Kabanata XXX

178 4 0
                                    

༺ KABANATA 30༻



DAXTOM P.O.V.

DILAT na dilat ang mga mata ko habang nakatingin kay Romana, ng makarating kami kagabi sa hospital ay agad na inisakaso ng mga doctor si Romana. Hindi naman daw malala ang mga natamo nito, may kaunting bali lang daw pero kaya naman daw yung gamutin sa awa ng diyos ay walang natamong pinsala ang mga organs niya.

Sa ngayon ay hinihintay nalang namin siyang magising. Kasama ko si Jayson dito sa kuwarto ni Romana, hindi rin ito umalis ng hospital.

"Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin." Seryosong sabi ko kay Jayson na nakaupo sa isang mahabang couch.

"Ba't ako? Si Romana ang tanungin mo wag ako." Agad na sagot nito.

"Ikaw ang nabanggit ni Rol, tinuro ka pa nga eh." Tinaliman ko siya ng tingin.

Bubuka pa lang ang bibig nito para magsalita pero agad na naitikom yun ng marinig namin ang mahinang daing ni Romana.

Agad akong napatayo habang hawak ang kamay niya.

"Honey, are you alright? Saan ang masakit?" Agad na tanong ko, lumapit si Jayson sa amin at nagtanong rin.

"Ayos ka lang ba Romana?" Tanong nito kaya napatingin sakanya si Romana.

"D-Damn you!" Mahinang sigaw ni Romana kay Jayson nagulat ako sa sigaw niyang yun, si Jayson naman ay napaatras at parang tinititigan ang mukha ni Romana.

"W-what the hell?" Gagad ni Jayson habang titig na titig kay Romana.

"Ano ba ang problema mo Jayson?" Tanong ko sakanya.

"Y-yeah, w-what the h-hell!" Sabi ni Romana at tumingin sa akin ang mga mata niya ay nagtataka.

"W-why are you here? W-where is my h-husband?" Tanong niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ano ba ang sinasabi mo Romana—"

"W-wag mo akong tawaging Romana! B-buwiset, n-napag kamalan n-na naman ako!" Parang galit na sabi niya.

"W-what do you mean?" Tanong ko.

"I-I came in front of that d-damn condominium when s-suddenly a white van stop in front of me, sapilitan nila akong ipinasok sa loob ng s-sasakyan." Sa mga sinabi niyang yun ay natauhan ako.

"H-hindi ikaw ang Romana ko? Kung hindi ikaw ang Romana ko nasaan siya?" Tanong ko tiningnan ko si Jayson na titig na titig pa rin kay Romana o mas tamang itawag dito ay Romina. "Jayson, Tara samahan mo ako hanapin natin ang Romana ko!" Sigaw ko kay Jayson, binitiwan ko ang kamay ni Romana—Romina pala at maglalakad na sana palabas ng pinto ng bigla yung bumukas at pumasok mula roon si Romina.

Natulos ako sa kinatatayuan ko at unti-unting humarap sa nakahiga sa hospital bed.

"R-Romana! This is your fault! How dare you! I-ikaw dapat ang narito, pina lagpas ko ang mga nagawa mong ka abnoyan...p-pero hindi ito! Paano nalang k-kung mag tanong ang asawa k-ko sa a-akin ano ang isasagot—"

"Argggh! Cut the acting Romana! Babatukan na kita makita mo!" Sigaw ni Romina sa nakahigang yun. Nakita kong mula sa galit na ekspresyon na mukha ay napanguso siya at tumingin sa mata ko.

"Fuck! Muntik na akong maniwalang ikaw si Romina, kung hindi ko lang  tinext si Romina at sinabing nandito ka siguradong maniniwala akong ikaw siya." Napatingin ako kay Jayson sa sinabi niyang yun pero bumalik lang ulit ang tingin Ko kay Romana na mahaba na ang nguso ngayon habang nakatingin sa akin.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon