[Part VI; Chapter III] The long wait is Over

647 34 1
                                    


AUTUMN's POV

NAGISING ako sa maingay na tunog ng cell phone ko. Kinapa ko ang kaliwang bahahi ng aking kama at pikit matang sinagot ang tawag nang makuha ko na ang cell phone kong panay pa rin ang tunog.

"Good morning, Miss Autumn."

Base sa kaniyang boses alam kong si Eric ang tumawag. "What is it this time, Eric?" Inaantok na tanong ko sa kaniya. He chuckled from the other line.

"Wake up Miss Autumn, its already 8 in the morning. May meeting ka pa mamayang 10 am with Senior Pablo's new business partner."

Oh, crap! I forgot. Ngayon nga pala 'yon. "Alright. Thanks, Eric." I ended up the the but I remained my eyes close. Inaantok pa ako dahil late na akong natulog kagabi.

I'm still wondering who's old man's new business partner. Actually, wala talaga akong balak tanggapin ang trabahong ibinigay ni Lolo sa'kin.

But he begged me to accept it, since dito na rin sa pilipinas nakabase ang bagong business nila.

Hindi ko rin alam kung bakit, pero wala sa linya ni Lolo ang Toy Business. Ewan ko ba sa matandang iyon.

Basta ang sinabi niya lang, he loves to see children having fun with their toys. Napabuntong hininga ako nang imulat ko ang mga mata ko.

Imagine, dahil lang sa kagustuhan niyang nakikitang nagsasaya ang mga bata sa mga laruan nila, naisip niyang magtayo ng panibagong business?

Sinong nasa matinong pag-iisip ang gagawa noon? Pwede naman niyang i-donate na lang ang mga pera niya kung wala na siyang mapaglagyan.

And besides, ako pa talaga ang pinaghahawak niya, 'e pwede naman niyang iwan na lang sa magiging business partner niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at naghanda ng pagkain.

"Good morning, Autumn." Tinanguan ko lang si Manang Fe. I was wondering what Yaya Nena's doing right now.

Matapos kong kumain at magkape ay bumalik na ako sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo.

***

At exactly 10 am ay nandito na ako L.S Coffee Shop. "Good morning, Ma'am." Tinanguan ko ang guard at kaagad naman niya akong pinapasok.

Umakyat ako sa third floor ng coffee shop kung saan puro VIP ang nag-ookupa. "This way, Ma'am." Sinamahan ako ng isang crew hanggang sa dulong bahagi ng third floor.

"Mr. Park is waiting for you Ma'am." Natigilan ako sa sinabi ng crew. Park. Hindi ko na namalayan na umalis na ang crew.

Kumatok ako sa pintuan na nasa harapan ko bago binuksan ito at pumasok. Nakatalikod sa gawi ko ang isang lalaki.

Tahimik akong naglakad palapit sa kaniya. Tanging ingay lang ng heels na suot ko ang naririnig ko ngayon.

"Good morning, Mr." Tumayo ang lalaki at humarap sa'kin. Hindi ko alam pero napatitig na lang ako sa kaniya.

"It's nice to see you again, Miss Dela Vega." Nakangiting bati niya sa'kin. He extended his hands so I took it to shake hands with him.

Is this for real? He's here, so thats means. Totoong nandito nga si Khaine. "Please take a sit, Miss Dela Vega."

Tumango ako sa kaniya at naupo. Ganoon rin ang ginawa niya. Malawak ang ngiti nito sa 'kin. "So, how are you Miss Dela Vega?"

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon