Kabanata IX

244 4 0
                                    

KABANATA 9


ROMANA P.O.V.

PAGKATAPOS ng yakap na yun ay mabilis niya akong hinawakan sa pulsuhan, marahan at puno ng pag iingat niya akong hinawakan roon pero kita ko naman ang pag galaw ng panga niya sa galit.

Lumabas kami sa shop ko at tinungo nito ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, sinulyapan ko ang mukha niya at nakita kong parang naiinis din ito kaya pumasok nalang ako sa passenger seat.

Sinuot ko ang seatbelt ko at ng tingnan ko siya ay nakatingin din ito sakin tapos ay tumingin sa noo ko sabay buntong hininga bago pinaharurot ang sasakyan.

Akala ko ay hindi na siya mag sasalita kaya nung narinig ko ang Baritono niyang boses ay napaigtad ako sa gulat.

"Bakit nandun ang lalaking yun?" Tanong niya ng tingnan ko siya ay nakatutok ang paningin niya sa kalsada.

"Nanghingi lang ako ng tulong—"

"At bakit sakanya ka pa nanghingi ng tulong? Bakit hindi nalang sakin? Honey, tutulungan naman kita." Putol niya sa iba ko pang sasabihin.

"Sira ba ulo mo? Di ba nag punta ako sayo at sinabi ko na may anak ako? Hindi mo ako pinakinggan na damuho tapos ngayon sinasabi mo yan? Pinaalis mo ako sa Condo mo siraulo! Kaya wag mo akong tanungin ng ganyan at baka itulak kita diyan palabas ng kotse mo!"galit na sigaw ko.

"Sorry, hindi lang ako nakapag isip ng tama nun." Sinserong hingi nito ng tawad sakin. "Pero tungkol ba sa Baby mo ang tulong na hinihingi mo sa tukmol na yun?"dagdag niya at tumatangong nag buntong hininga ako.

"Oo tungkol kay Rhane ang pinag usapan namin ni Jino—"

"Pulgoso ang itawag mo sakanya." Putol niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pulgoso? Baliw ka ba? Ang ganda-ganda ng name niya tapos yan lang ang itatawag mo sakanya? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Nakakunot ang noo'ng tanong ko sakanya.

"So what? Pakealam ko naman kung maganda ang pangalan niya? Mas maganda ang pangalan ko!" Sigaw niya. Hindi ako nag salita kasi baka hindi lang pag sigaw ang gawin ko baka matadyakan ko na rin siya.

"Sorry kung nasigawan kita." Malambing na sabi niya ng hindi ako nag salita.

Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa makarating sa Condo niya. The whole living room is combined by a color of brown and black. Sa itaas ang kwarto niya walang pinto doon, you only need to do is to go upstairs and ta-da! Nasa kwarto ka na niya.

King size bed ang nasa gitna habang ang dalawang couch nun ay nasa paanan at ilang metro ang layo sa kama. Nasa left side ang Walk in closet niya habang ang banyo ay nasa kanang bahagi naman ang banyo at sa ulunan ng king size bed niya ay sliding door na glass patungo sa Veranda.

Tahimik akong naupo sa mahabang couch at ramdam kong tumabi sa akin si Daxtom at niyakap ako mula sa gilid at sinubbsob ang mukha sa gilid ng leeg ko.

"Sorry na, puwede ba na kausapin mo na ako? Honey kausapin mo na ako...please."pag-mamakaawa niya. Hinalik-halikan pa ang gilid ng leeg ko kaya unti-unting nagigising ang dugo ko.

"Hindi mo naman ako ipagpapalit sa pulgoso na yun eh noh? Kasi kanina nung nakita kitang hinalikan ka niya sa noo parang gusto ko nalang ipatanggal ang mata ko lalo na ang puso ko dahil nasasaktan ako." Huminto ito sa pag sasalita at hinalikan ako sa gilid ng labi tapos ay sumubsob ulit sa leeg ko.

'Nasasaktan? Noong pinaalis niya ako sa condo niya nasaktan din kaya ako!'

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon