4 Drunk

1.1K 94 0
                                    

Habang lumalalim ang gabi at padami nang padami ang alak na naiinom ng aming grupo ay mas nadagdagan pa ang ingay at tawanan.

Ang mga babae ay may mga tama na ng alak dahil nakasandal na ang mga ito sa kanilang mga nobyo.

Nakaramdam na din ako ng pagkahilo. Pero dahil wala akong jowa, sinandal ko na lang ang aking likod sa sandalan ng kinauupuan ko.

Matino pa din naman ako, iyon nga lang hindi ko sure kung may kwenta pa ba ang mga sinasabi ko at kung tama pa ba ang sinasagot ko sa mga kasama ko.

Habang tumatagal parang nagiging guwapo pa lalo sa aking paningin si Dan.

"Swimming na ulit tayo," aya ko dahil kung iinom ako ng iinom, baka kung ano pa ang magawa ko na baka pagsisihan ko kinaumagahan.

Sumang-ayon naman ang mga kasama ko. Tumayo na din ako. Dahil hindi maayos ang pagkakatayo ko, mabilis akong inalalayan ni Dan.

Ngumiti ako. Unconsciously, I tap his shoulder repeatedly.

Para na akong tanga.

Mukhang kailangan kong magbanyo para bumaba ang aking tama.

"Banyo lang ako," paalam ko.

"Kaya mo ba? Samahan na kita," prisinta ni Dan pero hinindian ko.

'Di naman kalayuan ang banyo mula dito. May kaunti pa naman akong katinuan sa utak kahit may tama na ng alak.

Nagbanyo ako at paglabas ko ng banyo may grupo ng mga kalalakihan na nakatayo sa labas.

Ngumiti sila. "Hi, kanina ka pa namin napapansin. Ang ganda mo, Miss," sabi ng isa na may bahid ng kamanyakan ang ngiti sa kaniyang labi.

Hindi ko sila pinansin. Humakbang na ako pero pinigilan ako ng isa.

There are four of them towering over me. Nakaramdam ako ng kaba.

"B-bitawan mo ako!"

Pero tumawa lang sila. Hinila ko ang aking kamay na mahigpit niyang hawak.

Nakainom pa man din ako, wala akong gaanong lakas sa katawan para protektahan ang sarili ko o kaya kumaripas ng takbo palayo sa kanila.

Akmang sisigaw ako ng bitawan ako ng lalakeng may hawak sa akin. Nakatingin silang lahat sa aking likuran kaya napalingon din ako.

Lasing yata ako. Si Andrew. Si Andrew ba 'to?

Kinusot ko pa ang aking mga mata.

Siya nga!

Nagmamadali nang umalis ang mga lalake. Thank goodness at hindi nila naisipang makipag-away pa dahil ano'ng laban ni Andrew sa kanila.

Madilim ang mukha ni Andrew habang nakasunod ang kaniyang tingin sa mga lalake.

Hinawakan niya ako sa braso at hinila paalis.

Glad that he came. Pero hindi naman niya ako kailangang hawakan pa ng mahigpit. At teka! Sa'n ba niya ako dadalhin?

"Ano ba!" pigil ko sa kaniya habang hila-hila ako. Nalagpasan namin ang mga kasamahan ko. Nanlaki ang mga mata ni Rofel nang makita kami.

The others look bothered, lalo na ang mga kalalakihan. May sinabi si Rofel sa kanila, bago bumaling ulit sa akin sabay ngisi.

"Iuuwi na kita," sabi ni Andrew habang patuloy sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa isang kiosk. May mga tao doon, dalawang lalake at may kasamang mga kapareha.

Nakangiti sila nang makita ako. Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti sa kanila kahit pa naiinis ako sa pangangaladkad ni Andrew sa akin dito.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, gusto mo pa din siya hanggang ngayon noh?" pangungulit sa akin ni Rofel.

"Hindi nga," masungit na sagot ko dahil sa kakulitan niya.

"Weh, kilig na kilig ka nga kagabi eh," pang-aasar pa niya. Paanong kilig na kilig. Hindi ba niya nakita ang mukha ko kagabi habang kinakaladkad ako ni Andrew.

Hindi man lang niya ako nilapitan para awatin si Andrew sa pag-uwi sa akin dito sa bahay.

"Lasing ka na. Lasing na din ang mga kasama mo. Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" 'Yan ang litanya ni Andew habang nakikipaghilaan ako sa kaniya kagabi.

Hinayaan ko na lang. Gusto ko na ding matulog kagabi dahil sa nainom kong alak.

Gulat na gulat pa sina Nanay kagabi nang dumating ako.

Sinabi ni Andrew na sinabay na niya ako pauwi kagabi. Pagmamay-ari pala ng kaibigan niya ang resort na napuntahan namin. Buti at nasabi niya, dahil baka iisipin ko na sinundan niya ako.

"Deny pa more," pang-aasar ni Rofel.

"Hindi nga sabi, eh. Saka ang tagal na nu'n baka nga may girlfriend ko asawa na iyon na naiwan sa abroad."

"Kung wala, may pag-asa pa, ganu'n?"

Tinigil ko ang ginagawa ko at matamang tinignan si Rofel..

"Sabi na eh, gusto mo pa din siya," pambubuyo niya. "Mukha namang may gusto din siya sa'yo, e. 'Di ba, pinigilan niya ang kiss niyo ni Dan kagabi."

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Pero hindi. Malinaw naman ang sinabi niya noon na hanggang kapatid na babae lang ang turing niya sa akin.

Ilang taon na din ang nakalipas mula noon. Baka nga may asawa siya at anak. Hindi lang niya sinasabi.

At saka bakit ko ba siya iniisip? Hindi puwedeng bumalik na naman ang dating pagtingin ko sa kaniya.

Ayaw kong hamakin ang sarili ko dahil lang sa lintik na pagtingin na kailanman ay hindi masusuklian.

Tumunog ang celphone ko kaya naman agad ko itong tinignan kaysa pagtuunan ng pansin ang mga pinagsasabi ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga ito. Alam naman niya ang pinagdaanan na sakit ng batang puso ko. Tapos ngayon, parang gusto pa akong ibuyo sa Andrew na iyon.

Nag-text si Dan. Inaaya akong gumala. Wala namang masama kung sumama ako sa kaniya para mas makilala ko pa siya. Baka mag-work kami. Baka siya na ang tinadhana sa akin.

"Umalis ka na. Aaalis ako ngayon," pagtataboy ko sa kaibigan ko. Agad sumama ang timpla ng kaniyang mukha sa sinabi ko.

"Naku. Kita mo 'to. Kapag nagka-boyfriend ka na siguradong itsapwera na din ako sa buhay mo," kunwaring nagtatampong sabi niya.

"Ewan ko sa'yo! Panay sulsul mo sa akin na makipag-date, tapos ngayon na gustong lumandi ng kaibigan mo para magkajowa na. Kumokontra ka." Namewang ako sa harapan niya.

"Oo na nga. Sige na. Mamaya mo na ako paalisin. Tutulungan kitang mag-ayos. Ang pangit pa man din ng porma mo minsan." Nalait pa ako.

"Gandara. Umikot ka habang kinukuhanan kita ng video, dali!"

Sinunod ko ang sinabi ng kaibigan ko. Isang mabagal na ikot ang ginawa ko.

"Oh! Pak! Gandara. Kaibigan ko iyan."

Pinulot ko na ang bag ko dahil baka matatagalan lang ako dahil sa kaniya. Nakakahiya naman baka maghintay ng matagal sa akin si Dan.

Gusto niya akong sunduin dito sa bahay pero sabi ko hintayin na lang niya ako sa mall.

Paglabas ko ng bahay, agad na akong pumara ng tricycle papuntang sakayan ng jeep.

KUYA ANDREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon