Matapos naming kumain ay nanood kami ng movie. It was a romance movie na pinagbibidahan ng mga kilalang artista sa Pinas.
Si Rofel ang pumili ng movie, mahilig kasi siya sa drama. Sana hindi ako makatulog sa panonood dahil hindi ko talaga gusto ang ganitong plot.
It's about infidelity.
Magsisimula na ang movie nang makita ko si Andrew kasama ang babae. Paakyat sila ng hagdan at mukhang dito pa sa malapit sa amin pupuwesto.
Wish ko lang na sa kabilang hilera. Sa likod o sa harapan na namin uupo pero hindi! Sa tabi ko siya umupo. Ang babaeng kasama niya ay sa gilid niya.
Sa kaliwa ko nakaupo si Dan. Sa tabi naman niya ang kaniyang kaibigan, tapos si Rofel.
Ay, nakakainis naman!
Ngayon pa lang hindi na ako komportable. At nasisiguro ko ring hindi ako makakatulog dahil sa pagkaasiwa sa katabi kong magnanakaw.
Nanuyo ang lalamunan ko kaya inabot ko ang tubig para uminom. Inumang naman ni Dan ang popcorn na hawak niya sa kamay.
Kakain na lang siguro ako para hindi ma-bored at kahit paano may mapagtuunan ng pansin.
Dumilim na ng tuluyan ang paligid. Magsisimula na din ang palabas. Dinig ko ang malanding boses ng babae na bumubulong kay Andrew.
Napapataas ang kilay ko. Hindi sila dapat sila dito sa sinehan nagpunta kung magkukuwentuhan lang sila.
Nagsimula ding lumamig ang paligid. Pinagdikit ko ang aking dalawang palad. Ramdam ko ang mga tingin ni Andrew sa akin pero kahit lingon sa kaniya ay hindi ko ginawa.
"Are you cold?" tanong ni Dan sa akin. Nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga.
"Hindi naman," bulong ko pabalik.
Dinig ko ang pagtikhim ni Andrew ng dalawang beses. Kaya lihim akong napairap.
Binigay sa akin ni Dan ang dala niyang jacket. He's always prepared. Ang bango ng kaniyang jacket kaya pasimple ko pa itong inamoy sa bandang kanang balikat.
Pumalatak si Andrew pero hindi ko pa din siya pinansin.
"I'm cold," mahinang sambit ng babaeng kasama ni Andrew. Pasimple akong tumingin sa kaniya. Nakita ko ang paghawak niya sa kamay ni Andrew at dinala sa kaniyang balikat.
Paano kasi sa mall pupunta, pero suot pang-swimming.
Nakatutok ang aking mga mata sa palabas pero ang utak ko naman ay kung saan na nakarating.
Nakikiramdam din ako sa aking katabi. Akala mo bubuyog na kanina pa nagbubulungan. Naiirita na talaga ako.
Pinagkiskis ko ang aking dalawang palad nang mas lalo pa atang lumamig ang paligid.
Tinignan ako ni Dan. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri.
Tumikhim ang magnanakaw pero hindi ko pa din siya pinansin.
NANLALAKI ang mga mata na nilingon ko siya nang basta na lang niyang hawakan ang isang kamay ko.
Pasimple kong hinila ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Mas lalo ko pang nilakihan ang mga mata ko, muling hinila ang aking kamay pero hindi man lang siya natinag.
Kinalas ko muna saglit ang kamay ko na hawak ni Dan. Tumagilid ako nang kaunti bago ko pasimpleng kinurot sa may hita si Andrew. Dinig ko ang mahinang daing niya pero hindi pa din niya ako binitawan.
Hinampas ko ang kaniyang hita bago muling kinurot pero natigilan ako nang maramdaman na hindi ang hita niya ang nakurot ko kundi ang itlog yata niya!
Bahala ka diyan. Napakamanyak mo kasi. May kasama ka na ngang babae hinaharot mo pa ako. Walang hiya ka talaga!
Dumaing siya at binitawan na ang kamay ko. Buti naman. Baka suntok na ang abutin sa akin ng pututuy mo.
"Are you okay?" tanong ng babae sa kaniya.
Tumikhim siya bago sumagot. "Y-Yeah, I'm fine," tugon niya.
"Are you sure?" tanong ulit ng babae.
"Are you sure?" panggagaya ko sa malanding boses niya pero bulong lang at baka marinig niya ako.
Hawak na ulit ni Dan ang isang kamay ko. Hindi na din naman na ulit nagbalak pa si Andrew na muling hawakan ang kamay ko.
Nang mabuksan ang ilaw sa loob ng sinehan dahil tapos na ang palabas ay napansin ni Rofel si Andrew.
"Kuya Andrew, nanood ka din pala," pansin niya dito.
Ngumiti si Andrew at tumango.
"Magkatabi kayo?" manghang tanong niya sa amin. May pagdududa sa kaniyang mukha. May malisya.
"May kasama siyang date," sabad ko bago pa siya dalhin sa kung saan ng kaniyang malikot na imahinasyon.
Napa-o siya at tumango na lang. Pinakilala niya ang kaniyang nobyo kay Andrew at maging si Dan ay pinakilala din niya.
"Manliligaw ni Ana," pagpapakilala niya. Naglahad ng kamay si Dan, tinanggap naman ito ni Andrew.
Ang babae ang nagpakilala ng kaniyang sarili dahil mukhang wala namang plano si Andrew.
"I'm Andrew's ex," sambit niya. O, nakakapagtaka at ex ang pakilala. Ex with benefits? Mukhang ganu'n na nga.
Lumabas kami ng sinehan, nag-aya na munang kumain ang mga lalake bago kami pauwiin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Andrew dahil kung saan kami kumain du'n din sila.
Sa katabing table sila naupo ng kaniyang ka-ex with benefits.
Maingay kaming kumain dahil sa mga kalokohan ni Rofel. Nakakatuwa din ang kaniyang nobyo dahil joker. Na siyang sinasabayan din ni Dan sa mga kalokohan niya.
Pumara sila ng taxi na maghahatid sa amin pauwi. Hindi na kami nagpahatid pa.
"Naniniwala ka bang mag-ex ang mga iyon?" Sabi na nga ba at kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ng kaibigan ko.
"Aba, malayo ko! Ano bang paki natin sa mga iyon?"
"Ito naman, parang nagtatanong lang naman nakasinghal agad."
"Ano'ng nakasinghal? Hindi kaya!"
"Palibhasa kasi affected ka pa din kay Andrew. Pasabi-sabi ka pa na wala ka ng feelings para sa tao."
"Totoo naman na wala na."
"Naku, Ana! Kaibigan kita. Hindi mo ako malilinlang. Alam ko naman na may pagtingin ka pa din du'n, pilit mo lang tinatago. Pero nang matikman mo ang halik niya, tiyak na bumalik ang lahat ng damdamin mo du'n sa tao." Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay.
"Ewan ko sa'yo, Rofel! Kung ano-ano ang iniisip mo. Wala na akong nararamdaman du'n sa tao. Kung meron di sana apektado ako na may ka-date siya."
Tumango siya. "Kungsabagay, okay naman si Dan. Babaero talaga si Kuya Andrew, no. Habulin talaga ng mga babae. Kita mo at pati ex niya binabalikan siya. Magaling siguro 'yun sa kama at- aray!"
"Bunganga mo," saway ko sa kaniya sabay tingin sa taxi driver.
"Oh, bakit? Sabi nila kapag malaki daw ang ano ng lalake at magaling ang performance hindi daw basta-basta nakakalimutan ng babae."
Masama ko siyang tinignan para patigilin siya. Nakakahiya kay manong driver. Kababae naming tao tapos ganiyan ang usapan.
BINABASA MO ANG
KUYA ANDREW
RomanceTrese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya. Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nit...