My Own Solace
DISCLAIMER: This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.✓
***
Ibinuga ko ang usok sa kawalan habang nakaupo sa isang bato at kasabay ng pagtanggay ng malakas na hangin ang ibinubuga ko papalayo.
Pinagpatuloy ko ang pagbubuga at tumitig lang sa alon ng dagat na kasabay ang lamig ng hangin.
Rinig ko ang tawanan nila Ate Ajax, Mama, at ang mga kamag-anak ko. Karapat- dapat ba ako bilang kamag-anak nila?
Sana nga kay Papa na lang ako pero ayaw ko na mang makasama ang bago niyang asawa. Mabait naman 'yung bago pero ayaw ko lang talagang palitan ang posisyon ni Mama, bilang ina namin ni Ate Ajax.
Masyadong komplikado ang buhay ko na pag may problema hobbit ko na talagang manigarilyo.
'Di alam nila Mama at Ate Ajax na may bisyo akong ganito. Dahil para sa kay Mama si Ate Ajax lang ang nagpa-accomplish sa kanya. Achiever si Ate Ajax sa school ng UNIVERSITY OF VARN at Modelo pa.
"You should stop that, nakakasama lang yan sa'yu" napatingala ako, kahit madilim sa banda ng inupuan ko ay kitang-kita ko kung babae o lalaki ba ito.
Sa nakikita ko, lalaki.
"Pake mo?" Pambabara ko.
Umihip na naman ang malakas na hangin at naamuy ko rin ang pabango nito. I automatically tilted my head at napakunot ang noo.
But before i open my mouth tinawag na siya.
"See you again VARNIANS"
NGUMISI siya at umalis papalayo. Sumama siya sa rival na basketball team ng CORNELIANS.
CORNELIANS siya?
Kaaway!? Magagalit sina Rodenzel sa 'kin pag nakita akong kasama ang isa sa mga CORNELIANS na malapit dito.
Tumunog ang selpon ko kaya kinuha ko ito sa aking bra, no choice na ka bestida ako.
Kaylee:
'Gagi, talo sila.'Napatingin ako sa banda ng mga CORNELIANS at masayang nag-uusap. Pumunta pala sila dito para makipagsaya, dahil sa pagkapanalo.
'Di ako pumunta ngayon because we're having an mini reunion. Nagpaalam naman ako sa kay Kaylee. May pustahan lang kami ni Rodenzel, the team captain of VARNIANS. Ang pinsan ko sa kapatid ni Papa si Tita Ally.
Tinago ko ang selpon ko ulit sa bra at tinapon ang upos na yosi at tsaka pinagpag ang sarili para tumayo.
Monday, pasukan at nagmamadali ako kahit 'di pa naman ako late.
"Una na po ako Ma" Pagpapaalam ko sa kay Mama. Gaya ng dati, tumango lang siya matapos ko ring magmano.
Nasa may pintuan na ako ng narinig kong nagpaalam si Ate na papasok na rin. I hate that words na sinasabi ni Mama kay Ate na 'di kaya sabihin ni Mama sa'kin.
"Alis na po ako Ma"
"Ingat, h'wag magpapagutom huh? Uminom ng maraming tubig. Mag-ingat sa daan"
I bit my lower lip at lumabas na ng bahay. Pumara ako ng traysikel papunta sa UNIVERSITY OF VARN.
Baliw na ba ako pag sabihin kong okay lang ang narinig ko? Na pantay ang pagtingin ni Mama sa aming dalawa ni Ate?
BINABASA MO ANG
My Own Solace (Devicillo Series #1)
RomanceDevicillo Series #1 Raniña Cunyado-just a little spark of love she only needs from her family. She needs attention that her family can't gave her. Lahat, kinakaya para sa sariling pagpapakatatag. Walang karamay. Walang nakikinig. At walang nagmamaha...