Kabanata XIV

183 5 0
                                    

༺KABANATA 14༻

ROMANA P.O.V.


KINAUMAGAHAN ay maaga kaming nagising ni Daxtom dahil sa umiyak ang anak namin. Agad na binuhat ni Daxtom si Rhane at hinele pero ayaw talagang tumigil.

"Honey ako na ang bahala matulog ka na ulit." Sabi niya. Umiling ako at bumaba ng kama at nilapitan silang dalawa.

"Baka nagugutom siya o di kaya naman ay puno na ang Diaper niya." Sa sinabi kong yun ay tumigil siya sa pag hele at nilapag ang anak namin sa ibabaw ng kama at hinubad ang pantulog ni Rhane at sinilip ang Diaper nito.

"Honey ganitong oras ba talaga siya dumudumi?" Natawa ako ng palihim ng makita ko ang nakangiwi niyang mga labi.

"Minsan lang. Nandidiri ka ba? Bakit nakangiwi yang labi mo?" Pinaseryoso ko ang boses ko kahit gusto ko ng matawa.

"Hindi ah, kasi ngayon lang ako nakaranas ng baby na madaling araw dumudumi." Napatango naman ako sa sagot niya.

"Ang pag dumi ay hindi mapipigilan ng mga baby palang hindi gaya natin na kayang mag pigil." Napatango siya sa sinagot ko. "Oh siya buhatin mo na siya dalhin mo sa banyo at papalitan natin ng Diaper."

"Puwede ako na ang mag palit?" Tanong niya habang buhat ang anak namin.

"Okay sige ikaw ang bahala." Sagot ko naman tumango siya at ngumiti tapos ay dinampian ng halik ang labi ko.

"Hindi pa ako nag sisipilyo." Reklamo ko na ikinatawa.

"Ako din naman. Pero kahit hindi ka mag sipilyo hahalikan parin kita."Ngumiti siya sakin yung ngiting makalaglag panty. Hinalikan niya naman ako sa noo tapos ay sa tuktok ng ulo bago siya naglakad papunta ng banyo niya.

Iiling-iling ako at nakangiti habang naglalakad papunta sa closet ni Daxtom. Naroon na ang mga damit namin ang mga katulong nila ang naglagay dun.

Kumuha ako ng damit ni Daxiery Rhane dahil papalitan nadin ang damit niya. Yun lang ang kinuha ko dahil nasa banyo na ang wipes at iba pang kagamitan ni Rhane.

Matapos kong kumuha ng damit ay dumiretso ako sa banyo. Nakita ko si Daxtom na buhat pa rin ang anak namin at kinakausap ito.

"Ako ang mag papalit ng Diaper mo. I-kuwento mo sa magiging Kaibigan mo na ako ang nagpapalit ng diaper mo bukod sa Mommy mo. Sabihin mo sakanila na ang guwapo mong Daddy ang nagpapalit ng Diaper mo." Mahina akong natawa sa narinig kong yun.

Kahit kailan talaga ay hindi mawawala ang kaguwapuhan niya sa topic.

Napansin niya yata ang prisensya ko kaya napatingin siya sakin dumiretso ako ng tayo at pinaseryoso ang mukha ko.

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Wala." Sagot ko.

"Wala daw, ano nga Honey?" Umiling ulit ako.

"Wala nga." Sabi ko at kumuha ng lampin na nasa lagayan at inilatag. "Ibaba mo siya dito at papalitan na natin siya ng—"

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon