Nakaalis na ang mga magulang ko pero si Andrew ay nanatiling nakaupo. Wala pa yatang plano na umalis.
Hindi ko naman pwedeng palayasin dahil ayaw kong maging bastos sa kaniya.
Naupo na lang din ako sa tapat niya. Walang imik at nakikiramdam.
Bumuntong hininga siya.
"Kumusta ang pag-apply mo ng trabaho?" tanong niya pagkatapos ng ilang minuto ng pananahimik.
"Ayos naman, bukas mag-i-intro kami ni Rofel sa mall," maiksing sagot ko. Tumango siya at saglit na nag-isip bago muling nagsalita.
"Ako na ang maghahatid sa inyo bukas," prisinta niya na kinangiwi ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at ganito ang inaasta niya.
"Huwag na. Maaga kami bukas," pagdadahilan ko. Sana ma-gets niya ang ibig kong sabihin.
"E, 'di aagahan ko kayong ihatid."
Talaga naman. I groaned inwardly. Annoyed at him.
"Wala ka bang ibang gagawin sa buong bakasyon mo?" I asked a little bit annoyed.
"Wala naman. Ang original plan ko ay ihatid at sunduin ka sana pagpasok mo sa school."
Natahimik ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin ang sinabi niya o kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi.
Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang paninitig niya sa akin.
Ngayon, hindi na talaga ako komportable pa. Hindi pa din ba siya aalis?
Natahimik kami parehas. Mabuti na lang at nag-text si Dan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakaabalahan.
Tinatanong ako kung kumusta ang pag-apply ko sa trabaho. Agad akong nag-reply. Naagaw ulit ang pansin ko nang tumikhim si Andrew.
"Sino ang ka-text mo?" tanong niya na kinakunot ng aking noo. Bakit niya tinatanong? Sino siya para magtanong ng gano'n?
"Manliligaw ko," buong pagmamalaki at may ngiti kong sagot.
"Iyong kasama mo sa mall kahapon?" Tanong niya na kinatigil ko. Nakita niya kami? Nandu'n din ba siya sa mall kahapon?
Tumikhim ako. "Oo, ang guwapo niya, no?" nakangiti kong tanong pero tanging simangot lang ang sinagot niya.
"Mas guwapo pa nga ako doon," sibangot niyang sagot kaya iningusan ko siya.
"Pero mas bata naman," pambabara ko para manahimik na siya. Talagang nagawa pang ikumpara ang sarili du'n sa tao. May sapak ata ang taong 'to.
"Oo nga, mukha pa siyang totoy."
Nakasimangot ko siyang tinignan. Talagang ayaw paawat. Ngumisi siya nang makita niya ang aking reaksyon.
"Syempre, bata pa ako. Hindi naman nagkakalayo ang age gap namin."
Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin.
"Hindi marunong magseryoso ang mga lalakeng nasa ganu'ng edad," banat ulit niya. Lumaki ang butas ng aking ilong at kaunti na lang magbubuga na ako ng apoy dahil sa inis sa kaniya.
Ano ba ang ginagawa ng lalakeng ito at pati manliligaw ko pinapakialaman?
"Ah, talaga ba? Base on experience ba iyan?" pang-aasar ko sa kaniya pero sa halip na maasar nakuha pang ngumisi.
"So, hindi ka pa ba naka-move on sa akin?"
Aba!
"Bakit may past ba tayo? Naging tayo ba?" nakataas kilay kong tanong. Kaunti na lang sisipain ko na 'to palabas ng bahay namin.
Nagkibit balikat siya kaya sinamantala ko iyon para magsalita ulit.
"Palibhasa babaero ka kasi kaya ganiyan sinasabi mo. Tandang-tanda ko pa ang pangalan ng mga babaeng nagpupunta noon sa inyo at nagsusumbong sa mama mo," bulalas ko nang sumagi sa isip ko iyong mga babae niya nu'n na tinataguan niya.
Nakakaawa sila dahil umiiyak sila sa mama niya noon. Sinasabi na may nangyari sa kanila at pagkatapos nu'n tinaguan na sila ni Andrew.
Kakaloka! Bakit ko ba nagustuhan ang playboy na 'to noon?
Ngising-ngisi na siya ngayon sa nakikitang itsura ko.
"Talagang tinandaan mo ang mga pangalan nila, ha? Selos na selos ka ba noon?" mayabang niyang tanong na nagpakulo ng aking dugo.
"Selos na selos? Hah! Di hamak naman na mas maganda ako sa kanila, no?! Kaya nga di mo ako nagustuhan kasi ang hanap mo ay hipon. Kain katawan tapon ulo..."
Inirapan ko siya.Wiling-wili ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
"Ano?! Di ka na nakaimik diyan?"
Humalakhak siya. "Ang cute mo, Ana..."
Pinaikutan ko siya ng mata.
"Tama ka, wala nga silang panama sa taglay mong ganda."
"Che!" Inirapan ko lang siya para ikubli ang pamumula ng aking mukha dahil sa sinabi niya.
Naging awkward na naman dahil sa pamumuri niya at ang malagkit niyang pagtitig sa akin, kaya muli ko na lang tinuon ang aking mata sa celphone ko para basahin ang reply ni Dan.
Napangiti ako dahil nag-send siya ng kaniyang picture. Ang pogi niya talaga. Sa pagkakangiti ko hindi ko namalayan na tumulo na ang laway ko.
Buseet! Pero dahil si Andrew lang naman ang nandito wala akong pakialam kahit pa nakita niya iyon.
Narinig ko ang palatak niya pero irap lang ang sinagot ko sa kaniya.
"Makauwi na nga. Hindi na ako pinapansin ng dalagang binisita ko," pagpaparinig niya.
So, dalaga na pala ang tingin niya sa akin ngayon at hindi na bata ha.
"Sige, uwi ka na. Gusto ko nang pumasok ng kuwarto ko. Hindi na din kita mae-entertain dahil mag-video call kami ni Dan," pagtataboy ko sa kaniya.
Tumayo na siya kaya tumayo din ako para ihatid ko na siya hanggang pinto para masigurong aalis na siya.
Pagdating sa hamba ng pintuan ay tumigil siya sa paglalakad. Ngumiti siya sa akin kaya naman muli ko siyang inirapan.
"Pustahan tayo," aniya.
"Ano?" tanong ko habang nakapamewang.
"Ako ang iisipin mo sa magdamag at hindi iyong totoy mong manliligaw."
"Pinagsasabi mo? Huwag kang mangarap ng gising, Kuya Andrew."
Hindi siya umimik pero sa halip ay nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Dahil mas matangkad siya sa akin ay bahagya siyang yumuko.
"Ano-" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang maglapat ang kaniyang labi sa aking mga labi. Hindi na ako nakakilos dahil sa pagkabigla.
Nagtagal pa ng ilang segundo ang pagkakalapat ng aming mga labi bago siya tuluyang lumayo at tumayo ng tuwid.
Wala akong imik at awang pa din ang aking labi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
Ngumiti siya. "Huwag mo ako gaanong isipin, okay?" aniya at nagsimula nang humakbang palabas.
"Magnanakaw ka!" sigaw ko sa kaniya pero tawag lang ang narinig ko mula sa kaniya.
Buisit na lalakeng iyon!
Nakakainis!
Padabog kong sinarado ang pinto at tuloy-tuloy na nagmartsa hanggang sa aking silid.
Walang hiya! Ninakaw niya ang first kiss ko!
Nagpatibuwal ako sa kama at nagpagulong-gulong sa inis.
Hindi ko namalayang hawak ko na ang aking labi. Marahang hinaplos at pilit dinadama ang kaninang labi na lumapat dito.
Ang babaero na iyon. Inorasyunan ata ako dahil tiyak na siya at ang malambot niyang labi lang ang tanging maiisip ko sa buong magdamag.
BINABASA MO ANG
KUYA ANDREW
RomanceTrese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya. Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nit...