Pagdating dito sa bahay nila ay ako na ang nagprisinta na mag-ayos ng mga groceries niya. Gaya ng dati nang nandito pa ang buong pamilya nila sa Pinas.
Isa-isa kong nilalagay ang mga de lata sa cabinet ng maramdaman ko siya sa likod ko.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil pakiramdam ko ay sinasadya niya ang mga ginagawa niya upang inisin ako.
Pagkatapos kong ayusin ang cabinet niya ay sinimulan ko na ding i-handa ang lulutuin na hapunan.
Sinigang na bangus ang ulam dahil tanda ko pa paborito niya ito. Katorse anyos lang ako no'n at pinilit ko pa si Nanay na turuan akong magluto ng sinigang na bangus.
Bitbit ko 'yon at masaya ako na nagpunta ng bahay nila. Natuwa pa si tita noon, na pinagluto ko sila ng anak niya ng ulam. Hindi nila alam para kay Andrew ang niluto ko na iyon.
Akala ko ng mga panahon na 'yon ay ayos lang na gumagawa ng effort ang isang babae para sa isang lalake.
Pero lately ko na lang napagtanto na hindi iyon gawain ng matinong babae. Desperada ang tawag sa mga 'yon.
Bakit ako nandito kung hindi ako desperada? Nandito ako kasama siya para patunayan na hindi na ako ang bata na kayang matunaw sa paglapit at paninitig niya.
"Huwag mong isipin na kaya kita ipag-luluto ay dahil katulad pa din ng dati. Pa-thank you ko lang ito dahil pinag-shopping mo ako," wika ko sabay irap. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"It's your birthday, gift ko na sayo ang pag-treat sayo para makapag-shopping ka," wika niya. Madami pa akong gustong sabihin ngunit pinili ko na lamang manahimik. Baka kung saan pa mapunta ang usapan at masabihan pa akong bitter.
"Okay. Thank you," tanging nasagot ko at agad ko ng sinalang ang kaserola sa kalan.
"Kumusta ka?" biglang natanong niya. Sa tagal na naming magkasama sa buong maghapon ay ngayon lang niya ako naisipang kumustahin.
"Well and good, as you can see," sagot ko.
"I'm sorry," wika niya. Mataman niya akong tinitigan.
"Sorry for what?"
Tahimik lamang siya at inabot ang mukha ko. Hinaplos niya ito ng marahan.
"Sorry for loosing contact for how many years?" tanong ko sa kaniya at mapait na ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin at sinimulan ng timplahan ang niluluto kong ulam.
"You're too young, back then," wika niya. Hindi ko na siya sinagot.
"I understand, no worries," sagot ko.
"I know galit ka da-
"Hindi ako galit. Naisip ko din na masyado pa akong bata ng panahon na 'yon. I'm just 14 years old."
Yumuko ako dahil pakiramdam ko bumalik ang pait na nararamdaman ko ng mga panahon na 'yon.
What am I doing here again? Huwag kang marupok, Ana! kastigo ko sa aking sarili.
Akala ko lang kasi puwede pang magbago ang pagtingin niya sa akin noon dahil sa mga I miss you niya sa chat after years o loosing contact.
Not until one day, bigla na lang siyang hindi nagparamdam. At ngayon babalik siya dito na hindi ko alam kung ano ba ang pakay niya sa'kin.
Na akala naman niya ay madadala niya ako sa pa-shopping-shopping niya na 'yan. Marahil salat kami sa mga materyal at pera pero marunong akong makuntento.
"Sorry," mahina niyang bulong.
"Ayos lang, mula noon tinanim ko na sa isip ko na maybe. You are not really for me." Ngumiti ako.
Inabot niya ang kamay ko at hinaplos niya ito gamit ng isa niyang palad. Sa kamay lang namin ang tingin ko at hindi ko na inabala ang sarili na tignan pa siya sa mukha.
"Makakahanap ka pa ng iba, Ana. You are beautiful and a great woman."
Hinila ko ang kamay ko at agad kong binalingan ang niluluto ko. Nang makita kong luto na ay pinatay ko na ang stove bago bumaling ulit sa kaniya.
"Luto na ang ulam, uuwi na ako."
Agad na akong naglakad papunta sa maindoor pero pagbukas ng pintuan ay bumungad sa'kin ang malakas na ihip ng hangin at malakas na bugso ng ulan.
Napalingon ako kay Andrew na nakataas ang kilay sa'kin. Na tila ba alam niya na ganito ang sitwasyon sa labas. Kahit hindi niya ako pigilan ay ang panahon ang pipigil sa'kin upang hindi umalis.
"Samahan mo na akong kumain," wika niya. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kusina at maghain ng hapunan.
Hindi din naman ako tinext nina nanay. Mukhang kampante sila kahit si Andrew ang kasama ko.
Napatili ako ng biglang namatay ang ilaw. Putcha! Brown out pa.
Para kaming kumakain ngayon sa isang romantic na candle light dinner.
Nangiti pa siya at mukhang gano'n din ang naiisip niya. Tahimik lamang ako habang maingat kong tinatanggal ang mga tinik sa ulam.
Hate ko talaga ang bangus dahil sa marami nitong tinik. Pero ayaw ko naman mag-inarte sa harap niya.
"May boyfriend ka na ba?" tanong niya bigla.
"Wala pa," sagot ko naman na hindi tumitingin sa kaniya.
"Mag-aral ka muna ng mabuti. And choose the man wisely," wika niya. Mahina akong natawa. Pagtingin ko ay seryoso siyang nakatingin sa'kin.
"Yeah. I probably would. You know, I had a bad taste for men," wika ko at bahagyang natawa.
Mukhang nainis siya dahil kumakain na siya ngayon nang mabilisan. Nailing naman ako at tinapos na ang pagkain ko.
Pagkatapos namin magligpit ng mga plato ay sa sala na muna kami tumambay.
May text na din galing kay Allan, ang kapatid ko na nagsasabing magpatila na muna ako ng ulan bago umuwi.
Nauna ko na kasing text na sunduin nila ako. Pero baha na daw ang daan. Mukhang dito pa ako matutulog nito. Hindi puwede!
"Gamitin mo na lang ang mga damit ko kapag nagpalit ka," wika niya.
Hindi pa bumabalik ang ilaw kung kaya naman ay natatakot pa ako na mag-isang pumunta ng kuwarto niya."Samahan mo ako," wika ko. Alam naman niya dati na matatakutin talaga ako.
"Sure, kung gusto mo samahan pa kita hanggang banyo eh," wika niya. Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapa-igik siya sa sakit.
"Suhestiyon ko lang naman," wika niya habang hinahaplos ang kinurot ko na tagiliran niya.
Bitbit ang flashlight ay pumasok na ako ng banyo. Hindi ko na ito sinara dahil natatakot talaga ako.
Sa gilid ng pinto ay nakatayo doon si Andrew. Sinabi ko na 'wag siyang aalis at magbantay lamang doon dahil natatakot ako. Lalo na at malaki ang bahay niya. Sa tagal din na walang tumira ay naging pugad na ito ng multo.
Pinupuntahan na lang ito ng caretaker isang beses sa isang linggo para linisin.
Mabilisan ang pag-half bath na ginawa ko. Mabilis ko din na sinuot ang tshirt at boxer shorts na pinahiram niya.
Hindi ko kasi ugaling magsuot ng hindi nalalabhan na bagong damit kaya naman pinili ko na lang na suotin ang damit niya.
"Are we sleeping in one room?" tanong niya habang inaayos ko ang buhok ko. Malamang na sa isang kuwarto lang talaga dahil nga natatakot ako.
"Natatakot ako, puwede mo naman akong ihatid," wika ko.
"Baha na sa labas," sagot niya at naglakad na papunta sa kaniyang king size bed.
Malapad at malaki naman ang kama niya. Hindi kami magdidikit, kaya hindi na din nakaka-ilang na magkatabi kami. Hindi naman totally na magkatabi dahil magkalayo pa din naman. Kumbinsi ko sa aking utak.
Ano ba yang iniisip mo, Ana? Matulog ka sa sahig kung hindi siya magkusa na sa lapag matulog.
BINABASA MO ANG
KUYA ANDREW
RomanceTrese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya. Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nit...