nga ang nanay ko.
"Iha, kamusta na ang pakiramdam mo?" Sambit nito.
"Ano po ang pangalan ninyo Ma'am salamat po, hayaan nyo po at babayaran ko po kayo kapag nakuha ko na po ang bag ko sa mansyon. Magpapasama lang po ako sa inyo para makuha ko ang mga gamit ko doon". sagot ko naman sa kanya.
"Ako si Soledad ROsales".
Nang binanggit Nya iyon. agad akong naiyak, at saka ko sinabi sa kanya na, matagal ko na syang hinahanap, at Sya ang aking nanay.
Niyakap nya ako ng mahigpit. tahimik lamang kaming dalaw.
"Anak, pasensya ka na, matagal akong nawala, matagal kitang naiwanan." umiiyak na sambit ni mama.
"Mama, yung Villa Rosario, may mansyon doon, ilang linggo ako nag stay doon. Ma, nandun si MR KEn, Felipe ang tunay nyang pangalan, pamilyar ba kayo sa kanya.?"
Nanlaki ang mga mata ni Mama.
"Felipe? Felipe Villa Rosario ang pangalan nya?" nanginginig ang boses nya. isa ako sa mga trabahador sa hacienda nila iha.
"Opo sya nga po, nag iisa lang sya dun sa mansyon at may 2 syang katiwala". sagot ko na ngayo'y kinakabahan na ng sobra.
"Pero impossible yan iha, si MR. Felipe Villa Rosario, matagal nang patay, Namatay sya nung taong 1956. Yung mga painting sa wall ginawa nya yun lahat. Totoo na may mga katiwala at trabahador pa doon. Pero wala nang nakatira doon. Siguro higit 20 years na iha. Yung kinikita sa hacienda bibinigay sa mga kaapo apuhan nya, pero lahat sila nasa maynila na, ayaw nila mag stay dun at natatakot sila sa laki ng mansyon, wala pang tao."
Sa narinig kong iyon, kumabog ng todo ang dibdib ko, napahawak ng mahigpit sa aking kinauupuan at saka umiyak ng malakas. Gulong gulo ang isip ko.
"mama, bumalik tayo sa mansyon, Hindi pwede ito, halos 1 buwan ko kasama doon si FELIPE, nakausap ko sya, nakasama. Hindi pwedeng panaginip yun. halos isang buwan ho iyon." takot na sambit ko.
"Sige anak, sasamahan kita para maliwanagan ka".

YOU ARE READING
WELCOME TO VILLA ROSARIO
Fantasia strange man named Ken was living in a Mansion in Villa Rosario, He owns a big hacienda and is living alone. A lady named therese was in that Villa in search for her long lost mother, She will be staying in the Mansion for a month. WIll love bloom...