Kabanata XXIII

128 4 1
                                    

KABANATA 23༻

"WHAT?" Iritado siya pero hindi halata sa walang emosyon niyang mukha. Bumalik sila ng anak niya sa condo niya matapos ang padasal na yun para sa ika-fourty days ni Romana.

Ngayon nga ay nasa condo na sila kasama ang dalawa niyang kaibigan na nakatingin sakanya na para bang iba siyang tao.

"Bro, don't do that." Napakunot ang noo niya sa sinabing yun ni Cedric.

"Ang alin? ano ba ang pinag sasasabi mo Flameño?" Tanong niya rito.

"That Emotionless face of yours Faust, stop doing that." Sagot nito sa tanong niya.

"Tama si Cedric, Faust. Lubayan mo nakakawala ng kapogian yung ganyang mukha." Dagdag pa ni Genesis sa sagot ni Cedric.

Wala siyang pake kung nakakawala ng kapogian ang ganun mas gusto niya yun, ayaw niyang may lumalapit sakanyang babae kaya ginagawa niya ang ganung mukha. He also don't want to show his real feelings and emotions.

"Hindi ko gagawin. Mas mabuti ang ganito." Walang emosyon niyang sagot sa dalawa.

"Baka matakot sayo ang anak mo niyan." Pananakot pa ni Genesis sakanya. Ngumisi siya at tumingin sa buhat-buhat niyang si Baby Rhane.

"Hindi matatakot ang anak ko sakin, nasisiguro ko yan." Sagot niya kay Genesis at tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa.

Akmang magsasalita pa si Cedric pero inunahan niya na ito.

"Magpapahinga kami ng anak ko puwede na kayong umalis, salamat sa pag sunod sa aming dalawa. I can handle this." Yun lang at naglakad na siya patungo sa itaas ng hindi lumilingon sa dalawa niyang kaibigan na naririnig niyang nag bubulungan.

"Iiwan ba natin yun?" Tanong ni Genesis.

"Ewan ko, pero kung hindi natin susundin ang siraulong yan  baka magalit satin." Rinig niyang sagot ni Cedric.

Hindi na niya narinig pa ang ibang pinag uusapan ng dalawa dahil nakarating na siya sa kuwarto niya at marahang ibinaba si Baby Rhane sa Crib na naroon at nag timpla siya nga gatas incase na magising ito at umiyak, para may maibigay siya agad pag nagugutom ito at umiyak.

Matapos niyang magtimpla ng gatas ng anak ay nahiga siya sa gitna ng kama. Then later on he heard her voice,tinatawag siya ng Honey niya.

"Daxtom, Help! Tulungan mo ako!" Sigaw nito agad na hinanap ni Daxtom ang lugar kung saan niya narinig ang boses ni Romana.

Nakarating siya sa gitna ng kagubatan at nakita niya si Romana na napapalibutan ng apoy. Her eyes are full of fear while looking at him, pilit na naglalakad si Daxtom sa gawi ni Romana pero hindi siya makarating roon kahit pa takbuhin niya na ang pagitan nila, malapit lang si Romana pero paglumalapit siya ay lumalayo ang puwesto ni Romana.

"Romana! Hang in there Honey. Pupunta ako diyan." Sigaw niya kay Romana.

Pinilit niyang makalapit dito pero hindi talaga niya magawa. Naririnig niya ang sigaw nito, sigaw na para bang namimilipit sa sakit.

"Daxtom! T-tulong H-Hon. Baby R-Rhane, I—I L—ove y—you Daxto—" Nanigas siya sa kinatatayuan ng unti-unti ay humina ang boses ni Romana.

"No! Romana! Wake up! Honey wake up!" Sigaw niya rito, kita niya ang unti-unti nitong pagdukdok sa lamesa. Nakita niya na may kinuha ito sa buhok at alam niya kung ano yun. Bumagsak ang luha sa mata niya ng tumingin ito sa gawi niya habang may malungkot at nanghihinang ngiti sa labi.

Mahina nitong ginalaw ang kamay na may hawak at nakita niya ang pagbuka ng labi nito.

"I love you, take care of yourself and Baby Rhane." Then slowly her eyes closed. Walang nagawa si Daxtom kundi ang magtagis ang bagang habang umiiyak.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon