Kabanata X

256 6 0
                                    

KABANATA 10


DAXTOM P.O.V.

"DAXTOM Faust Decorcio!" Napaigtad ako at napatayo ng tuwid ng marinig ko ang boses na yun ni Romana.

Nandito pa rin kami sa Condo ko at wala akong balak na pumasok sa trabaho, sinabihan ko si Romana na wag din siyang pumasok dahil may mga pag-uusapan pa kami.

Ngayon nga ay nag wawalis siya habang ako ay pinipilit siyang bilhan ng toys store ang anak naming babae na si Rhane.

I saw her pictures, she really looks like her Mommy but still she has this ice blue eyes like me.

Nananabik na akong makita siya, gusto ko na siyang makita pero ang Mommy niya ang ayaw pumayag na pumunta na kami sa Bulacan ngayon. Sinabi nito na bukas nalang daw kami mag punta.

"Anong masama sa pag bili ng toys store para sa anak natin?" Tanong ko sakanya, tumigil siya sa pag-wawalis at nakapameywang na humarap sa akin.

Nung humarap siya ay sa mga bundok niya dumiretso ang tingin ko. Basa yun at nasisiguro kong dahil yun sa gatas na lumalabas dun.

"Nahihibang ka na ba?" Tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ako nahihibang, Honey. Gusto ko lang naman na—"

"Daxtom. Toys Store ang gusto mong bilhin! TOYS STORE! Ipapaalala ko lang ah? baka nakakalimutan mo seven months palang ang anak natin at tsaka ano naman ang gagawin ng anak natin sa toys store hah? Aber?" Humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Gusto kong mangiti dahil napakasarap sa pakiramdam ang sinasabi niyang 'Anak natin'

"B-buti nga at hindi factory ng laruan ang gusto kong bilhin para sa—" Tinapunan niya ako ng masamang tingin kaya huminto ako sa pag-sasalita. "—Oo na hindi na, pero pwede ba na puntahan na natin siya ngayon? Honey puntahan na natin siya ngayon." Dagdag ko pa. Inirapan niya lang ako at tinalikuran tapos ay nag simulang mag walis ulit.

"Hon—"

"Daxtom."tawag niya kaya hindi ko natuloy ang iba ko pang sasabihin. Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likod kaya napatayo ito ng tuwid.

"Hmm? Payag ka na? Pupunta na tayo dun? O di kaya ay payag ka ng bilhan natin siya ng Toys store?" Bulong ko sa taenga niya at hinalikan yun.

Rinig ko ang pag tikhim niya bago nag salita.

"Isang beses ka pang mangulit... " Binitin niya ang ibang sasabihin at humarap sa akin. "...si Jino ang isasama ko sa Bulacan." Tumalim ang mga mata ko sa sinabi niyang yun.

Naalala ko na tinanong ko sakanya kung tungkol kay Baby Rhane ko ang pinag uusapan ni Romana at ng Jino na yun.

'Yun pala ang tulong na hinigingi mo sa lalaking yun?!'

Hinapit ko siya palapit sa akin habang matalim parin ang tingin ko sa mga mata niya. Kita ko ang pag kagat niya sakanyang ibabang labi.

"Naalala ko na. Siya ang gusto mong mag panggap na Daddy ng anak natin. Sinusubukan mo ba talaga akong patayin Honey?" Seryoso kong sabi sakanya. Ang kaninang matapang na babae sa harap ko ay tila naging maamo.

Sumiksik siya katawan ko at mahigpit akong niyakap.

"Kasi ganito yan—"

"Kasi ganito yan. Tsss! Palusot ka pa, siguro siya talaga ang gusto mong mapangasawa noh? Kaya ayaw mo akong sagutin kasi hinihintay mo siya—oh? Wait,yung Jayson nga pala ang hinihintay mo noh? Sana All may hinihintay." Tumingala siya at hinalikan ako sa baba. Ang kaunting Selos,galit,at inis ay parang bulang nag laho dahil sa ginawa niyang yun pero pinanatili ko ang ekspresyon mg mukha ko.

Sa Gitna ng KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon