3 Dare

1.3K 98 0
                                    

Alas-nuebe na sa orasan ng mahiga ako sa sahig na sinapinan ko ng comforter. Si Andrew naman ay busy sa kaniyang celphone. Marahil ay ka-chat niya ang gf niya na naiwan sa Italy.

Tahimik lamang ako na nahiga. Inabot ko din ang aking celphone at naglaro ng candy crush.

Wala naman akong boyfriend at hindi din ako mahilig makipag-chat. Ang mga kaibigan ko naman ay mga busy sa kani-kanilang mga boyfriend.

"Bakit diyan ka nahiga?" tanong niya nang mapansin ako.

"Obviously, hindi tayo puwedeng magtabi sa iisang kama," tugon ko bago binaba ang aking celphone at umayos ng higa patalikod sa gawi niya.

"Pero mas komportable ka dito."

Napairap ako. Hindi nga puwede!

Pipilitin ko nang matulog bago siya maunang matulog. Baka mamaya multuhin pa ako. Naku!

Komportable naman ang kinahihigaan ko, pero hindi naman palagay ang utak at puso ko na nagwawala dahil sa lalake na kasama ko sa kuwarto.

MAAGA akong nagising kinaumagahan dahil sa s-in-et kong alarm sa aking celphone. Kailangan kong umuwi ng maaga. Kailangang maaga ako sa mga Marites sa labas.

Tinupi ko ang comforter na ginamit ko at pinatong ito sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Andrew. Mahimbing ang kaniyang tulog. Nakabukas ang kaniyang bunganga at bahagya pang nakabukaka.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata ng dumako ang aking tingin sa gitna ng kaniyang hita. May suot ito na boxer short pero hindi maitatanggi na sa loob nito nagtatago ang isang malaki at galit na galit na ahas.

My virgin mind!

Tumalikod na ako bago pa madagdagan ang masamang naiisip ko.

Pumasok ako sa loob ng banyo at nagmumog. Pagkatapos ay tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Hindi maganda kung makikita ako ng mga tao sa labas tapos nakasuot ng damit panlalake.

Kumuha ako ng blouse at pants do'n sa mga binili para sa'kin ni Andrew kahapon.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong umalis ng bahay niya. Luminga-linga pa ako bago ako tuluyang lumabas ng gate.

Mahirap ng ma-tsismis, lalo na kung hindi naman totoo. Tulog lang ginawa ko at wala ng iba pa.
Hindi na ako ang batang si Ana na desperada sa pagmamahal niya.

Kung bakit kami magkasama magdamag ay dahil lamang sa baha. At magkasama kami kahapon dahil galante lang ito dahil birthday ko. Tulad ng dati, nakababatang kapatid lang ako para sa kaniya.

Close ako sa pamilya nila. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. 'Yun lang 'yun.

'Di naman ako papatulan nu'n.

Gaya ng sabi niya kagabi ay makakahanap pa ako ng iba.
Mukhang wala na talaga akong pag-asa na makapasok sa puso niya. Kahit dalaga na ako at malayo na sa batang nagkakagusto sa kaniya five years ago.

Che! Ano ba ang tingin niya sa akin? Na patay na patay pa din ako sa kaniya hanggang ngayon? Napakadaming lalake diyan. Hindi lang siya ang lalake sa buong mundo at mas madami pang nakakahigit sa kaniya no.

Dahan-dahan ang aking mga hakbang dahil maputik ang daan pauwi. Mabuti at tumigil na ang ulan at bumaba na ang tubig sa daanan.

Naghahanda na ng hapag si nanay pagdating ko.

"Mano po, 'Nay."

"Oh, mabuti naman at inagahan mo ng uwi," wika nito.

"Kung puwede ko nga lang lusubin ang baha kagabi 'nay eh baka umuwi na ako kagabi pa lang," wika ko naman.

"Baka nga tuwang-tuwa ka do'n," sabad ng kaibigan ko na siyang kina-irap ko. Ang aga naman ng babaeng 'to.

Agad ko siyang hinila papuntang sala bago pa niya dagdagan ang pinagsasabi niya.

"Hindi na ako ang batang babae na desperada kay Andrew, no?" mahinang asik ko dito para hindi marinig nina Nanay.

"Eh, 'di sige. Hindi ka na bata at desperada," sarkastiko nitong sambit. Kontra-bida talaga.

"Ang aga-aga mo," puna ko sa kaniya.

"May lakad kasi tayo, pinag-paalam na kita kay tito sa labas," excited na sagot niya.

"Kumain muna kayo, bago kayo gumala," tawag sa amin ni Nanay.

May swimming kasama ang boyfriend ni at barkada. Hindi naman close ni Rofel ang mga maaarteng mga nobya ng kaibigan ni Mike na boyfriend niya kaya sinama niya ako.

May single daw sa grupo at ipapakilala ako, para magka-boyfriend na ako.
Kung makaapura akala mo naman nalipasan na ako ng panahon.

Masayang kasama ang grupo ng boyfriend ni Rofel. Maarte nga ang mga girlfriends ng mga ito pero tolerable naman kahit paano.

Pinakilala din kami sa isa't isa ng kaibigan nilang single. His name is Dan. He's attractive. And very much single.

His nice at agad nakapalagayan ng loob. Nang nakarami na siya ng nainom, naging madaldal na siya.

Nalaman ko na galing siya sa break up. Dahil hindi niya kaya ang long distance relationship- hiniwalayan niya ang nobya ng piliin ang career niya sa ibang bansa.

Napa-throwback tuloy ang isip ko ng wala sa oras. Parang similar ang storya niya sa amin. Kaso 'yon nga lang ay ako lang naman ang umasa noon. At walang kami noon ng umalis siya. Maybe I was too young then, that I misinterpreted Andrew's gesture.

Nang padilim na napagkasunduan namin na maglaro muna ng walang kamatayang truth or dare.

Naging maingay tuloy dahil sa hiyawan at tawanan dulot ng alak at excitement sa laro.

Lahat may kaniya-kaniyang partner maliban sa amin ni Dan na single.

At ako lang ang kj sa grupo dahil hindi ko ginagawa ang mga dare nila sa tuwing natatapat sa akin ang bote.

"Ang daya!" Kinakantyawan na nila ako, pero wala akong pakialam.

"Last inom mo na 'yan. Sa sunod kailangan mo ng gawin ang consequence," sabi ng isang babae na halatang napipikon na.

Okay. Malakas na din siguro ang loob ko dahil sa nainom ko mula pa kanina.

Nang inikot niya ang bote, halatang-halata na sinadya niyang matapat ito kay Dan.

"Truth or dare?" tanong nila habang nakatunghay silang lahat sa kaniya.

"Dare?" game na game na sagot ni Dan.

"Kiss the girl who you find attractive."

What? Ang unfair. Lahat ng mga babae sa grupo namin may jowa na except sa akin. Unless may ibang girls pa sa ibang cottage.

But obviously, para sa akin ang dare na iyon. Umasim ang mukha ko. Nagtawanan na ang grupo at kinakantiyawan ako na duwag daw ako.

"Kahit sa pisngi lang. Ang kj mo talaga!" Kantiyaw din ni Rofel sa akin.

Pisngi lang naman pala, e. Sinensyasan ko si Dan na halikan ang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin at agad dinampian ng halik ang aking pisngi.

KUYA ANDREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon