5 Date

1.2K 97 0
                                    

SA MALL entrance ako hinintay ni Dan. Parang nag-iba ang itsura niya ngayon sa aking pangingin.

Nakasuot siya ng branded na tshirt at kupas na maong na tinernuhan niya ng puting rubber shoes. Sa isang kamay niya ang may hawak siyang maong jacket.

Ang guwapo niya sa ayos niya ngayon. Mukha din siyang mabangong-mabango. Kalmado ang kaniyang mukha at wala man lang mababakas na pagkainip kahit n kanina pa siya naghihintay sa akin.

"Hi, pasensya ka na kung pinaghintay kita ng matagal," sabi ko pagkalapit ko sa kaniya. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

"It's okay. Biglaan naman ang pag-aya ko sa'yo kaya ayos lang na maghintay. Worth it naman ang paghihintay ko. Ang ganda mo," puri niya bandang dulo. Magaling siyang magsalita.

Kalma, self. Baka madala ka agad, e, first date niyo pa lang, paalala ko sa sarili ko.

Keme akong ngumiti sa kaniya.

"Saan tayo?" tanong ko dahil hindi ako komportable na pinupuri ako.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Oo."

"Manood na muna tayo ng sine," aya niya. May plano to, isip-isip ko.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko na kinagulat ko.

"Sorry," hingi niya ng paumanhin. Agad niyang binitawan ang kamay ko.

"Ayos lang. Nagulat lang ako," nakangiting sagot ko. Ako na mismo ang humawak ng kaniyang kamay na kinangiti niya ng malapad.

Hindi naman siguro masama na mag-holding hands kahit na wala namang relasyon.

Wala naman sigurong Marites na nakakakilala sa akin dito.

Ang napili naming movie ay about superheroes, dahil mga romance at R18 kasi ang ibang mga palabas na pagpipilian. Gusto ko sana itong panoorin dahil ang bumidang aktres ay gusto ko, kaso hindi naman ako komportableng panoorin ito na kasama si Dan, kaya napagkasunduan namin na ito na lang ang panoorin. Sa susunod na lang siguro. Isama ko na lang ang so Rofel. Tiyak na gusto niya din itong panoorin.

Mukhang hilig din naman ni Dan ang ganitong palabas, kaya ayos lang. Mas okay na to kaysa horror movie.

Bago kami pumasok sa loob ng sinehan ay bumili muna kami ng snacks.

Bandang gitnang bahagi ang upuan namin ni Dan. Hindi pa man nagsisimula ang pinapanood namin ay ramdam ko na ang lamig mula sa air-conditioning ng buong sinehan.

Manipis ang suot kong blazer na pinatong ko sa suot na spaghetti sando ko sa loob.

Binalewala ko ang lamig at sinikap mag-focus sa panonood at pagkain ng fries. Paborito ko pa man din ang cheese flavor. Kailangan ding bilisan ng kainin bago pa ito mangulubot dahil sa lamig ng aircondition.

Nasa kalagitnaan na ang aming pinapanood ng maramdaman ko ang kamay ni Dan sa aking balikat.

Akala ko inakbayan niya ako pero binigay pala niya sa akin ang dala niyang jacket.

"Alam kong lalamigin ka kaya nagdala ako nito," sabi niya. Kahit madilim ang paligid ay malinaw na malinaw kong nakita ang mapuputi niyang ngipin habang nakangiti sa akin.

Oh! Ang sweet naman. Sarap pisilin ang pisngi.

Dagdag one point ka na sa akin.

Unconsciously, dinilaan ko ang aking ngipin. Baka nagkulay orange na ito dahil sa cheese.

Muli niyang tinuon ang kaniyang atensyon sa movie. All I thought kaya niya naisipang mag-aya na manood ng sine dahil plano niyang um-score pero hindi naman pala.

Distracted na ako. Wala na ang isip ko sa palabas kundi sa katabi ko.

Pagkalabas namin ng sinehan ay tinatanong niya ako tungkol sa pinanood namin. Kung ano ang paborito kong part o ano ang masasabi ko about sa movie.

Kinabahan pa ako sa sagot ko dahil wala naman talaga ang utak ko sa pinapanood namin.

"Mukhang hindi ka naman nanood, e. Mas nag-enjoy ka pa ata sa pagtitig sa akin," biro niya na kinapula ng mukha ko.

Hindi ako nakaimik dahil totoo naman kasi. Huli! Guilty, your honor.

Nakakahiya! Tumawa siya. Good thing at hindi na niya ako inasar pa. Baka mag-walk out talaga ako.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sabay ng paghawak niya ng aking kamay.

Sa food court ko siya inaya dahil plano kong i-treat siya. Siya na ang gumastos kanina kaya ako naman ngayon.

Nag-unahan pa kaming mag-abot ng bayad kanina sa kahera. Dahil siya ang lalake, ang perang nasa kamay niya ang inabot ng kahera.

Sa lahat-lahat, masasabi ko na nag-enjoy ako sa date namin ni Dan.

"Ihatid na kita sa inyo," prisinta niya.

Malayo pa ang uwian niya kaya naman tumanggi na ako.

"Hindi na." Baka abutan siya ng traffic at ano'ng oras na siyang makauwi niyan.

"Okay. Ihatid na lang kita sa sakayan ng taxi," aniya ng hindi niya ako mapilit sa gusto niya.

Ha? Pang-jeep nga lang ang badget ko, e. Umiling-iling ulit ako.

"Ako na ang bahala sa pamasahe mo."

Nakakahiya kaso mapilit siya. Magkahawak kami ng kamay hanggang sa pilahan ng taxi.

Siya na ang nagsabi sa driver ng address ko. Inabutan niya ako ng nakalukot na tag-iisang daan. Nang una siyempre tumanggi muna ako.

Tumawa siya. "Ang cute mo. Sakay na."

Naupo na ako sa backseat ng taxi. Hindi pa niya agad sinara ang pinto.

"Manong, ihatid niyo po siya ng maayos sa kanila, ha," bilin niya sa driver. Ngumiti si Manong driver saka sumagot ng oo.

"Ingatan niyo po siya, mamahalin ko pa po 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako nakaimik dahil bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya sa driver, na hindi ko alam kung biro ba o trip lang niya.

"Ingat," baling niya sa akin. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa aking pisngi. Natulala ako lalo. Bago pa ako makapag-react ay nasara na niya ang pintuan ng taxi.

Nagsimula ng tumakbo ang taxi. Hindi ko naman inalis ang tingin ko kay Dan. Nakita kong dinukot niya ang kaniyang celphone mula sa bulsa. Ilang segundo lang ay tumunog ang celphone ko.

Nagtext siya. "Text me when you got home."

Kagat labi akong nag-reply sa kaniya.

"Okay. Take care."

Kilig na kilig ako. Kung mag-isa lang ako baka nagtitili na ako sa tuwa.

Yes! Sa wakas, magkaka-boyfriend na din ako!

Sure akong siya na. Hihintayin ko na lang na magpaalam siyang manligaw.

Papaligaw ako sa kaniya mga one month, tapos sasagutin ko siya agad-agad.

KUYA ANDREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon