Kabanata XXI

112 3 0
                                    

༺ KABANATA 21༻

DAXTOM P.O.V.


KUYOM ang kamao ko habang nakatingin sa bundok kung saan naroon si Romana. Nagtatagis ang bagang ko habang nakatingin sa nasusunog na gitna ng kagubatan.

"What the Fuck!? Bakit nandito pa kayo? Pumunta kayo roon at hanapin ang asawa ko!" Galit na sigaw ko pero hindi nila ako sinunod pinigilan nila ako kanina nung sinubukan kong dumiretso sa papunta sa bundok.

"Masyado pong malaki ang sunog baka po mapahamak kayo—"

Isang sapak sa mukha ang natamo ng taong nagsabi nun sa akin.

"Ga-go ka ba? Nandun yung babaeng mahal ko, may babae dun...baka natatakot na siya at hinahanap ako. Tapos sasabihin mo yan sakin?" Susuntukin ko sanang muli ang lalaking yun pero inawat na ako ng mga taong naroon.

Kinalma ko ang sarili ko at tinulak silang lahat na umaawat sa akin. Tumingin akong muli sa bundok na nagtila pailaw sa gabing iyon.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na maayos siya, na nakababa siya bago ang sunog.

"Ang alam ko may babaeng maganda na nasa gitna ng kagubatan."

"Nakita nga daw yun ng anak ko nung nangangahoy siya, parang may nag-ayos ng gitna ng kagubatan na yun para sa dalagang yun."

"Sana lang nakaligtas siya noh."

Ilan lang yun sa mga bulungan na narinig ko, isang butil ng luha ang tumulo sa kaliwang mata ko na agad kong pinunasan.

Halos mag-mamadaling araw na ng tuluyang maapula ang apoy dun lang umakyat ang mga rescue. Hindi ako pinayagan ng mga ito na sumama dahil hindi daw maaari yun.

Kahit anong pilit ko sa mga ito ay wala akong nagawa, pero nakagawa ako ng paraan para makasama sa rescue.

Suot ang uniporme na nakuha ko sa isang ambulance ay agad akong sumama sa isang grupo ng rescue.

Naglakad kami paakyat at kahit madilim ang daan ay kinaya ko. Sa isiping naglakad si Romana sa daang tinatahak niya at takot na takot ito ay parang gusto kong sakalin ang sarili ko.

'Kasalanan ko ito!'

Kung hindi ko pinlano lahat ng ito ay hindi mapupunta sa ganitong sitwasyon ang babaeng mahal ko.

Hindi Sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ko sinabihan ang mga tauhan ko na sila nalang muna ang sumundo kay Romana hindi mangyayari ito kung ako mismo ang sumundo sakanya.

"May mga katawan dun!" Sigaw ng isang lalaking rescuer na agad kong sinundan ng tumakbo ito sa ibang bahagi ng kagubatan.

Sa tulong ng liwanag ay nakita namin ang sunog na katawan ng tatlong lalake. Nagtagis ang bagang ko ng makita ang pin na pinapasuot namin sa mga tauhan namin sa baguio.

Inilagay ng mga rescuer ang mga katawan na yun sa black bag at binaba na sa bundok habang ako ay kasama ng iba pa at patuloy na nag hahanap.

Ng makarating sa gitna ay tumambad sa amin ang lamesang sunog at sa upuan ay may nakaupo habang nakadukdok sa lamesang halos mapulbos na.

"May isa pa dito!" Sigaw na naman ng isa.

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko lalo na ng suriin nga mga rescuer ang katawan nito.

"Tingnan mo, may hawak siya!" Dahil sa pag iimporma ng isang lalake ay agad akong lumapit sa bangkay na yun at tiningnan ang hawak nito.

'Hairpin!'

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon