Kabanata XXV

129 3 0
                                    

---

༺ KABANATA 25༻

ROMANA P.O.V.

ILANG linggo at araw na mula ng trahedyang nangyari sa gitna ng kagubatan kung saan ako naroon...kung saan sana magkikita kami ni Daxtom.

Narito ako ngayon sa bahay ni Jayson, ikinulong niya ako sa isang silid na narito sa bahay niya ng halos isang buwan. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa, pero ng marinig ko ang paliwanag niya ay dun ko lang naunawaan ang lahat.

"Tumakas ka na naman." Panimulang sabi ni Jayson sa akin ng makauwi ako sa Bahay niya. "Ilang beses ko bang sasabihin na dito ka lang sakin? Alam kong gusto mo na silang makita pero hindi pa puwede Romana! Hindi pa sa ngayon." Dagdag pa niya habang naka pameywang.

"Gusto ko lang naman silang makita, Jayson. Alam mo kung gaano ko na sila ka-miss." Malungkot na sabi ko sakanya.

"Yeah, right? Gusto mo silang makita pero hindi ka nag iingat. Nakita ka ng kakambal mo at ilang suntok at sugat ang natamo ko ng malaman niyang buhay ka." Natawa ako sa sinabi niyang yun.

Nalaman ni Romina na buhay ako ilang araw bago ang fourty days ko kuno. Kulang nalang ay ibitin niya ako ng patiwarik at paluin nung malaman niyang buhay ako, sinisi pa niya ako na dahil daw sa akin ay kinailangan niyang umiwas kay Daxtom dahil sa tuwing mag kikita daw sila ay parang nakikita daw ako nito sakanya.

Gusto ni Romina na sabihin sa lahat na buhay ako pero pinigil ko siya ganun din si Jayson dahil sa oras na malaman ng taong yun na buhay ako baka madamay ang mga taong mahal ko. Sinabi sa akin lahat ni Jayson, mula sa kung sino talaga ang ina ng anak niya hanggang sa kung sino ang gumawa at nag plano ng pag patay sa akin.

Nagulat ako noong kinuwento niya ang lahat sa akin lalo na ng sabihin niya sa akin kung sino ang may plano ng lahat.

"Galing ka sa Condo ni Faust, tama ba?" Tumango ako sa tanong niyang yun at naglakad na at naupo sa mahabang couch sa bahay niya.

"Tumawag sa akin si Romina kagabi, may lagnat daw si Baby Rhane kaya pinuntahan ko ang mag ama ko kahit ayaw mo. Sinabihan ko naman na si Romina kung ano ang gagawin niya kung sakaling magtanong si Daxtom o maghinala ito." Paliwanag ko sakanya.

Kagabi ay pinuntahan ko ang condo ni Daxtom, naka salubong ko pa ang Doctor na nag Check up kay Baby Rhane nun at tinanong ko siya ng marami bago ako tuluyang pumasok sa Condo ni Daxtom at nag diretso sa kuwarto niya.

Ng madatnan ko si Daxtom ay kinakausap niya ang anak namin.

"Napanaginipan ko ang Momma mo. Kahit sa panaginip anak hindi ko siya naligtas, your father is useless. Wala akong kuwenta anak kahit sa panaginip hindi ko siya naligtas, I'm sorry baby I'm sorry my Princess dahil sa akin nawala ang Mommy mo dahil kay Daddy nawala si Mommy kasalanan ko anak, kasalanan ni Daddy lahat." Parang sinasakal ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang yun mula sa labi ng lalaking mahal ko. Idagdag pa ang pag agos ng luha nito sakanyang mata.

Tumingala ako at huminga ng malalim, hindi dapat ako umiyak!

'Kailangan kong umarte bilang Romina! Hindi umiiyak si Romina! Sa ngayon ikaw si Romina! Don't cry Romana!' Pagpapaalala ko sa sarili ko

"Hindi  naman ikaw ang sumunog kay Romana, why are you blaming yourself?" Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko, mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata tapos tila kidlat ito sa bilis na naglakad palapit sa akin at walang sabi-sabing inangkin ang labi ko. Natigilan ako at at hindi nakagalaw dahil sa ginawa ni Daxtom na yun. Hindi ko ginalawa o ibinuka ang labi ko habang patuloy pa rin ang pag halik sa akin ni Daxtom. Ipinikit ko ang mata ko para damahin ang malambot niyang labi sa labi ko.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon