03

41 3 1
                                    


Kinabukasan ay nagulat ako nang magdagsaan ang nag me-message sa 'kin. Sana all daw fina-follow ni Jake. Is that really a big deal? Kahit ako ay nagulat nang makita ko na ako lang ang fina-follow niya sa Instagram.

Wala siyang masyadong post sa Instagram niya. Parang tatlo lang ata. Yung isa ay family picture nila, next ay kasama niya yung kapatid niya na si Ayesha. May chocolate at icing sila sa mukha. May hawak din na cake si Jake. And yung last is a photo of flowers. He likes flower, huh?

Muntik pa akong ma-late dahil nasiraan yung sasakyan namin. Pinagawa pa 'to sandali, buti na nga lang ay mabilis lang natapos. Pag dating ko sa room ay wala pa naman ang prof namin. Hinanap ko si Isabella at nakita kong naka yuko siya sa desk niya. 

Puyat nanaman ba 'to?

"Isabella," I called her.

Nag-angat siya nang tingin sa akin. Ang mata niya ay namamaga at mukhang kagagaling lang sa iyak kaya nagulat ako. Isabella rarely cry. Iiyak lang siya kapag may malalim na rason talaga. 

"Hey, what happened?" 

"Thea," nagpunas siya ng luha bago magsalita. "Nag-away si Mommy at Daddy kanina. Tapos sabi ni Daddy maghiwalay nalang daw sila." Umiyak siya sa 'kin na parang bata. 

"Shh, tahan na Isabella. Everything is going to be alright. Baka kailangan lang nila ng time para makapag-usap nang maayos. Stop crying na." 

Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Sobrang mahal ni Isabella ang parents niya kaya ganto nalang siya mag react ngayon. Kahit ako ay nagulat din naman dahil ang sweet naman nila Tita at Tito na parang walang problema sa relationship nilang dalawa.

Sinamahan ko si Isabella na kumain sa cafeteria. Hindi dapat ako kakain dahil ang dami kong nakain kaninang umaga. Pero malungkot 'tong kaibigan ko kaya sinamahan ko na. Nakatulala lang siya at hindi ginagalaw ang binili ko para sa kaniya. 

"Isabella, look at me," I said.

Malungkot pa din ang mata niya at parang naiiyak nanaman. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Isabella is fragile when it comes to her parents. Konting away lang ng magulang niya ay umiiyak na siya. 

Hindi ko alam kung paano siya papasayahin. Ang hirap kay Isabella na nakakapanibago kapag malungkot siya. Matagal pang bumalik yung pagiging makulit niya dahil didibdibin niya talaga yung nangyari sa parents niya.

"Alam mo ba finallow ako ni Jake sa Instagram kagabi." 

Nanlaki ang mata niya at nakangiting humarap sa 'kin. Wow, ganon lang 'yon? Nawala bigla yung lungkot niya nang sabihin ko 'yon? Talaga ba Isabella?

"Talaga? Weh? Baka sinasabi mo lang yan para mawala lungkot ko."  

"Di ah. Kagabi nagulat din ako, eh. Tapos pag gising ko kanina ang daming nag me-message sa 'kin na sana all daw."

Kinuha niya ang cellphone niya para i-check kung totoo ba ang sinasabi ko. Di talaga siya naniniwala sa 'kin!. Nanlaki ang mata niya na isa lang ang fina-follow ni Jake at ako 'yon. Ayoko naman mag expect no. Baka napindot lang ni Ayesha. Baka mamaya ay makita niya na.

"Taray! Get to know na ba 'to?" 

"Baliw, baka napindot lang. Maya-maya baka mawala na din 'yan."

Nakita ko na dumaan sila Jake sa gilid ng court. Mukhang may practice sila ngayon. Napatingin sa gawi namin ang kaibigan nila Jake. Sa sobrang hiya ko ay humarap na ulit ako kay Isabella. Pero etong babae na 'to ay hinahampas-hampas ako. 

"Girl, nakatingin sila! Taray, haba ng hair. Pa share naman ng shampoo dyan!" 

Inirapan ko siya at kinuha nalang ang cellphone ko para mag-scroll sa social media. Inalog-alog ni Isabella ang balikat ko at pinipilit ako na tumingin kila Jake na ngayon ay naglalaro na ng basketball.

"Tingin ka lang, teh! Feeling ko crush ako nung isa niyang kaibigan," seryoso niya pang sabi.

Napatawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya at tinignan niya ako nang masama. Feeling nanaman netong kaibigan ko. Minsan talaga hindi ko kinakaya ang pagiging assuming ni Isabella. Ibang level talaga 'tong babae na 'to.

"Crush ko na yung isa sa kaibigan ni Jake."

"Ano 'to, bestie goals?" Parehas kaming natawa ni Isabella.

Sabay kaming bumalik sa room. At least medyo nabawasan ang lungkot niya. Wala naman masyadong pinagawa ngayon. Puro notes lang naman. Si Isabella naman ay kinukulit ako na manood daw kami ng practice nila Jake. 

Maaga naman kami pinalabas kaya pumayag na ako kay Isabella. Marami ding nanonood na estudyante. Ang alam ko ay may foundation day next month and may mga sports den baka kaya may practice sila.

Grade 9 palang ay nakikita ko na si Jake na kasali sa basketball. And he's good, really good. Palagi akong nanonood ng mga game niya. Kasama ko palagi si Isabella. Inuuto ko na ililibre ko para samahan niya akong manood.

"Feeling ko talaga crush ako nung kaibigan ni Jake," biglang sambit ni Isabella sa tabi ko.

"Lahat naman ng tumitingin sayong lalaking iniisip mo na may gusto sayo, eh." 

Sinimangutan niya ako at nagpatuloy sa panonood. Totoo naman kasi. Kahit sinong gwapong tiumingin sa kaniya ay iniisip niya agad na may gusto sa kaniya.

Nagulat ako nang may tumabi sa 'kin. "Hi, Thea." 

"Hello, Jay." Mukhang katatapos lang din ng klase nila.

"What's with your friend's face?" Napatingin ako kay Isabella na nakasimangot ngayon. Tinignan ko din kung saan siya nakatingin. Nakita ko yung kaibigan ni Jake na may kausap na mga babae. Aba, nagseselos agad 'tong babaita na 'to?

"Nagseselos yata," parehas kaming tumawa ni Jay. Napatingin naman si Isabella sa amin. Nanlaki ang mata niya nang makita niya si Jay.

"Hala, ikaw yung sa architecture diba?" tanong ni Isabella. Tumango si Jay at ngumiti. Nag-usap din silang dalawa. Ang dami palang alam neto ni Isabella sa mga archi students. Hindi ko na din alam kung saan niya nakukuha yung mga chismis niya, eh.

Napatingin ako sa gawi ni Jake. He wiped his sweat. Uminom siya ng tubig at nagpahinga. Ang sinasabi naman ni Isabella na gusto niya ay katabi ngayon ni Jake at may tinuturo. Sinundan ko ito at tinuturo niya si Isabella.

Sakto naman pagharap ko ay nakatingin sa 'kin si Jake. Agad akong umiwas ng tingin dahil namumula ang pisngi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Yayayain ko na sana si Isabella na umuwi kaso may kausap pa siya.

May ilang mga kumakausap sa 'kin na kaklase ko dati pero hindi naman 'yon nagtatagal. Hindi naman kasi talaga ako marunong gumawa ng topic. I'm really bored. Their practice is already done.

Umiinom ako ng tubig nang biglang may tumabi sa 'kin. "Hey," nasamid ako bigla. Muntikan ko pang mabuga ang iniinom ko na tubig. It's Jake.

"Uhm... hi." 

"You're the one who helped Ayesha, right?" he asked.

"Ah, yes." 

Sobrang awkward. Namuntawi ang katahimikan sa aming dalawa. What? Should I start talking? Should I ask why did he followed me on Instagram? 

"Did you see my follow request?" Oh, baka sasabihin niya na napindot lang.

"Yep, I know na napindot mo lang 'yon." Nangunot ang noo niya then he chuckled.

"Nah, sinadya ko talaga 'yon," he said then he smiled.

Captivating FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon