[Part XIX; Chapter XVI] Confrontation

424 21 1
                                    


AUTUMN's POV

ANOTHER Monday, maganda ang naging gising ko dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari.

-

Pagkababa ko mula sa veranda, paalis na rin sana ako pero naabutan ko si Khaine na nakasandal sa kotse niya. Hawak niya rin ang kaniyang ulo at unti-unti itong minamasahe.

Kaagad akong lumapit sa kaniya. "Hey, Khaine. Are you okay?" Sa pag-angat niya ng tingin sa'kin napansin ko kaagad na namumutla ito.

"Hey, what happened?" Umiling siya bago ngumiti. "Okay lang ako, sumasakit lang ang ulo ko." Siguro may mga bagay na namang nagfaflashback sa isipan niya.

"Ihahatid na kita, ipapakuha ko na lang kay Eric ang kotse mo." Saad ko bago siya inalalayan patungo sa kotse ko.

Habang nagmamaneho ako, tahimik lang siya. Bahagya ko siyang sinulyapan, nakapikit ito at parang mas lumalala ang pgsakit ng kaniyang ulo.

Itinabi ko ang kotse dahilan ng pagmulat ng kaniyang mga mata. "Bakit?" Takang tanong niya ng mapansin na wala pa kami sa bahay nila.

"Mukhang hindi ka okay, e. Let me massage your head." Kaagad kong tinanggal ang seatbelt ko at umayos ng pwesto paharap sa kaniya.

"H-huwag na. Kaya ko na 'to. Ayos lang naman ako." Napangiti ako dahil bakas na bakas sa kaniyang mukha na nahihiya siya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinanggal ko ang kaniyang kamay at sinimulan ko ng hilutin ang kaniyang ulo.

Nakatingin lang rin ako sa kaniya habang si Khaine ay pilit na iniiwasan ang mga tingin ko. Sobrang ganda niya lalo na sa malapitan.

She's beautiful as always. Dalawang minuto ko na rin hinihilot ang kaniyang ulo. "Masakit pa ba?" Bahagya itong tumango sa 'kin.

Tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Napababa naman ang tingin ko sa kaniyang labi. Bahagya akong napalunok. I missed those lips. I wanted to kiss her. I wanted to feel her lips against mine.

I didn't realize that our faces would be close, that there was only a small distance between the two of us. I was so carried away by the fact that I missed her and that I wanted to kiss her.

I smiled as Khaine closed her eyes. I couldn't control myself anymore, and I just closed my eyes as our lips touched.

Not only that, but I started kissing her. I smiled in my mind as I felt her returned the kiss. God, I miss her so much.

I want her to remember me more than this.

We quickly let go of each other when Khaine's cell phone rang loudly. Tsk! "S-sorry." Kinuha niya ang kaniyang cell phone at sinagot ang tawag.

"C-clinn.." Ini-start ko ang makina matapos kong marinig iyon. Epal talaga. "Yes, I'm on my way home. I-I'm with Autumn. Yes. Okay. Bye."

Matapos niyang makipag-usap ay tumahimik na lang siya hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Bago siya tuluyang makababa ay pinigil ko muna siya.

"A-about what happen-" pinutol na niya ang plano kong sabihin. "S-sorry about that. It's a, uhm. Never mind. Thank you for bringing me home, Autumn. Ingat ka."

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon