[Part XX; Chapter XVII] Her Memories

437 20 0
                                    


KHAINE's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Miss Jereen, she invited me to her party. As of now I'm with The Royalties and Four Seasons. Pero wala si Autumn.

I don't know where she is. Clinn is not here, she came back to Seoul since may pinapaasikaso sa kaniya ang kaniya Papa.

Hours had passed until I saw Miss Jereen talking to someone. And that someone is Autumn. My heart race fast again the moment her eyes landed on mine.

Naglalakad na siya palapit sa amin at naupo sa katabi ko matapos makipagbatian sa kanila. "Hi." I smiled at her. "Hi." I replied. Awkward.

Nakipagkwentuhan muna ako sa kanila pero naiilang ako dahil nakatitig sa'kin si Autumn. Hindi ako assuming sadyang nakikita ko lang siya sa peripheral vision ko.

"Kung nakakamatay lang ang tingin, hindi ko alam kong sino ang unang mamamatay sa inyong dalawa."

Biglang saad ni Summer sa mapang-asar na boses and that makes me uncomfortable. "Don't mind them Shane, mga abnormal na naman ang mga iyan."

Sa paglipas ng mga oras, ang ilang tao ay umalis na rin. Halos mga kaibigan at kabatch na lang nila Miss Jereen ang nandirito.

As of now nandito ako sa veranda sa second floor. Kasama ko si Winter. Kanina pa kami nandito at kung anu-ano na rin ang napag-uusapan namin.

"Winter, paano kung hindi na bumalik ang mga alaala ko?" Tanong ko sa kaniya, for me kasi alam kong malaki ang parte ni Winter sa buhay ko pero hindi ko pa rin maisip kung ako.

"Wala tayong magagawa roon, Khaine. Malungkot oo, pero as long as you're okay walang problema." Seryosong sagot niya sa 'kin.

Nanahimik lang ako. Babalik pa kaya ang mga nawalang alaala ko?

"Stay away from her or lets-."

Argh! No, gusto kong maalala pero may parte sa'kin na ayoko na rin. Pakiramdam ko ay napakalaki ng magbabago kapag bumalik na ang memorya ko.

"Khaine.."

Nilingon ko naman si Winter pero hindi na naituloy ang sadabihin dahil tumunog ang cell phone niya.

"Hello, yes. Okay, I'll be there."

"Khaine, sorry. But I need to go. Please tell them na mauuna na ako." Bakas sa boses ni Winter na nagmamadali ito, bakit kaya?. "Okay, ingat." Sagot ko na lang.

Dito na muna ako magpapahangin, wala rin naman akong gagawin sa baba dahil ayoko ng uminom medyo marami na rin ang nainom ko kanina at busy rin naman sila Trianah sa mga girlfriend nila.

"So, you're here." Sa pagkarinig ko ng boses niya nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng maupo si Autumn sa tabi ko.

"Yeah, malamig ang simoy ng hangin e."

I forced myself to smile and looked at the stars. "Ang ganda nila no?" Saad ko para itago ang kabang nadarama. "Yes, sobrang ganda." Bahagya kong nilingon si Autumn na dapat pala ay hindi ko na ginawa.

Umiinit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula na naman ako. Mabilis akong umiwas sa mga titig niya. Ibinalik ko sa mga bituin ang atensyon ko at ganoon na lang rin ang ginawa niya.

Halos ilang minuto na rin ang lumilipas pero pareho pa rin kaming tahimik.

"Please remember me, Khaine." Mahinang saad niya makalipas ang ilan pang minuto, ibinaling ko sa kaniya ang atensyon ko pero tahimik pa rin ako.

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon