Kabanata 03

21 1 0
                                    

"Woi!" Tawag ni Kaylee sa 'kin na pabulong lang dahil nasa harapan namin ang guro namin sa GenMath na nalelecture.

"Bakit?"

"Gala raw tayo mamaya sa may court lang" sabi niya at pinag-ikutan siya ng mga mata.

Gala? Tas sa court?

"Asan ang gala roon? ..eh nasa campus parin tayo" napanguso siya sa sinabi ko

"Kahit na...parati na lang Kasi ganito routine natin eh"

"Titignan ko kung walang assignment sa Gen Math" Aniya ko.

'Di ko Kasi gusto na maibagsak ko ang subject na isa sa pinag-iingatan ko. Oo, 'di ko gusto ang math but walang magawa kailangan ipasa.

"Shutayyyyy! Ang daming Gwapo....Akala ko si Rod lang ang gwapo-" tinakpan ko agad ang bibig ni Kaylee ng makarating kami sa court.

Nakakaagaw pansin kasi ang ginawa ni Kaylee kaya napatingin ang iilang players at manunuod.

She's pain in the ass.

Nakakapaggala kami ni Kaylee ngayon dahil walang binigay na assignment sa Gen Math.

Inanyaya ko si Kaylee na umupo sa Isa sa mga bench na naroon sa court. Nang makaupo kami ay sakto namang kumaway sa 'min si Rodenzel at pumunta sa gawi namin dahil break nila.

Binati niya kami pareho.

"May ipapakilala ako sa inyo mamaya ang childhood friend ko. Although naging magkalaban kami sa court but still Bestfriend kami" sabi ni Rod sa 'min at inoobserbahan ang paligid kung saan 'yong kaibigan niya.

"Ba't nawala na naman 'yon?" nakakunot noo niyang tanong ng isinuyod niya ng tingin ang court.

Sinabihan namin si Rodenzel na mamaya na lang kung nakabalik na ang kaibigan niya at d'yan na lang niya ipakilala sa amin.

Bumalik na sa paglalaro sina Rod ng tinawag ulit sila ng coach nila sa basketball. Naagaw ng pansin ko ang mga bagong manlalaro. Ngayon ko lang Kasi nakita ang mga ibang mukha , siguro they're exhange students? Or 'di lang talaga ako expert sa mga player dahil hindi naman ako nanunuod ng praktis.

Sumigaw ang coach nila na sinmulan na nila. At nag-uusap sila na kulang sila wala raw si "Velro".

Halos magiba ang eardrums ko ng tumili ang kababaehan at kabaklaan ng may tumakbo papunta sa harapan kung saan ang mga players.

"Hala— maryusep! Basketball player din siya?" Di makapaniwalang tanong ni Kaylee sa gilid ko ng makita kung sino ito.

Halos 'di ko na marinig ang sinasabi ng coach ng pumasok na siya... Si STEM!?

Halos tumili ang lahat ng napakagat labi siya. I scanned him foot to head at mas malala pa mas naging maayos ang porma niya. He wore an jersey shirt na may nakalagay na Numero sais.

Devicillo
      6

What with that six? Devicillo? Ahhha now  i know.

I thought matatagalan pa bago ko malaman ang pangalan niya kahit apelyido niya lang but now? Nakuha ko first name at last name niya, buti na lang at pumayag ako sa gala na sinuggest ni Kaylee kahit sa campus lang 'to.

Nagsimula ang laro at mas nakikita kong hinati sila ng grupo siya ang nagsisilbing captain ng kanila at si Rod naman ang sa kabila rin. Hindi mo mafefeel ang tensyon nilang dalawa dahil para lang silang mga bata kung maglaro masyadong carefree.

Ngayon ko lang mas nakita ganito kasaya si Rod sa labing anim naming magkakilala. Palangiti si Rod pero hindi masyado kung hindi niya close at kung ngingiti man siya pwera na lang sa mga kaibigan na malapit sa kanya.

My Own Solace (Devicillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon