[Part VIII; Chapter V] Truth Hurts

665 28 1
                                    


AUTUMN's POV

"Excuse po Ma'am, pero hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Hindi ko rin po sinabi sa inyo ang pangalan ko kahapon pero paano niyo ako nakilala?"

"Hindi ko po kayo kilala, kaya sa palagay ko po Ma'am ay wala tayong dapat pag-usapan."

Napabalikwas ako ng bangon dahil napanaginipan ko ang mga sinabi ni Khaine kahapon.

Ano bang nangyari? Posible kayang nagkaroon ng amnesia si Khaine dahil sa nangyari 2 years ago?

I need to talk Mr. Park. I need to ask him about Khaine. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kong anong oras na.

7 am na pala. Tumayo na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. "Where are you going, Winter?" Tanong ko sa kaniya nang maabutan ko siyang pababa ng hagdan.

"I'm going to see Khaine." Tipid niyang sagot sa'kin. "What? What are you planning to do Winter?"

Huminto sa pagbaba si Winter at nilingon ako. "I'll talk to her. You know that I'm not giving up on her, Autumn."

Oh shit' I almost forgot. "Winter, don't make a scene." Banta ko sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin at tuluyan ng umalis.

Tsk! "So, the rivalry begins, eh." Psh! Hindi ko pinansin si Summer at nagtuloy-tuloy na ako sa pagbaba ng hagdan.

"What are you planning to do, Autumn. I'm sure, mag-sstay rito si Winter dahil nandito si Khaine."

Yeah, naisip ko na rin 'yon. But I won't give up on Khaine. Now that she's here, I'll pursue her no matter what happened.

I love her. At kahit na sino o kahit pa si Winter, hindi ko hahayaan na mawala pa ulit sa'kin si Khaine.

"Pupunta ka ba sa university?" Tumango lang kay Summer. Nagtimpla ako ng kape at tahimik na naupo.

Think, Autumn. Kailangan mong mag-isip kung ano ang gagawin mo. I sighed. Tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko
Matapos kong magkape.

Naligo ako at kaagad na nagbihis pagkatapos. I put some light make up and after that I'm done.

"Aalis na ako, Summer." Tumango lang ito sa'kin na busy makipag-usap sa cell phone. Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa university.

By 9 am ay nakarating na ako at halos lahat ng klase ay nagsisimula na. Habang naglalakad ako sa hallway, natanaw ko ang ilang culinary arts students.

Wala pa siguro silang klase. Bago ako dumeretso sa opisina ay pumunta muna ako sa Culinary arts building para tingnan si Khaine.

Pero katulad kahapon, wala na naman siya sa room nila. Napailing na lang ako bago bumaba ng building.

"Good morning Miss Autumn." Bati nang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Simpleng ngiti lang ang isinisukli ko sa kanila o di kaya naman ay tatanguan ko lang sila.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

I took my phone out of my pocket to check the text message that I received.

Autumn's Undying Love (Four Season Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon