[Part XXIII; Chapter XX] Autumn's Decision (pt.2)

490 23 0
                                    


AUTUMN's POV

I PARKED my car and went inside the house. "My God, Autumn. You're soaking wet. Where did you come from at this time?"

Lumingon ako sa sala at nandoon silang tatlo. Nagkibit balikat ako at dumeretso paakyat sa kwarto ko. Naligo na rin ako at inabot ng kalahating oras.

Paglabas ko ng banyo, nandito sa kwarto ang tatlo. "Anong ginagawa niyo dito?" Inabutan naman ako ni Summer ng baso na may lamang alak.

"I think you need us." Saad nito bago ako hinila paupo sa lapag, sa katabi niya. "Saan ka nga nang-galing?" Muling tanong ni Spring sa'kin.

Sumandal ako sa kama ko at napabuntong hininga. "Sa bahay nila Khaine," tipid kong sagot sa kaniya. "Ohh, then what happened? Bakit umuwi ka ng basang-basa sa ulan?"

Straight kong ininum ang laman ng baso. "Whoa, Autumn. Parang ikaw na ulit ang Autumn 2 years ago."

Hindi ko pinansin si Summer. Uminom lang ako ng uminom. Wala akong pakialam kung titigan nila ako o kung mag-isip sila ng kung anu-ano.

"I think she's broken hearted again."

I remained silent. All I want is to ease the pain that I'm feeling right now.

"Autumn," I looked up at Winter. Sa kanilang tatlo, she's the only one who can understand how painful it is.

"Yeah, you're right, Winter." I know what she was thinking, that's why I said those words.

"Wait, tell us. Hindi 'yong kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan."

Tumayo ako sa pagkakaupo ko. "Get out of my room, now. Matutulog na ako." Hindi ko na sila hinintay na makalabas.

Dumeretso na ako sa kama ko at nahiga. Nagtaklob rin ako ng kumot at ipinikit ang mga mata.

"I'm going back to Korea, gusto ko nang iwan ang lahat dito sa Pilipinas. Tatapusin ko lang itong buwang na 'to at aalis na ako. I don't want to see you again, Autumn. You're making things complicated. Nang dahil sayo, nasisira kami ni Clinn. So, please. Huwag mo na akong lalapitan o kakausapin."

Naramdaman ko na naman ang pagpatak ng mainit na likido sa pisngi ko. Ang sakit. Dumapa ako sa pagkakahiga ko at niyakap ang malaking unan.

Khaine, mahal na mahal kita.

***

NAGISING ako sa napakalakas na mga katok mula sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pagkatok at muling pumwesto para matulog.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nawala na ang malalakas na katok pero hindi pa man lumilipas ang limang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Nakatalikod ako sa pinto nitong kwarto ko kaya hindi ko nakikita kong sino ang walanghiyang sumira ng pagtulog ko, pero base sa amoy ng pabango nito ay alam kong si Summer ang pumasok.

"Hey, sleepy head. Aren't you gonna fix yourself? It's already 9 am and you're supposed to go to school." I rolled my eyes mentally.

"Get put of my room, Summer. Inaantok pa ako." Tamad na sagot ko dito at hinila ang kumot para magtaklob. Hindi ako nagtagumpay na gawin ito dahil malakas na hinila ni Summer ang kumot.

"At bakit?" I glared at her. "Just get out pf my room now, Summer." Puno ng awtoridad na saad ko rito. Wala siyang nagawa kung hindi ang lumabas ng kwarto.

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon