Kabanata XII

202 5 0
                                    

KABANATA 12



DAXTOM P.O.V.



HINDI ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at pinag masdan ko ang pag lapit ni Romana sa anak namin.

Ng makalapit siya ay binuhat niya ito at lumapit sakin. Nakita ko ang masayang ngiti sa labi ni Romana habang buhat ang anak namin.

"Say Hi to Daddy, baby Rhane." Sabi ni Romana habang hawak ang maliit pero matabang kamay ng anak namin at kinakaway yun.

"Dahdah"usal ng anak namin kaya nag katinginan kami ni Romana.

"Nag sasalita na po si Rhane Ma'am Nelli, mama at dada nga lang po." Sabi ng katulong na nasa kwarto ni Romana.

"Aw, ganun ba? Ang bilis niyang matuto huh. By the way you can go now." Sabi ni Romana at nag paalam na ang katulong tapos ay hinarap ako ni Romana. "Baby Rhane kay Dada ka muna ha? Mag bibihis lang si Mommy." Naalarma ako sa sinabi niyang yun.

Hindi pa ako nakakahawak ng bata na sing liit niya. Kaya natatakot ako na masaktan ko siya.

"H-hindi ako sanay—"

"Kaya mo yan Hon. Masasanay ka rin." Putol niya sa iba ko pang sasabihin at binigyan sakin ang anak namin na maingat ko namang binuhat.

"B-bilisan mo,ha? Baka kasi mahulog ko siya." Hinalikan niya ako sa labi bago nag salita.

"Dun kayo sa kama kung napapagod ka ng tumayo at oo bibilisan ko ang pag bibihis." Tumango-tango ako at siya naman ay nag tungo sa isang pinto na sa tingin ko ay walk in closet niya. Ako naman ay maingat na buhat si Baby Rhane habang nag lalakad papunta sa kama.

Sa buong buhay ko never akong nakabuhat ng batang kasing laki ng anak ko. Damn! Anak ko!

"D-dito tayo sa kama ha? Baka kasi mahulog ka ni Daddy eh. Pero hindi naman mangyayari yun kasi hindi hahayaan ni Daddy na masaktan ang prinsesa niya." Pag kausap ko sa anak ko na kanina pa ang pag usal ng salitang 'Dada'

Ng mailapag ko siya sa kama ay siyang pag gapang naman nito sa kung saan kaya agad din akong sumampa sa kama.

"Dahdah!" Usal niya at bumalik sa akin habang gumagapang.

"You keep calling me huh? Do you know that your mommy called me Daddy awhile ago? She's seducing me." Pag kausap ko sakanya. Binuhat ko siya at nahiga ako sa kama kaya ngayon ay nakadapa na siya sa dibdib ko habang ang mukha ay sa gilid nakaharap.

"Kumusta na ang prinsesa ko? Hindi ka naman ba nag kukulit habang wala ang Daddy?" Tanong ko kahit alam kong wala pa akong makukuhang tugon.

Tumigil ito sa pag usal ng mga salitang hindi ko naman naiintindihan pero ilang sandali lang ay umiyak ito. Iyak na nag pataranta sa akin kaya mabilis akong tumayo at handa na sanang puntahan si Romana sa walk in closet ng kusa itong lumabas dun at mabilis na lumapit sa gawi namin.

"Anong nangyari?" Tanong niya at tumabi sa anak namin.

"H-hindi ko alam...kanina salita siya nang salita tapos huminto siya sandali then umiyak na siya." Agad na sagot ko.

"Ah, baka nagugutom." Sabi naman ni Romana at tinaas ang laylayan ng damit at dahil dun tumambad sa akin ang malulusog niyang dibdib.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa dibdib niya. Narinig ko ang pag tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nahiga ako sa kabilang side ng kama kaya napapagitnaan namin si Baby Rhane.

Tumahimik si Rhane dahil dumedede na ito sa Mommy niya.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon