Kabanata 02

29 1 0
                                    

Bata pa lang ako ay nangangarap ako na sana mahalin lang man ako ng Ina ko. Kahit sa family day sa school nagtatago lang ako sa library kasi nahihiya at naiinggit ako. Nahihiya dahil kasama nila pamilya nila at naiinggit ako dahil 'yong meron sila ay wala ako.

Umuwi ako sa bahay kahit 'di kami okay ni Mama. Wala rin namang katao-tao at dumiretso na lang ako sa pagpasok.

Makikita mo agad ang mga litrato nila Mama at Ate sa sala.

Kinaumagahan ay antok na antok ako. Dahil kulang ako sa tulog.

"Puyat ka ba?" Napatingin ako kay Kaylee ng tinanong niya sa 'kin iyon.

Pinagkunotan ko siya ng noo at umiling.

"Huh? Oo eh, tinapos ko 'yong EAPP ko kagabi summary pa naman 500 words at nagstudy rin ako sa Earth and Life Science" sabi ko sa kanya.

Tumango siya.

Heto kami ngayon sobrang busy at gugol na gugol sa pag-aaral dahil kakatapos lang ng intrams. 'Di ako nag-abala manuod ng laro nong nakaraang linggo dahil may tinatapos akong proyekto at pasahan nong intrams.

First quarter palang pero parang fourth quarter na namin.

I heard na nanalo si Ate sa quizzes ng classroom nila at 'di naman siya nabigo na bigyang ngiti ang labi ni Mama.

"Kain lang kayo! Kain lang" anyaya ni Mama ng unti- unting rumarami ang mga tao sa bahay.

Nagpacatering pa siya dahil lang may na achieve si Ate ngayong araw. Eh ako nga nong nag moving-up walang kahanda-handa. Ang pagdadahilan ni Mama busy raw siya.

Ganun naman talaga palagi. She's always busy pagdating sa paghihingi ko ng oras sa kaniya.

It's started when I'm five. My parents separated sa mismong araw ng pasko.
Kaya minsan o palagi ako lang ang nagsisimbang gabi kasabay si Kaylee at sa kina Kaylee rin ako nagpapasko.

"Ilan nakuha mo?" tinanong ako ni Kaylee matapos ibinigay ng guro namin sa EAPP ang answer sheet namin.

Kagat labi kong tinignan ang akin at nakitang may mga error ako sa grammar, 'di lang isa kundi marami.

Pinagpuyatan ko 'to pero bakit ganito lang ang nakuha ko?

I heavily sighed at nagpaalam sa kanyang magbabanyo lang ako.

Pumunta naman talaga ako sa may banyo pero sa labas lang ng banyo. Sinandal ko ang likod ko sa pader at naramdaman kong namamasa na ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

Naiisip ko na naman ang sasabihin ni Mama. Magagalit 'yon pag nalaman niyang 'to lang nakuha ko.

I got 13/50.

Napasapo ako sa noo ko at humagulgol. I even study hard but ito 'yong kinalabasan.

Tarantadong sagot kaya tarantado rin 'yong puntos.

"Buti at puntos mo 'yong iniyakan mo? Akala ko kasi sa maling tao. Kung wala ka lang dalang papel akalain ko pang iniyakan mo 'yong ex mo" someone got said.

Napatingin ako sa may gilid at doon nakasandal siya sa may railings habang nakakrus ang mga matitipunong braso.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Loko pala 'to. Gwapo sana! Pero loko-loko.

"E-excuse me?" Aniya ko.

Pinunasan ko ang pisngi ko at inayos ang sarili bago nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Bakit? Dadaan ka? Sige daan well" matabang na sabi niya.

Aggh kainis!

"Putchaa! Kung nadirito ka lang para inisin ako. Sa susunod na araw na lang pwede?" Sabi ko sa kanya.

My Own Solace (Devicillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon