"Sorry for the trouble, nasaksihan niyo pa talaga 'yon" sumimsim ng kape si Ma'am Beatrice.
"O-okay lang po!"kabadong sabi ni Aki habang may pagsulyap pa siya sa'kin.
Nanghihingi siya ng tulong dahil nilalakihan niya ako ng mga mata at hindi pa natinag ay sinipa ako sa ilalim ng mesa.
Ibinalik ni Ma'am Beatrice ang tasa sa may desk niya. We are here in her office, talk about what happened earlier.
"Oo nga po, that's only small thing" sang-ayon ko at nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtango ni Aki.
"Hmm? Sure ba kayong dalawa?....baka takot lang kayong isumbong ang mga staffs ko at takot kayo na may maisasante dahil sa gawain nila?" hinhin niyang sabi.
Umiling kaming dalawa ni Aki, pero kalahati ng pagkatao ko ay may punto si Ma'am Beatrice. Ayaw kong maitanggal ang isa sa mga staffs rito lalo pa't naghahanap-buhay lang rin sila.
Tumikhim ako, kaya nakuha ko ang atensyon ni Ma'am Beatrice.
"Okay lang po talaga" sumulyap ako sa pulso kung saan naroon ang relo ko.
Gabi na pala?
"Uuwi na rin po kami, gagabihin na po kami sa daan" I awkwardly smile at her pero sinuklian niya parin kami ng ngiti at tango.
Una akong tumayo at sunod si Aki. Hanggang sa paglabas namin ay panay ang pagpapaumanhin ni Ma'am Beatrice.
Sumakay kami ng jeep bago pa magsarado ang mall, muntikan pa kaming hindi na makasakay dahil punoan ito dahil sabay pa kaming umuwi sa mga trabahante ng mall.
"Dito na ako Raniña. Magkakahiwalay na tayo ng daan" she gestured the right way saan patungo ang bahay nila habang nasa kanan ang amin.
"Sige, ingat!"
"Ingat!"
Patungo sa apartment at nilakad ko lang para man lang ay maka-exercise ako.
Hahawak na sana ako sa gate ng apartment ng biglang may narinig akong mga pamilyar na boses.
"Go home, Patricia o tatawagan ko si Ma'am-"
"Don't you dare do that Velro. I came here because...I want to court you!"
Nakita ko ang pamilyar na bulto ni Velro at ang nakatalikod na babae si...Patricia, nakapusod pa ang buhok niya at ganun parin ang suot niyang damit.
I closed the gate ng maayos akong nakapasok. Hawak ang sling ng bag ay dire-diretso lang ang lakad ko. I don't want to interrupt them.
"Ridiculous, go home or I tell your Tita" namamaos na boses ni Velro.
"V-velro!? I love you okay!? Pero why you just don't try. Malay mo mag work?"nanginginig na sabi ni Patricia.
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan dahil pumasok na ako sa apartment at naligo tyaka nagbihis para matulog na.
Maybe I talk Velro tomorrow about Ma'am Beatrice. Magkahawig Kasi talaga sila ni Tita Blenda.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Maraming tanong ang bumabagabag sa'kin. What if halikan siya ni Patricia? What if-
"Ahh!" Dahil sa Galit ko ay ginulo ko ang buhok ko.
"Nakakainis, I don't have rights to complain dahil walang kami!putcha!"
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tumingala sa kisame. Ano nga bang laban ko? Maganda 'yon, Mayaman at matalino. Malayong mapapantayan ko siya.
Estado ko pa lang talo na.
Bigla akong napabalingkawas sa kama ng may kumatok.
Dahan-dahan akong lumapit dahil sa pagod na rin.
BINABASA MO ANG
My Own Solace (Devicillo Series #1)
RomanceDevicillo Series #1 Raniña Cunyado-just a little spark of love she only needs from her family. She needs attention that her family can't gave her. Lahat, kinakaya para sa sariling pagpapakatatag. Walang karamay. Walang nakikinig. At walang nagmamaha...