Kabanata XXVIII

117 3 0
                                    

༺ KABANATA 28༻

ROMANA P.O.V.

DUMATING ang araw na pinakahihintay ko, lahat ng ebidensya mga saksi at mga tauhan ni Francine na nasasangkot sa tangkang pag patay sa akin ay nasa pangangalaga na ni Jayson.

Nagawa niya ang lahat ng yun sa saglit lang na panahon. Hindi ko alam kung paano pero masaya akong matatapos na ang pag hihirap at pangungulila ko.

Dala ang mga ebidensya ay balak naming pumunta sa presinto, nasa loob ako ng sasakyan ni Jayson habang nakasunod naman sa amin ang mga tauhan niya dala ng mga ito ang mga saksi at mga tauhan ni Francine.

"This is it, makikita ko na ang mag-ama ko." Sambit ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Jayson kaya napatingin ako sakanya. "Salamat ng marami, Jayson. Hindi ko makakalimutan ang tulong na binigay mo sa akin, dahil sa pag tulong mo sa akin...sasabihin ko sayo lahat ng tungkol kay Lyke." Dagdag ko.

Nakita kong napangiti siya at napailing.

"No need Romana, I have my ways." Confident niyang sagot sa akin.

"So alam mong buntis siya?" Tanong ko sakanya kaya mabilis siyang napalingon sa akin. Bakas ang gulat sa mukha.

"S-she...what?" Naguhulantang niyang tanong habang patuloy sa pag mamaneho.

"Buntis siya, hindi mo alam?" Tanong ko sakanya. Hindi nakapag salita si Jayson. "Oh shit! Dapat ba hindi ko sinabi? Oh well kalimutan mo nalang na sinabi ko—"

"Paano ko makakalimutan ang sinabi mo? Fuck! I'm a Dad now! Shit, kailangan ko na siyang makita pag natapos ko ang pag tulong sayo focus nalang ako sa mag-iina ko." Awat niya sa akin, napangiti ako sa sinabi niyang yun.

Naging close kami ni Lyke habang nakakulong ako sa bahay ni Jayson, maraming tanong sa akin ang babaeng yun tungkol kay Jayson kaya alam kong may gusto siya kay Jayson.

"Ahmm...may sinabi ba akong ikaw ang tatay?" Pang-aasar ko at nakatanggap ako ng matalim na tingin mula sakanya.

"Don't ruined the moment, Romana." Sabi niya pa.

"Okay, Okay hindi na." Matapos ng pinag usapan naming yun ay hindi na ako nagsalita. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at tahimik na nagdasal na sana ay matapos na ang lahat ng gulo para makasama ko na ang pamilya ko.

Ng makarating sa pulis station ay may tinawagan si Jayson tapos ay ilang sandali lang ay dumating ang isang sundalo na sa tingin ko ay nasa singkuwenta anyos na. Nakipag usap yun sa pulis na kaedaran lang din nito hanggang sa binigay na ni Jayson ang mga ebidensya at ang mga tauhan ni Francine. Hindi kasama doon ang kakambal ni Raul na si Rol pero kaya na daw ipakulong si Francine gamit ang mga ibedensya na binigay ni Jayson at mas mapapanalo ang kaso dahil sa mga tistigo at mga tauhan nito.

"Thank you, Uncle. You're the best, by the way pakisabi kay Mom na mag kaka apo na siya." Masayang sabi ni Jayson sa lalaking sundalo na yun.

"Wala yun, Ayson. Ikaw pa ba? Malakas ka sa Uncle eh. At sinong malas na babae ang ina ng anak mo?" Nakita ko na napakamot si Jayson sa sinabi ng Uncle nito.

"Uncle naman, bakit siya magiging malas? Sa guwapo, macho,matalino at yaman kong ito malas pa ba siya sa akin?" Napailing nalang ang uncle nito sakanyang kahanginan at tinapik ang balikat bago humarap sa akin.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon