Kabanata VIII

252 4 0
                                    

KABANATA 8

DAXTOM P.O.V.

SA SINABING yun ni Mommy ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay namin. Ang planong pag punta ko kay Jennelyn ay hindi ko na naituloy pa.

Pag pasok ko sa bahay namin ay agad kong nakita si Mommy at Daddy na nakaupo sa Dalawang single couch habang nakaupo sa mahabang couch si Francine habang may dalang bata na sa tingin ko ay mag i-isang taong gulang palang.

"Nandito ka na." Sabi ni Mommy sa akin kaya nilapitan ko siya tsaka ko hinalikan sa pisnge at nakipag fist bump naman ako kay kay Daddy.

"Sit down Son. Marami kang ipapaliwanag sa amin ng Mommy mo." Bumuntong hininga ako at naupo sa mahabang couch pero hindi ko hinayaang mag kalapit kami ni Francine.

"Now tell us what really happened. Akala namin ayos kayo dati, diba nga ay mag papakasal na kayo? Tapos biglang hindi na matutuloy? Then now? Here's Francine with our grandson? Why is that Daxtom?" Matalim ang matang nakatingin sa akin si Mommy.

"He's not your grandson, Mommy." Walang buhay kong sabi kay Mommy. Mas tumalim ang tingin niya sa akin.

"No, Daxtom. Anak mo siya anak natin siya—"

"What the fuck is your problem Francine? Hindi ko anak yan! Mag lolokohan pa ba tayong dalawa? You left me! Sumama ka sa lalake mo! Tapos ngayon sasabihin mo sakin na may anak tayo? Gago ka ba? Nag makaawa pa ako sayo noon na wag mo mo akong iwan pero mas pinili mo ang lalakeng yun! You cheated on me!" Galit na putol ko sa iba pang sasabihin niyang kasinungalingan.

Umiyak ang batang hawak nito kaya napatingin ako dun at naalala ko na naman ang mga sinabi ni Romana kanina.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga magulang ko na tahimik na nakatingin sa akin at kay Francine.

"Ngayong alam nyo na ang nangyari sa amin...pwede na ba akong umalis? Marami pa akong gagawin—"

"Mag usap kayo ng maayos ni Francine." Awat ni Mommy sa akin.

"Para saan pa Mom?" Walang gana at naiinip na tanong ko.

"Mag uusap kayo. Kailangan nyong dalawa ng Closure." Pag kasabi ni Mommy nun ay lumapit ito kay Francine.

"Sa amin na muna itong anak mo para makapag usap kayong dalawa." Tumango lang si Francine at binigay kay Mommy ang batang yun.

Ng makaalis sila Mommy at Daddy ay lumipat ako sa kanang single couch kung saan nakaupo si Mommy kanina.

"Nasan ang Tatay niya?" Kalmadong tanong ko kay Francine.

"I-iniwan niya ako." Tila nahihiyang sagot nito.

"Bakit gusto mong akuin ko yang anak nyong dalawa? Gusto mo ba talagang dagdagan ang kasalanan mo sakin? Really? Mag sisinungaling ka na naman?" Pagak akong natawa.

"Sorry, g-gusto ko lang naman na mag karoon ng ama ang anak—"

"Hindi niya kailangan ng ama. Ikaw, kaya mo siyang alagaang mag isa. Alam kong kaya mo...inalagaan mo ako dati kaya alam kong maaalagaan mo din ang anak mo kahit wala ang Ama niya." Napayuko ito at nakita ko ang pag agos ng luha sa mga mata niya.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon