6 Bwisita

1.2K 92 0
                                    

"Kumusta ang date niyo?" tanong ni Rofel pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pintuan ng aking kuwarto.

Nginitian ko siya dahilan para tuksuin niya ako. Bago pa siya magpagreact ay hinila ko na siya papasok ng kuwarto ko.

"Nagkiss kayo agad?" tanong niya na kinairap ko.

"Huwag mo nga akong igaya sa'yo," pambabara ko sa kaniya.

"Siya, hindi na ako magtatanong. Balitaan mo na lang ako kapag kayo na," aniya bago binuksan ang kaniyang bag at nilabas ang make up kit niya.

Mag-a-apply kami ng trabaho ngayong araw. Sana nga lang ay matanggap kami agad sa unang pagpapasahan namin ng resume para hindi kami mapagod ng husto.

"Dalian mo na kaya. Ang kupad mong kumilos," pagmamadali na sa akin ni Rofel. Nakabihis na ako. Mahaba at makapal kasi ang buhok ko kaya hirap akong patuyuin.

Tinapat ko ang dulo ng buhok ko sa electric fan habang pinupunasan ito ng tuwalya.

Nang masigurong wala ng tumutulong tubig, agad kong dinampot ang bag ko at suklay. Sa daan na lang ako magsusuklay. Alas-sais y media pa lang naman pero atat na atat na 'tong kasama ko.

May convenience store naman sa baba ng building nang pag-aapply-an namin ng trabaho kaya du'n na lang kami mag-agahan mamaya, huwag lang kaming maipit sa traffic.

Paglabas namin ng bahay ay sakto namang dumaan ang sasakyan ni Andrew.

Napangiti ako sa loob-loob ko nang mapagtanto ko na hindi ko man lang siya gaano naiisip mula nang dumating siya. Maganda talaga na may pinagkakaabahalan ako.

Which only means that I am already over him. Kung sabagay, bata pa kasi ako noon. Hindi talaga pagmamahal ang naramdaman ko sa kaniya. Siya lang kasi ang lalakeng may matinong mukha noon dito kaya naman hinangaan ko talaga siya.

Akala ko lalagpasan kami ni Andrew pero bigla niyang hininto ang kaniyang sasakyan sa tapat namin ni Rofel.

"Saan kayo pupunta?" tanong niya. Hindi ako sumagot.

"Mag-apply kami ng trabaho, Kuya," sagot ni Rofel habang pasimple niyang sinisiko ang aking tagiliran.

Ano na naman ba?

"Sumabay na kayo," sabi ni Andrew kahit hindi pa naman alam kung saan kami pupunta.

Nakita ko ang parating na tricycle kaya agad ko ng inangat ang aking kamay pero mabilis akong hinila ni Rofel at agad tinulak sa passenger seat, halos sumubsob ang mukha ko sa upuan.

Gusto ko siyang murahin sa inis pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Goodvibes lang dapat.

"Seatbelt," sabi ni Andrew. Nang masuot ko ang seatbelt ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan.

"Ang aga niyo, ha. Nag-almusal na ba kayo?" tanong niya.

"Hindi pa, Kuya," sagot ni Rofel.

Sa kadaldalan niya halos ikuwento na niya ang lahat.

Nagtaka ako ng iliko ni Andrew ang sasakyan papuntang drive thru ng isang fastfood.

"Ano'ng gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Burger lang at fries, Kuya. Sa akin kape, kay Ana, hot chocolate lang dahil hindi siya nagkakape."

Tumingin sa akin si Andrew. Para bang naghihintay siya ng kompirmasyon sa akin kung okay sa akin ang sinabi ni Rofel.

"Wala ka ng idadagdag?" tanong niya sa akin, kaya umiling ako. Kapag kumain ako ng madami baka pumutok na tong suot kong pencil cut skirt.

Naglabas ako ng isang daan pagkatapos ay tinignan ko si Rofel sa likod. Pero ang loka, hindi man lang gumalaw.

"My treat," sabi naman ni Andrew nang makita ang hawak kong pera sa kamay. Nakakahiya pero ayaw ko ng magpabebe pa.

"Thank you," pasalamat ko. Kahit pano nakatipid kami ni Rofel.

Nang makuha ni Andrew ang inorder na pagkain, inabot niya ang kay Rofel. Ang sa akin naman ay inisa-isa niyang inabot. Ang drinks ay nilagay niya sa gilid ng upuan at nilagyan ng straw.

Nahinto ako sa pagkagat sa burger dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa likod at nakita ko nga ang may malisyang tingin at ngisi ni Rofel sa akin.

"Thank you," muli kong pasalamat kay Andrew. Nang maubos ko ang fries at burger, inabot niya sa akin ang drinks.

Bakit ba ako pinapakialaman ng lalakeng 'to? Hindi na lang niya pakialaman yang pagda-drive niya.

"Bakit ka mag-a-apply ng trabaho, di ba dapat nag-aaral ka pa?" tanong niya.

Dapat nag-aaral pa nga sana ako ngayon. Napabuntong hininga ako.

"Hindi na ako kayang pag-aralin ni Tatay dahil nagkasakit siya, kaya kailangan niyang huminto sa trabaho," malungkot kong tugon.

"Puwede mo namang ituloy ang schooling habang nagtatrabaho," sagot niya. Saglit akong sinulyapan bago binalik ang tingin sa harapan.

"Kailangan kong tumulong sa gastusin sa bahay." Wala na akong planong pahabain pa ang sagot ko. Tumango siya at hindi na ulit nagtanong pa sa akin.

Paminsan-minsan nagsasalita siya kapag tinatanong siya ng kaibigan ko.

"THANK you," pasalamat ko ng makababa ako ng sasakyan niya. Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Tumango siya at ngumiti.

"No worries. Goodluck." Tumango ako pagkatapos ay tumalikod na. Seven thirty na. May thirty minutes pa kami bago makapasok sa building.

Sa harap ng post ng dalawang guard ay may ilang mga tao na nakatayo doon. Naka-corporate attire sila kaya natitiyak kong mga aplikante din sila.

Pumila na din kami doon ni Rofel habang tahimik na nagdadasal na sana ay matanggap kami ngayon sa trabaho.

Inabot kami ng ala una bago kami naasikaso ng HR. Mabuti na lang at natanggap kami. At bukas ay pinag-i-intro kami sa mall na in-assign sa amin ng agency. Hindi pala ganu'n kadali ang pag-apply dahil madami pang kailangang asikasuhin bago tuluyang makapasok o makapag-start.

Kapag natanggap kami ng HR sa mall bukas, requirements naman daw ang susunod.

Goodluck sa amin ni Rofel. Parehas pa man din kami shunga minsan.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami ni Rofel sa mall na aapplyan namin bukas.

Hahanapin namin kung saan ba ang employees entrance para hindi na kami mapagod sa paghahanap bukas.

Nang makita na namin ay napagpasiyahan naming mananghalian na muna.

Madalian lang kaming kumain. Kailangan pa naming mag-prepare para bukas. Sabi ng HR kanina pagbutihin daw namin dahil ang HR daw ng mall kung saan kami ia-assign ay may pagkamataray.

PAGPASOK ko ng bahay ay saglit akong nagulat nang makita ko si Andrew. Nakaupo siya sa upuang kawayan namin. Kasama niya ang magulang ko at masaya silang nagkukuwentuhan.

Napansin ko din ang ilang mga eco bags at paper bag na nakalapag sa sahig.

Nang mapansin niya ako ay binati niya ako.

Tuwang-tuwa si Nanay. Siya na ang nagsabi kung bakit nandito si Andrew. Dumating daw ang pina-balik bayan box niya. Ang iba sa laman ay galing pa sa mga magulang at kapatid niya, pinabibigay sa amin.

Nagpasalamat ako at sinabi kong magbibihis na muna ako. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ulit ako ng kuwarto.

"Anak, sasaglit lang kami kay Mareng Bertud. Birthday kasi niya, kanina pa text ng text. Tiyak naman na ayaw mong sumama kaya ikaw na lang muna bahala dito sa Kuya Andrew mo," bilin ni Nanay.

Sinulyapan ko si Andrew ng bigla itong tumikhim.

"Okay po, 'Nay, ako na ang bahala kay Kuya Andrew," ngiting-ngiting sagot ko. Umigting ang panga ni Andrew at kita ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresiyon.

KUYA ANDREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon