Kabanata 04

24 1 0
                                    

Nag-iikot kami ni Kaylee sa kada room ng campus kahit college kasali. Bitbit ko ang garapon ng pera at bitbit naman ni Kaylee ang papel at ballpen na kailangan pirmahan ng guro. Timing kasing pagkadaan namin sa may hallway ay tinawag kami ni Ma'am Lay.

"Wala bang elevator ang unibersidad dito, Niña?" hingal na tanong ni Kaylee sa 'kin ng patungo na naman kami sa 4th floor dahil katatapos lang namin sa 3rd floor ng college.

"Wala" tanging sagot ko.

Napahawak na siya sa may railings habang humahakbang kaya nagkukunwari akong nahihirapan rin sa pag-akyat para lang masundan ko ang hakbang niya at baka matalisod pa siya pero atleast nakakaalalay ako sa likuran niya.

"Thank you po" nagpaalam na kami ni Kaylee ng ibinigay na ng guro ang nakolektang pera at papel na may pirma na.

Tinahak namin ang kabilang hagdanan dahil mas malapit ito sa susunod naming pupuntahan.

"You think mabibili ng ganda at talino mo ang lahat?"  biglang may nagsalita at parang may kaaway pa ito. Galing ito sa may Cubicle ng pambabae.

Kaylee looked at me and shrugged her shoulders ng marinig niya rin ito. Sinawalang bahala namin pareho ni Kaylee at nagpatuloy  lang kami sa paghahakbang.

"Wala akong sinasabing ganyan Hallae" the soft and calm voice making me stop.

kaya napatingin rin si Kaylee sa 'kin, na nakakunot ang noo.

"Anong problema mo?" she automatically asked me

"Si Ate Ajax" sabi ko.

binubully siya? kailan pa?

"Althea Jaxen Cunyado....feelingera ooopss i mean  maganda ba talaga?—how about her attitude? maganda ba? Sipsip pa bigyan kita straw gusto mo?" bully na naman sa kanya.

Dali-dali akong tumungo kung saang cubicle ito at nahanap ko naman agad si Ate Ajax na ngayo'y nakasandal na sa pintuan habang may isang babae ang nasa harap niya at dinidiin pa siya.

"Dahil sa pagiging sipsip mo tignan mo Galit si Ma'am Ason sa 'kin, bruha ka"  Galit na sabi ng babae na nakatalikod sa gawi ko.

"Anong ginagawa mo sa Ate ko?"  Galit akong lumapit sa kanila at napatawa ng sarkastiko at gulat ang babae ng iniharang ko ang katawan ko kay Ate Ajax na ngayo'y nasa likuran ko.

"Really? Ate? ikaw 'yung kapatid niya? Kasi last time I remember...she said na isa ka lang pagkakamali kaya Bakit ka niya tatatruhin bilang kapatid? All our blockmates know kahit itanong mo pa sa kanila right Ajax?" sabi niya at dumungaw pa kay Ate.

"you liar" I said  but she chuckled. Tinuturo pa ang sarili.

"Ako?nagsisinungaling? Ajax nagsisinungaling raw ako? Tinanong ka ni Tonton if kapatid mo si Raniña Cunyado pero ano nga ulit sagot mo?" sabi niya at tumawa.

Nalilito ako kung anong sinasabi ng babaeng ito pero may parte sa 'kin ang naniniwala sa sinasabi ng babae. Namuo na naman ang luha sa mga mata ko, tama nga naman saang banda nga naman sina Mama at Ate, ako pinahalagahan at minahal?

Puro ate lang si Mama habang si Ate naman ay Panay tanggi sa sarili niyang kapatid at ako ito.

"Pahinga mo na tayo Niña kanina pa tayo ikot ng ikot" payo ni Kaylee na pinapaypay na ang papel sa sarili dahil sa init. Pumayag ako sa gusto niya kaya huminto kami sa may malapit na bench.

Napaisip ako sa sinasabi ng babae kanina. Ang isidenteng 'yon ay hindi ko talaga malilimutan.

Tinatanggi ako ni Ate sa ibang  tao  bilang kapatid. Niloloko ko lang din ang sarili ko if hindi.

My Own Solace (Devicillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon