8 Double date

1.3K 91 0
                                    

"Goodmorning," nakangiting bati ng magnanakaw sa akin pagkaupo ko sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Gaya ng sinabi niya kahapon siya ang maghahatid sa amin ni Rofel. Ang aga niyang nagpunta sa bahay.

Palihim ko siyang inirapan. Kung wala lang si Rofel ay baka nahampas ko na siya dahil sa ginawa niya kahapon.

"Mukhang napuyat ka, a?" sabi niya ulit pero hindi ko siya pinansin. Papansin ang lalakeng 'to.

"Tiyak na napuyat ka dahil sa-"

"Tumigil ka na nga. Isa!" mariin kong bulong sa kaniya pero agad sumabad ang kaibigan ko.

"Ano iyan?"

"Wala!" naiinis kong sagot. Ngiting-ngiti naman si Andrew sa tabi ko kaya sa bintana na lang ako tumingin. Ang aga niyang manira ng araw. Buti na lang at may silbi pa siya kahit paano.

"Ang sungit," bulong niya sa aking tabi pero hindi ko na siya pinag-aksyahan pang tignan lalo at nakisali na sa pang-aasar sa si Rofel.

"Isang halik mo lang, Kuya Andrew, mawawala yang pagsusungit niya sa'yo," sabi ng kaibigan ko na kinasamid ko.

Humalakhak naman si Andrew kaya hindi na ako nakatiis pa. Matalim ko siyang tinignan.

"Huwag mo akong pakatitigan. Alam kong guwapo ako," pang-iinis niya na kinatili ni Rofel. Tuwang-tuwa ang loka.

"Ayiieh! Syete! Naiihi ako," tawang-tawang sabi niya.

"Akala ko ihi ko na lang ang nagpapakilig sa akin. Hindi pala."

Humalakhak si Andrew. Sige, magsama pa kayong dalawa!

"Ang ganda ng kaibigan ko di ba, Kuya Andrew?"

Deadma ako sa usapan ng dalawang kasama ko kahit pa namumula na ako sa inis dahil pinag-uusapan nila ako.

"Oo nga, e. Dati pa naman siyang maganda. Pero ngayong nagdalaga na siya, sobrang ganda na niya."

Umikot ang aking mata. Buti na lang at malapit lang ang mall at hindi ko kailangang magtiis ng matagal sa nakakarinding lalakeng 'to.

Kunwari wala na lang akong narinig. Pagkahinto ng kaniyang sasakyan ay nakahinga ako nang maluwag.

"Goodluck," sabi niya pagkatanggal ko ng suot kong seatbelt.

Sa halip na magpasalamat ay inirapan ko siya.

"Magnanakaw," bulong ko bago ako tuluyang bumababa ng kaniyang sasakyan. Tawang-tawa siya habang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Ano iyon?" Tanong ni Rofel.

"Wala!"

"Ano'ng wala? Narinig ko ang sinabi mo. Sinabihan mong magnanakaw si Kuya Andrew. Ano'ng ninakaw niya?"

"Wala iyon."

"Hindi ako naniniwala. Ano nga iyon?"

Hindi ako umimik. Binilisan ko pa ang paglalakad pero sinabayan lang ako ni Rofel habang hindi matigil-tigil sa katatanong niya.

"Teka. Tama ba ang nasa isip ko? Ninakawan ka niya ng halik? Tama ba?"

"Uy!"

Tumili na siya. Buti na lang at wala pang gaanong tao, nakakahiya sana.

"Hinalikan ka niya? My goodness! 'Yung first love mo ang first kiss mo."

"Tumigil ka na nga, Rofel!"

Humalakhak lang siya.

"Grabe! Kuwento mo sa akin mamaya ha."

Kinakalabit niya ako. "Oo na. Mamaya pagkatapos nating mag-intro."

MALAKI ang mga ngiti namin sa labi paglabas namin ng opisina ng HR. Okay na. Kailangan na lang naming kumuha ng mga requirements para makapagsimula na kami sa trabaho.

Bukas na lang daw kaming maglalakad ng requirements, sabi ni Rofel. May time pa naman sana kami kaso nag-aaya na mag-window shopping.

Hindi pa nga nakakapagsimula sa trabaho pero mukhang pagkakagastusan na agad ang nasa isip.

Laking gulat ko nang makapasok kami ng mall at nakita ko ang boyfriend ni Mimi kasama si Dan.

Pabiro akong siniko ni Rofel sabay bulong. "Kilig yarn?"

Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi niya dahil nakalapit na sa amin ang mga lalake. Nginitian ako ni Dan bago inabot ang aking kamay.

Magkahawak kamay kaming naglakad hanggang sa isang restaurant kasama sina Rofel at boyfriend niya na pati ata hangin mahihiya dahil sa pagkakadikit nila sa isa't isa.

Nakapag-order na ang mga kasama ko, habang ako naman ay wala pang napipiling kainin. Ang mahal kasi. Two hundred fifty ang pinakamura na meal, wala akong mahanap na tag-isang daan.

Nagkamot ako ng batok. "Gusto mo ba ng steak?" marahang tanong ni Dan sa aking tabi.

Bago ko pa masabi na huwag na, nasabi na niya sa waiter.

"How about your drinks, Ma'am," tanong ng waiter.

"Gusto mo ng shake?" tanong ulit ni Dan sa akin.

"Oo, favorite niya ang avocado shake," singit naman ni Rofel.

"Avocado shake," sabi ni Dan sa waiter.

Matalim kong tinignan ang kaibigan pero muli na niyang binaling sa kaniyang nobyo ang atensyon.

Sumandal ito sa braso ng nobyo.

Habang hinihintay namin ang order namin ay napapatingin ako sa buong paligid. Mula kanan patungong kaliwa pero agad napako ang aking paningin sa pamilyar na mukha.

Nandito si Andrew kasama ang isang babae! At hindi lang ito bastang babae. Kilala ko siya.

Kilala ko ang babaeng kasama niya.
Anak ito ng Mayor sa kabilang munisipalidad. She was Andrew's ex lover.

Are they back together?

Well, they look good together. Bagay sila. Parehas na wild sa kama.

Bakit ko alam?

Madalas siyang puntahan ng babae noon sa bahay nila. At minsan ko na din silang nasaksihan na nagtatalik. Hindi ko naman sinasadya na makita sila habang ginagawa nila ito.

And I was only fourteen that time. It was the first time I got to see with my own naked eyes Andrew's big penis. First time kong makakita ng pututoy. At pututoy pa ni Andrew!

Nakakatakot ang laki, pero ang kasama niya'y tila sarap na sarap habang nakapasak ito sa kaniya. She was panting. Moaning. Tila siya nahihirapan at nasasarapan ng sabay. Didn't know it was possible to feel it at the same time, pero iyon ang nakikita kong reaksyon niya noon.

Nag-iwas ako nang tingin at ininom ang tubig na nasa baso. Napangalahatian ko agad ito.

Mula noon, hindi na ako pumupunta pa sa bahay nina Andrew. Nagtaka na din ang mga magulang ko noon dahil sa loob ng isang linggo, nasa bahay lang ako pagkatapos ng eskwela.

Sinasabi ko na busy lang ako sa mga assignments ko sa school.

Pero ang totoo'y nasaktan ako sa nasaksihan ko.

Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni Andrew kahit na wala naman talaga kaming relasyon.

Pinuntahan na din ako noon ng kapatid ni Andrew sa bahay. Akala daw nila may sakit ako kaya hindi na ako pumupunta.

Nang sumunod na araw, nagpunta din si Andrew sa bahay para tanungin kung may sakit daw ba ako.

May dala pa siyang candy noon at barbie doll. Tingin talaga niya sa akin isa akong bata, pero dahil gustong-gusto ko siya, tuwang-tuwa ako sa pagbisita niya at dalang regalo.

Sinubukan kong kalimutan ang malaswang nasaksihan ko.

Siguro kapag lumaki pa ako, gagawin din namin iyon ni Andrew, 'yan ang bagay na tumatakbo sa aking isipan noon.

KUYA ANDREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon