"Ana!" sigaw ni Rofel mula sa labas na umalingawngaw hanggang dito sa loob ng kuwarto ko.
Pinagbuksan ko na siya agad ng pinto bago pa niya magiba ang aking pintuan.Base sa itsura niya, naka-Marites mode on na naman siya. Sa ganitong oras ng umaga may nasagap na siya agad na tsismis ja dahilan ng pagpunta niya dito.
"Alam mo ba!" wika niya at kahit kinakapos pa ng hininga ay sinimulan ng mag-kuwento!
"Hindi pa," sarkastiko kong sagot.
"Eto naman, eh, 'yong crush mo simula pagkabata na si Kuya Andrew."
Inirapan ko siya."Oh ano'ng meron?" walang interes kong tanong sa kaniya.
"Bumalik na siya dito sa lugar natin. Kanina habang naglalakad ako papunta sa may bakery para humili ng pandesal. May nakita akong magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila," excited niyang kuwento.
Tinignan ko lang ang kaibigan ko. Kunwari wala akong interes sa sinasabi niya kahit pa ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Ngumisi ang kaibigan ko. Sinuri niya ang aking mukha. Nananantya at tila binabasa ang laman ng aking isipan.
"Matagal na panahon na 'yon no," asik ko sabay irap.
"Talaga? Bakit parang namula ka?" pang-aasar niya sa'kin.
"Hindi ako namula, no. Pinkish white lang talaga ang balat ko," pagdadahilan ko.
"Pinkish white, your face."
"Hindi nga ako apektado," naiiling kong sagot.
"Okay. Dapat lang na 'di ka na maapektuhan do'n. Sinaktan ka niya noon."
Pinaalala pa talaga ang bagay na matagal ko ng kinalimutan. May kirot pa din akong nararamdaman tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko na lang pinahalata sa kaibigan ko na apektado ako.
Kahit ang totoo ay ramdam ko pa din ang tila pagkapunit at pagkapira-pirado ng aking puso.
The pain serves as a warning or reminder.
MAAGA akong nagising kinaumagahan. Espesyal na araw ito ngunit pakiramdam ko ay hindi na espesyal.
Siguro sa nakaraang limang taon ay inaasam at inip na inip ako sa paghihintay na dumating ang araw na 'to pero ngayon ay hindi na.
Bumuntong hininga ako at marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig.
"Ana, bumangon ka na riyan at magsisimba tayo!" sigaw ni Nanay sa labas ng pinto.
Tahimik lamang ako na bumangon at diretso na sa banyo. Araw ng linggo ngayon at nataon pa na kaarawan ko.
Sa simbahan ay nakatuon lamang ako sa altar at tahimik na nagdasal. May tumabi sa'kin sa gilid kaya naman umusod lang ako ng kaunti. Punuan kanina ang simabahan kaya naman hiwalay ang upo ko kina nanay at tatay. Kami ng kapatid ko ang magkatabi sa ibang hilera.
Nang nasa Ama Namin na ang parte ng misa ay nagulat ako ng hawakan ng katabi ko ang kamay ko. Nilingon ko siya at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino.
Nginitian niya ako ng signature na makalaglag panty niyang ngiti. Seryoso lamang ako at hindi ko na siya pinag-aksayahan pang suklian siya ng ngiti. Agad kong binalik ang tingin ko sa harap.
Nang mag-peace be with you ay hindi ko na din siya tinapunan ng tingin. Patawarin sana ako ng Diyos dahil kahit sa simbahan ay nakakagawa ako ng kasalanan.
Nang matapos ang misa ay mabilis pa sa alas-kwatro akong naglakad palabas ng simbahan.
Sa labas ng gate ko na lang hinintay ang nanay ko dahil ang kapatid ko ay nakita ang mga kaibigan at sumama na sa mga ito.

BINABASA MO ANG
KUYA ANDREW
RomanceTrese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya. Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nit...