[Part VII; Chapter IV] I'm sorry!

618 34 2
                                    


AUTUMN's POV

"Kh-khaine..." hindi ko na napigilan ang sarili ko. I hugged her tight. "You're here. You're finally here." Bulong ko sa kaniya.

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. God. I missed her so much. Kumawala ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"How are you? B-bakit ka nawala?" Nakakunot noo siyang nakatingin sa'kin. "I'm sorry, but I don't know what you're talking about."

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya. "I think you misunderstood me Miss Autumn, but I'm here to tell you that the vice president is looking for you."

Nakatitig lang ako sa kaniya. She's smiling but I don't get it. "I...I.." hindi ko alam kong anong sasabihin ko.

"Aalis na po ako." Nakangiting saad niya. Nabato ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na nagawa pang habulin si Khaine.

Nilingon ko ang hallway na dinaanan niya makalipas ang limang minutong pagkakatayo ko.

Hindi ko na siya makita. Khaine, bakit? Bakit ganiyan ka? Ganoon na lang ba 'yon? Hindi mo man lang ako kakausapin tungkol sa nangyari?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Kaagad ko namang napansin ang missed calls mula kay Jereen. May text message rin mula sa kaniya.

Jereen;
Hey Autumn, where are you? I saw Shane earlier.

Jereen;
Autumn, where are you? Pinapahanap kita kay Shane.

Napabuntong hininga ako bago naglakad patungo sa opisina. "Autumn." Tawag pansin ni Jereen bago pa ako tuluyang makapasok sa opisina ko.

"What is it?" I asked. "Did you see her?" I just nod at her. Pumasok kami sa opisina ko at pabagsak akong naupo sa sofa. Ipinikit ko ang mga mata ko matapos kong isandal ang likod ko.

"So, how is it? Where is she?"

Muli akong napabuntong hininga. "She left. I saw her, I talk to her but I think there is something wrong."

Hindi ko maisip. Pero alam kong may mali sa ikinilos ni Khine kanina. It seems like she didn't know me. But she called me Autumn. Pero sa paraan ng pagtawag niya parang hindi niya ako kilala.

"Yeah, just like what I thought too." Napamulat ako ng mga mata ko tumingin kay Jereen. "What do you mean?" I asked.

"Nevermind. Anyway, I need to go home Autumn. Dad called me earlier and he wanted to talk to me."

Tumango lang ako kay Jereen bilang sagot. "Huwag mo na munang kaisipin 'yon, Autumn. Baka naninibago lang ulit si Shane. Alam mo naman dalawang taon rin kayong hindi nagkita at isa pa baka ayaw niya ng maalala pa ang nangyari 2 years ago."

I sighed heavily. "Maybe you're right. Go ahead now Jereen. Take care." Ngumiti siya sa 'kin bago umalis. Tumayo ako sa pagkakaupo ko.

Nabaling lang ang atensyon ko sa may table ko nang marinig ko ang pagtunog ng telepono.

Nilapitan ko naman ito at sinagot ang tawag.

"Autummmmnnnnn." Kaagad ko rin namang nailayo sa tainga ko ang telepono dahil sa malakas na boses ni Summer.

"Lower down your voice, Summer. What do you want this time? At bakit dito ka tumawag hindi sa cell phone ko?"

I heard her chuckled.

"Sorry, nakacharge pa ang cell phone ko kaya dito muna kita tinawagan. Anyway, uuwi kami tomorrow."

Napakunot ang noo ko matapos kong marinig ang sinabi ni Summer mula sa kabilang linya.

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon